~♥~Chapter Three~♥~

8K 216 14
                                    

♥III♥

Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay kaagad kaming nag hiwa-hiwalay. Apat lang kami kaya kailangan naming madaliin ang paghahanap bago sabihin kay HM.

Pumunta ako sa North at sila naman ay sa tatlo pang natitirang side ng school. Nandito ako ngayon sa likod ng S building kung nasaan ang forest. I have a feeling na may kakaiba sa loob ng kagubatan nato, but I'm not sure. Bawal kasing pumasok ang kahit na sino sa loob ng kagubatan pero ngayon ay susuwayin ko ito for the sake of the students. Hindi na kami humingi ng tulong sa Beta dahil some of them are traitors. Hindi lang ako nagsasalita, i want them to reveal their own true colors.

Pumasok ako sa gubat at wala akong ibang naririnig kundi ang huni ng mga ibon, pagsasalpukan ng mga sanga at ang tunog ng naaapakan kong tuyong dahon.

Umihip ang malakas na hangin at nakaramdam ako ng kakaiba. Sinundan ko ang kakaibang presensya na ito hanggang sa mapadpad ako sa isang parte ng gubat na may mga bato. Isang portal ang nakita ko at kung hindi ako nagkakamali, ito na yung hinahanap namin.

'I found it, magkita-kita tayo sa harap ng Headmasters office'

I used my telepathy para maipadala sa kanila ang mensahe. Kailangan na naming bilisan.

Nagteleport ako papunta sa tapat ng Headmaster's Office, maging sila ay bigla nalang rin na sumulpot. Walang katok-katok kaming pumasok sa office niya. She was sitting in her chair while holding a gem?

"Miss Deria." tawag pansin ko sa kanya. She looked at us at bigla nalang niyang tinago ang hawak niya.

"Hmm Alphas, anong problema?"

Pinagkibit-balikat ko nalang ang kakaibang action niya sa gem. Malalaman ko rin ang dahilan.

"May magtatangkang sumugod dito mamayang gabi. They made a portal sa loob ng forest. I saw it and we were just informing you that we will take an action with this."

"Hmm" tumayo siya and i saw her red shadow. No one knows about my ability aside from mom and dad. Advantage ko raw ito and no one aside from should know about this. "What should we do then?"

"Kailangan nating siguraduhin na papalpak ang plano nila. Kailangan natin silang unahan.At mag—"

She cut Vrons sentence kaya kumunot ang noo nila. I confirmed something kaya napangisi ako.

"No, let them. We should ready our students to fight with them."

"What!! Delikado yang sinasabi mo Ms. Deria!! Hindi basta basta ang kalaban natin, maaari silang mga Darkenian o kaya mga taga ibang dimesyon!! Isang suicide yang balak mo Ms. Deria!!" sigaw ni Xyrin.

Bago pa man makalapit si Ms. Deria kay Xyrin ay gumawa na ako ng shield sa buong office at sa pagitan namin. We are at the one side and same as her.

"Hahahaha what are you doing Miss Lancaster-Riley."

"Where is Ms. Deria?"

"I'm your Ms. Deria"

"Don't fool us. You're not Ms. Deria!!" My eyes flickers and in a snap may nakapalibot ng flame rope sa kanya. No one can escape my flame rope dahil tinuruan ako ni Ina na maging matibay ang bawat ginagawa ko.

"What are you doing Light?"

"She's not our Headmaster Xyrin. She's a shape shifter. Kilala ko si Miss Deria dahil palagi tayong pinapatawag dito, the way she welcome us, the way she talked to us. Ibang-iba and something is missing in her, the authoritive aura na kaagad kong nararamdaman kapag papasok tayo sa opisina niya."

"Tama, the way she reacted sa ibinalita natin ay ibang-iba sa kung paano nag r-react si Ms. Deria saatin. Kung siya si Ms. Deria, she will immediately asked us so many things at kaagad na ipaptawag ang secretary niya at mag uutos ng kung ano-ano to secure the students." Vron is right. Yun din ang napansin kong kakaiba sa kanya.

"Alpha nga talaga kayo. Hindi mo ako binigo. Anak ka nga talaga ni Kiara." biglang nagbago ang itsura niya, from miss Deria to a wicked witch. Black witch.

"Tell me, anong ginawa niyo sa Headmaster namin!!" sigaw ni Qen.

"Nakatago lang naman siya sa isang parte ng office nato. Mabubuhay siya kung mahahanap niyo siya kaagad, if not. Then maghanap na kayo ng bagong headmaster niyo."

Inilibot ko ang tingin sa buong office, something is off.

"Ituro mo na kung ayaw mong mamatay!!"

I grip my hand at mas humigpit ang pagkakagapos ng nilalang na nasa harap namin. Wala na kaming sapat na oras, malapit ng gumabi.

I closed my eyes at ginamit ang isa ko pang ability, ang Visible aura seeker. Makikita ko ang aura ng isang tao kahit na may gamit na nakaharang na spell dito. I can use this with the help of my air power na ginagamit ko, to know the location of that aura. It was floating in the air.

Ibinukas ko ang mga mata ko and i know naging kulay puti ito. Palagi itong nangyayari kapag ginagamit ko ang ability na to na nangangailangan ng concentration hindi tulad ng natural ability ko na nabanggit ko na sa inyo. Inilibot kong muli ang tingin ko at nakakita ng kulay grey na usok na nanggagaling sa gilid malapit sa painting ng buong Academy.

"Nakita ko na." Sabi ko at ginamit ang water acid to melt the spell na nakaharang dito.

*poof*

Nawala ang invisible barrier at nakita na namin siya. Ang totoong Ms. Deria. Bumalik na sa dati ang kulay ng mga mata ko.

"Woaah ang galing mo talaga Light!!" sabi ni Xyrin at pumalakpak pa.

"You wicked witch!!" sigaw ni Ms. Deria at naglabas ng gintong punyal at sinaksak ang witch kaya naglaho ito na parang abo. Tinanggal ko narin ang shield na ginawa ko. "Bwisit na mangkukulam yan. Anyway, narinig ko ang pinag-usapan niyo, Qen and Xyrin, sabihan ang Beta na protektahan ang mga estudyante na papapuntahin ko sa auditorium. Vron and Light mauna na kayo sa forest at susunod nalang ang dalawa. Mr. Imperial and I will come too para isara ang portal. Kayo na munang bahala sa mga susuhod Vron and Light. Siguraduhin niyo di sila makakalapit sa mga building. Go!!"

Tumango kami at sinunod ang inutos niya. Hinawakan ko ang kamay ni Vron at nag teleport sa forest kung saan ko nakita ang portal. I created a glowing air spear at inilagay ko sa taas ng pwesto namin for them to know the way.

"Your power is really cool Light."

"Cool rin naman ang sayo. Namana mo kay Tito yung flame niya."

"Pero mas cool ang sayo."

" Lahat ng power ay cool, be contented for what you have. Hindi lahat ng magian na may kapangyarihan ay gusto ang kapangyarihan na napasa kanila."

"Oo na. Pssh di ako sanay na madaldal ka."

Nagkibit balikat nalang ako at gumawa ng flame barrier na nagtatakip sa portal para ang sino mang lalabasa portal ay matutupok. That's the easy way.

Nakaramdam ako ng itim na kapangyarihan at hindi lang ito nagmumula sa portal na nasa harap namin ngayon, meron pa sa ibang direksiyon.

"What the fvck!!"

Nakaramdam kami ng pagyanig ng lupa. Lumakas ang itim na kapangyarihan na nararamdaman ko.

"Hindi lang isang portal ang ginawa nila. Meron pang isa. Vron!! Ikaw muna ang magbantay dito, hahanapin ko ang isa pang portal. Hintayin mo sila Ms. Deria, wag mong iiwan ang lugar na to kahit na anong mangyari hanggat wala sila. Naiintindihan mo!!?"

"Sige, mag iingat ka Light. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo."

"I will."

I teleported myself sa lugar kung saan ko nararamdaman ang isa pang itim na kapangyarihan. Katulad ng kanina gumawa ako ng glowing air spear sa taas ng lugar na uto para malaman ang location ko. Kailangan nilang maisara ang isang portal kaagad at tulungan ako dito dahil nakalabas na sila. The monsters of the darkness are now looking at me at para akong isang pagkain ng gusto nilang lapain. I need their help, i wish they could make it in time.

♥♥♥♥♥

♥Anong pangalan ang pwede sa ka  loveteam ni Light? Give me two names please. Comment or message me nalang po. Kamsa~

Vote and Comment😊

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon