~♥~Chapter Thirty~♥~

4.7K 161 3
                                    

♥XXX♥

Lumabas kami ng pagamutan para tignan ang nangyayari at ang dahilan ng kaguluhan.

"Woaaahh what the heck was that?" tanong ni Lance ng makita ang half-half na nilalang na sumasalakay dito sa Lucarios. Half Lion/Snake/Eagle. May kasama pa itong mga Big black wolf katulad ng nakaharap namin kanina.

Ang mga kalalakihan sa bayan ay naglinya upang protektahan ang mamamayan nito. Okay na sana kung hindi lang nadapa ang batang maliit na gusto ring makisali sa paglinya ng mga kalalakihan.

"Sila ang mga nahasa na naming mga kalalakihan na maaaring ipadala sa kaharian." sabi ng pinuno nila.

Halata naman sa kanilang itsura na magagaling silang makipaglaban. Ang ilan sa kanila ay mga ka edaran din namin at ang iba ay mas bata pa.

"Talagang kasali yung maliit na bata sakanila?" tanong ni Xyrin at tinuro ang batang nadapa kanina na napaka seryoso ng tingin.

"Hindi, ngunit nais niyang makapunta sa palasyo para makausap ang prinsesa na nagligtas sa kanya noon, si prinsesa Kiara."

Nagsimula ng sumugod ang mga lobo at ang nilalang na half-half. Mahuhusay talaga at hasang-hasa na sa pakikipaglaban ang mga mandirigma na nasa harap namin ngayon, ngunit kahit na ganoon ay mahihirapan sila sa mga ito.

"I think, we need to help them." sabi ko ng marami-rami na ang nasusugatan sa kanila.

"Let's go."

Kanya-kanya kami ng direction at naiwan naman yung tatlong bampira sa tabi nung pinuno.

Sa direksiyon ako ng bata pumunta. I created a flame barrier ng sumugod sa kanya ang isang big black wolf. Nagulat ang bata pero inilayo ko siya gamit ang hangin at inilagay sa ligtas na lugar.

I created a crack on the ground dahilan para mahulog ang ilan sa mga lobo at ibinalik ko rin ito sa dati.

I saw how Natnat burn the wolf. So he's a fire user too? Nakikita ko rin ang ability ng isang bampira sa kanya—speed, strength and his fangs.

Obviously, Vron is burning them alive like he doesn't care of anything at all. Lance froze them and break it in an instant. Marco is using his steel strength that cause of the wolf's death. Kire? He loves to combine his water and lightning. Xyrin is also enjoying with a giant fist na sumusuntok sa mga kalaban namin.

I created a ball of fire tsaka ito binato sa hybrid na half half. The beast easily dodge it.

"Freeze" sambit ko at unti-unti itong naninigas at nabalutan ng yelo. Linapitan ko ito at hinawakan. I use a lightning to crack it and in a snap, it breaks into a million of pieces.

Tapos narin ang mga kasama ko sa kanilang ginagawa kaya bumalik na kami sa pwesto namin kanina. Napansin ko naman na nakatingin saakin ang lahat at bigla nalang yumakap sa binti ko yung maliit na bata.

"Anong pangalan mo iha? Ngayon ko lang napansin na kamuka mo ang aming Prinsesa na si Princess Kiara."

"Ako po si Light Veronica Lancaster-Riley and Princess Kiara is my mother"

"Nako prinsesa"

Nagulat ako ng bigla nalang silang magsiluhod.

"Nako, wag po. Tumayo napo kayo please. Mas gusto ko pong ituring niyo ako na parang hindi niyo alam na prinsesa po ako."

Kaagad naman silang tumayo. Binuhat ko naman ang batang nakakapit sa legs ko. He's so cute.

"Hello baby boy."bati ko rito ng nakangiti. Ngumiti rin ito at yumakap sakin.

"Katulad mo talaga ang iyong Ina Prinsesa. Ako nga pala si Iboe, ang pinuno ng bayang Lucarios. Isang karangalan na kami'y bisitahin ng aming Prinsesa."

"Ang totoo niyan ay hindi ako nandito bilang prinsesa, nandito po ako bilang estudyante ng Magicus Academy na naatasan sa isang mission. At ang aming chief po ang mag e-explain sa inyo ng mga adhikain namin rito sa inyong bayan." peww lalim a.

"Kung gayon, tara sa aking tanggapan at doon natin pag-usapan ang inyong nais na sabihin."

"Umhh dito nalang po muna ako. Gagamutin ko po muna yung mga sugatan." binalingan ko nalang ng tingin sila Sir. "Kayo nalang ang kumausap kay pinuno."

"I'll stay here too." sabi ni Kire pero sinamaan ko siya ng tingin.

"You need to be there Kire. I'm fine here."

"But—"

"No buts. Sige na"

Tinalukuran ko sila at nagpunta sa pagamutan kung saan nakahiga ang mga mandirigma ng Lucarios.

"Baby boy, bumaba ka muna ha. Gagamutin lang ni ate yung mga kuya mo."

"Opo atwe"

Bumaba siya pero nakakapit parin siya sa paa ko. Mukang ayaw niya talagang humiwalay sakin.

"Prinsesa, eto na po ang kakailanganin niyong tubig." sabi ng dalaga.

"Nako, Light nalang ang itawag niyo sakin. Salamat." binalingan ko naman ang mga kalalakihan na nakatingin lang sakin. "Relax lang po kayo sa kinalalagyan niyo. Gagamutin ko po kayo" nakangiting sabi ko at nagliwanag na ang mga tubig na nasa timba. Sana mapapayag nina Sir Natnat si pinunong Iboe dahil kakailanganin namin sila.

THIRD

"Ngayon binata. Sabihin mo na ang inyong pakay." sabi ni Iboe ng makarating sila sa kanyang tanggapan at makapagpahanda ng makakain ang kanilang tagapagsilbi.

"Sa ngalan ng aming Academya, kami ay humihingi ng inyong tulong upang maging kasama namin sa nalalapit na laban para sa ating kaharian." malumanay ngunit puno ang loob na sambit ni Nathaniel. Habang ang iba naman ay seryoso lang na nakikinig maliban sa isa na nasa labas ng tanggapan ang kanyang isip—si Kire.

"Yup, because sooner or later that Dark Prince will attack our academy again or even our Kingdom kaya hindi lang namin laban ito. It's your fight also." ngayon lang sinang ayunan ng Alpha ang sinabi ni Genevive.

"Akala ko'y natapos na ang kaguluhan sa ating kaharian." may halong pangamba na sambit ni Iboe.

"Kailan man ay hindi natatapos ang kaguluhan, dahil hanggat may mga taong sakim at nakayakap sa kadiliman ay magpapatuloy ang ganitong kaguluhan." napalingon sila sa babaeng bagong dating. Nakasuot ito ng katulad sa mga mandirigma. "Nabalitaan ko ang nangyari ama kaya kaagad akong pumanhik pabalik dito."

"Ibiana, ito ang ating mga bisita na tumulong saatin. Mga mag-aaral ng Magicus Academy. Mga ginoo at binibini. Ito naman ang aking anak na si Ibiana, siya ang namamahala sa mga mandirigmang kababaihan ng aming bayan."

"Ikinagagalak ko kayong makilala." sabi ni Ibiana at naupo sa tabi ng kanyang ama.

"Ganun din kami binibini." sabi ni Natnat. Lahat sila ay kinagagalak na makilala and dalaga maliban sa dalawa—si Kire na si Light ang iniisip at si Lance na mukang tinamaan na ni Kupido.

"Ano sa palagay mo anak? Sayo ko ipapamana ang nayon kaya kailangan ko ring kunin ang iyong opinyon patungkol sa nais nilang maging partisipasyon natin sa labanan na magaganap." bukas naman ang kanilang nayon sa pagtulong lalo na para sa kaharian ngunit hindi lang desisyon ni Iboe ang mahalaga.

"Kausapin natin ang ating kasamahan Ama, kung pumayag sila. Tayo'y lalaban kasama nila."

Tumango si Iboe sa naisip ng anak. Habang ang mga Alpha naman ay nananalangin na sana ay mapapayag nila ang mandirigma ng Lucarios.

"Uhh guys? Asan si Kire?" napalingon sila kay Qen ng magtanong ito at sa kaninang pwesto ni Kire na ngayon ay wala ng nag ookupa(occupy).

"Hayyy, nagpapaka clingy nanaman siya sa pinsan ko." iritang sabi ni Vron.

Kailangan na niyang masanay na makita ang palagiang pagdikit ni Kire sa pinsang niyang manhid.

♥♥♥♥♥

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now