~♥~Chapter Eight~♥~

6K 185 8
                                    

♥VIII♥

2 message receive

Kire Vx Laurent

5:00 am

Good morning Lovely, sorry about last night, si Lance gumamit ng phone ko. Dinelete niya lahat ng napag-usapan niyo kaya kung may sinabi man siyang hindi maganda, ako na ang humihingi ng sorry.

6:00 am

Goodmorning again lovely, ingat sa pagpasok.

——

Hindi ko na nireplyan ang text ni Kire. Kakagising ko lang at kailangan ko ng bilisan ang kilos dahil baka mahuli kami sa klase.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba narin ako, exactly 7:00 ay umalis narin kami para pumasok.

"Hayy, nakakapagod nanaman to for sure." itinali ni Xyrin ang nakalugay niya kulay green na buhok. Hindi naman bawal dito ang may kulay ang buhok.

"Paano kaya natin malalaman lung sino ang may hawak ng libro?" nagpangalumbaba si Qen sa mesa niya habang nakatingin sa harapan.  Nandito kasi kami sa classroom at wala pa kaming teacher.

"We need to use our power Nathan, para mas mapadali ang paghahanap natin at hindi na tayo abutin ng buwan dito sa mundo ng mga tao." sabi ni Vron kay Nat na nakatingin pala saakin.

"Pwede naman, pero mag-iingat lang kayo. The question is paano natin malalaman?" he said without taking out his stare.

"Light, can you use your ability to locate things?"

Mabuti nalang at kami-kami lang ang nasa part ng likod ngayon, so we can call each other by our real names.

"I will try. But there is no 100% sure."

"Atleast you will try Love."

"Can you stop calling her Love Qen?"

"Bakit ba Vee? Selos ka?"

"Ayssst!!"

Hindi ko sila pinansin at pinikit ko ang mga mata ko.

I was in darkness hanggang sa makaaninag ako ng isang kulay gintong dyamente. Nag-iilaw ito na nagiging ilaw ko sa kadiliman.

"Loko ka kasi Lance, ayan tulala tuloy si Kire"

"Aba, wala naman akong sinabing mali."

"You shouldn't have use my phone Lance, hindi na siya nagrereply sakin."

"Asus, tinamaan ni kupido.."

"Wag mo ng asarin Marco, kidlatan ka niyan, sige ka. At paano ka naman kasi marereplyan e ang aga-aga mo textsan. Kung ngayon mo kaya textsan o kaya e puntahan mo nalang dyan sa kabilang room."

Dumilat ako at nakita ko ang pag-aalala sa muka nila. Kaya pala ganon ang nararamdaman ko dahil hindi nga sila ordinaryong estudyante lang.

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now