~♥~Chapter Thirty-Three~♥~

4.4K 167 3
                                    

Nalalapit na tayo sa katotohanan, dahil lahat ng kwento ay may katapusan at may mga bagay na kailangang humantong sa hangganan.

♥XXXIII♥

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko to see no one.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Isa itong tent na may maayos na kwarto sa loob. Mga kasangkapan at mga muwebles na may nakaukit na simbolo.

"You're awake."  napatingin ako sa dumating. Inilapag niya ang ilang mga prutas sa mesa malapit sa aking kinahihigaan.

"What happened V?" hindi ko na kasi maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

"We were crying like a baby, ang sabi mo nasasaktan ka and it is slowly killing you. You cried hanggang sa nakatulog ka habang yakap ako." umupo siya sa tabi ko. "Are you okay now?"

"Yeah, pero nararamdaman ko parin siya—that pain." napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Why am I feeling this anyway? Ano bang nangyayari? Sana okay lang sila Ina.

"Everything is going to be fine. Uuwi na tayo." hinalikan niya ako sa noo kaya pumikit nalang ako. I'm so lucky to have a cousin like him. "Mag-ayos kana. Hihintayin ka namin sa labas."

Lumabas siya ng tent at ako naman ay nag-ayos na. Paanong pag-aayos? Hindi ko rin alam. Paglabas ko ay nakahanda na silang umalis, mukang ako nalang ang hinihintay.

"Goodmorning Light." bati nila sakin. Hindi ako sumagot at tinanguan ko lang sila. Maybe the sensed na wala ako sa mood ngayon.

"Thank you for welcoming us here, sana ay matulungan niyo kami sa nalalapit na digmaan."-Nathaniel

"It's an honor to fight with you. Isang tawag lang at dadating kami. Maraming salamat dahil natuklasan namin ang misteryo sa krimen na nagaganap sa aming bayan."

"No worries"-Genevive

"Epal"-Xyrin

Mabuti nalang at nagpaalam na si Sir Natnat dahil pag nagkataon, makikita ng mga taga Aernation kung paano mag-away ang mga kasama naming babae.

Si Kire parin ang may buhat kay Nilo. Ako naman ay inialalayan ni Vron. Xyrin created a portal and ofcourse yun ang ginawa naming way to go back at the academy.

Lumabas kami sa portal exactly near the gate. Napatingin samin lahat nga nag eensayo sa field at makikita ang saya sa kanilang muka.

"Nakabalik na sila!!!"

"Ang ganda talaga ni Princess Light!!!!"

"Ang gwapo nila Kire"

"Sino yung niyang bata?"

"Oh my!! Nagkaanak na sila agad ni Light?"

"Gaga!! Posible yon? Posible yon? Sira  ulo!!"

Alam kong nagpipigil ng tawa ang mga kasama namin dahil sa naririnig nila. Pansin ko naman ang pamumula at pagngiti ni Kire while holding Nilo.

'H-elp m-me m-my P-prin....cess'

Napahinto ako because of that voice. N-no, please sana nagkakamali ako.

"Light, may problema ba?" nagtatakang tanong ni Vron. Napatingin narin samin ang iba.

"Sus, ano nanamang arte mo prinsesa?"-Mia

My eyes became red and in a snap napapalibutan na siya ng apoy.

"Oh my ghad!!!" sigaw nito pero hindi ko siya pinakinggan. I don't care kung maging abo siya, she's pushing me tondo that to her anyway.

"Ayan, matuto ka kasing manahimik. Yang bibig mo masyadong madumi!!"-Xyrin

"Ano ba!! Tanggalin niyo na yung apoy na nakapalibot sa kanya."-Fiona

"Light!! Ano ba!!"-Genevive

Dahil naririndi ako sa kanila, iginaya ko sila sa kasama nila. Pinalibutan ko rin sila ng apoy.

"Hahaha, ano kayo ngayon mga b*tchesa?"-Xyrin

They keep on talking at naiingayan ako. I want to hear his voice, i want to save him wherever place he is.

"SHUT UP!!" sigaw ko that cause them to shut up.

'L-light,s-save m-me m-my p-princess'

'Where are you?'

'underground dungeon'

Iminulat ko ang mata ko at hinarap sila Vron.

"Mauna na kayo kay Miss Deria"

Hindi ko na sila hinintay pang magtanong. I immediately created  Portal connecting to him at immediately closed it afterwards dahil baka sumunod pa sila. I don't want them to be involved here. I will save Luxius by myself.

THIRD

Samantalang naiwan na walang kaalam-alam at nag-aalala ang lahat sa Akademya. Hindi nila alam kung anong nangyayari kay Light.

"Saan siya nagpunta!!" natatarantang tanong ni Vron habang pabalik-balik ng lakad kung saan mabilis na naglaho ang portal na ginawa ni Light.Pati si Kire ay nakaramdam nanaman ng kaba sa kanyang dibdib.

"Let's go to Miss Deria and ask for help." ang suhestiyon ni Nathaniel at sa isang iglap ay nasa labas na sila ng opisina ni Miss Deria.

Kaagad silang pumasok at naabutan nila si Miss Deria na nakaupo sa isang gilid at napakalalim ng iniisip.

"Miss Deria.." pagtawag pansin ni Vron sa kanilang HM. Napatingin naman ito sa gawi nila ngunit walang ano mang sinabi. Naninibago sila sa inaasta nito.

"Malapit na... Nalalapit na ang susunod na digmaan." tumingin siya kina Vron at huminga ng malalim. "Ano ang balita?"

"Pumayag sila pero si Light!! Umalis siya at hindi namin alam kung saan siya nagpunta. C-can you tell where did she go?" sabi ni Vron ng may pag-aalala sa boses.

"Just wait her here. Hindi ako maka konekta sa kanya." isinandal niya ang kanyang ulo sa suporta ng upuan. "She knows what she's doing. She's not our princess if she don't."

"But—"

"Maniwala ka sa kanya Vron." napabaling naman ang tingin ni HM sa hawak na bata ni Kire. "Anak mo?" tanong ni HM na ikinatawa ng iba.

"Hahaha sabi na ngaba. Magkamuka kasi kayo tol"-Lance

"I can't believe na pati si HM inisip na anak mo yan"-Xyrin

"I'm the mother!!"-Genevive

"Asa ka a."-Qen

"Tsk. Assuming"-Marco

"Hahahaha"-Fiona/Mia

"Yeah, anak namin ni Light." pagsakay ni Kire sa trip ng mga kasama nila. Kung magkaka anak man siya, gusto niyang maging si Light ang Ina.

"ASA KA.." sabi ni Vron dito kaya tumawa nanaman sila pero nawala rin ng maalala nila na wala pala si Light sa tabi nila.

Wala silang ibang nagawa kundi ang maghintay sa pagbabalik ni Light sa loob ng office. Ang iba ay nakatulog na dahil sa pagod ngunit may tatlong tao na labis parin ang pag-aalala na kanilang nararamdaman—si Nathaniel,Vron at Kire.

Hindi sila mapapakali hanggat hindi nila makikitang maayos lang si Light, dahil sa pagkakakilala nila sa kanilang prinsesa, palagi itong nadadala ng kanyang nararamdaman at lahat ay gagawin niya para sa mga taong mahal niya.

'That princess is so stubborn'

♥♥♥♥♥

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now