~♥~Chapter Twenty-Six~♥~

5.1K 149 6
                                    

♥XXVI♥

KIRE

Lumabas ako ng office ni Miss Deria at nakasunod naman sakin sang iba. Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa pero kung kinakailangan kong halughugin ang Ishyros ay gagawin ko.

"Sandali nga Kire!! Alam mo ba kung saan hahanapin si Light?" tanong ni Lance na nagpa iling sakin. "Hayy buhay, e paano mo hahanapin?"

"Hindi ko alam, basta kailangan ko siyang makita!! Paano nalang kung pinilit na niyang magpakasal si Light!!"

"Hindi naman basta papayag si Light. Kilala ko siya, hindi siya magpapakasal ng wala ako."

"Tama na nga yang kasal kasal na yan, saan natin unang hahanapin si Light?" naiinis na sambit ni Xyrin.

Magsasalita na sana ako ng maramdaman uli namin ang masamang kapangyarihan. Kaagad na gumawa ng portal si Xyrin, pumasok kami doon at naabutan namin si Light na nakahandusay sa isang malawak na damuhan.

"Light!!" sigaw ko at nagmamadali siyang lapitan. Humihinga pa siya at siguradong nahimatay lang siya.

"This place is our training ground kapag wala kami sa Academy." sabi ni Vron at inilibot ang tingin sa paligid na puro lang naman damo at puno.

"Let's go back to Academy para matingnan ng healers si Light. Palagi nalang talaga siyang nahihimatay!! Hindi na yan healthy" sabi ni Qen. Naalala ko tuloy yung usapan namin tungkol sa buntis buntis. Hayy mapapa saakin ka din Light ko.

Bumalik kami sa Academy at ibinalik si Light sa kwarto niya sa infirmary. Magiging suki na siya rito, at hindi iyon maganda. Sunod-sunod na kapahamakan nalang palagi ang nasasangkutan niya.

"Buti nalang okay lang siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya."

Pinagmasdan ko si Vron na nakatitig ngayon kay Light. Hindi imposibleng magkagusto si Vron kay Light higit pa sa pinsan dahil bukod sa angkin nitong ganda ay kakaiba rin siya. Siya yung tipo ng babaeng pa fall ng wala manlang ginagawang effort. Nawawala ang coolness ko sa katawan kapag nandyan siya.

Nalipat ang tingin ko kay Sir Nathaniel, pinagkakatiwalaan siya ng pamilya ni Light at mukang mas mayvpag-asa siya kaysa sakin. Hindi man niya sabihin, alam kong may nararamdaman siya kay Light, hindi ko lang alam kung romantic or as a sister.

"Hindi parin ako makapaniwala na first love ng Dark Prince si Light"

Napa singkit ang mata ko ng dahil sa pag open nanaman ng topic na iyan ni Lance.

"Oo nga, edi ibig sabihin, ka edad lang natin ang Dark Prince, pero ang lakas niya."

Tama si Xyrin. Kung ka edad lang namin ang Dark Prince, masyado itong malakas. He even makes me trembled because of his power.

"What will happen if Light decided to marry the Dark Prince?"

Napakuyom ang kamao ko sa tanong ni Qen. I won't let that happen. Kailangan ko munang mamatay bago niya maagaw sakin si Light.

XYRIN

Nasapak ko si Qen sa ulo dahil sa tanong niya. Ang tanga rin nito minsan sa mga tanong niya e. Hindi niya ba nararamdaman?

"Aray, bakit ba?"

"Gusto mo bang makidlatan tayo ng wala sa oras!!" tinuro ko si Kire na ang dilim ng muka, naka kuyom ang mga kamaonhabang kumikislap pa dahil sa kidlat niya.

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon