~♥~Chapter Twenty-Nine~♥~

4.9K 152 3
                                    

♥XXIX♥

"Arrghh!! This is frustrating!! Bakit kasi hindi nalang tayo gumamit ng portal!!"

"Kung sakop lang ng portal ang pupuntahan natin edi sana ginamit na diba? Stupid vampire!!"

"Tinawag mo akong stupid!!"

"Yes!! Akala ko may malakas na pandinig ang mga bampira? Anyare sayo?"

"You!! Uubusin ko talaga ang dugo mo!!"

"Ibabaon naman kita sa ikailaliman ng kinatatayuan mo!!"

Kanina pa nagbabangayan si Genevive at Xyrin habang papunta kami sa bayan ng Lucarios-a place for warriors. Sa kanila nanggagaling ang mga tagapagbantay ng kaharian tapos ang susunod ay ang Aernation. Kailangan namin silang kumbinsihin na lumaban kasama namin.

"Manahimik nga kayo!! Nakakarindi yang mga boses niyo!!" inis na sabi ni Lance na napapagitnaan ng dalawa.

Kasalukuyan naming tinatahak ang bundok Catale dahil ito lang ang daan papunta sa Lucarios. Hindi sakop ng Portal ang lugar ng Lucarios kaya dito kami sa bundok napunta, hindi rin gumagana ang aming kapangyarihan dito.

Okay lang sana ang paglalakbay namin kung hindi maaarte ang mga bampirang sina Genevive,Mia at Fiona. Hindi kasi nila magamit ang ability nilang speed dito sa bundok. Lahat ng kakayahan namin ay parang na shutdown dahil sa hindi namin malamang dahilan.

"Ito kasing kasama niyo!! Masyadong epal!!"-Genevive

"Wow ako pa talaga? Ba't kasi sumama sama pa kayo e ang aarte niyo naman."-Xyrin

"Aba!! Sa tana ng buhay ko!! Ngayon ko lang naranasang maglakad ng napakalayo!!"-Mia

"Idamay niyo pa ako mga impakta!!"-Fiona

"MANAHIMIK NGA KAYO!! SAKSAKIN KO NA KAYO E!!"-Lance

Nakakatawa silang panoorin habang nag-aaway. Mabuti nalang, hindi sila dumadating sa puntong magsasaksakan na sila.

"Magpahinga na muna tayo dito. Ipagpatuloy nalang natin ang paglalakbay mamaya." sabi ni Sir Nathaniel at naupo sa ugat ng isa sa mga puno.

Napabuntong hininga sila at sumalampak nalang bigla sa kung saan man sila nakatayo.

"Hindi kaba napagod?" tanong sakin ni Kire at umiling lang ako.

Nakatingin ako kay Natnat dahil parang may iba sa kanya. Hindi na kami masyadong nakakapag-usap.

Tumayo ako at lumapit kay Nathaniel."Hey Nat."

"Hmm?"

"Are you okay?" tumingin siya sakin at tipid na ngumiti.

"I miss them. Miss ko na ang pamilya ko. Since umalis ako sa bahay hindi ko na sila nakita ulit, hindi ko alam kung ano ng nangyari sa kanila."

I tap his back to comfort him. "Why don't you visit them? After this voyage, you can visit them with me. Sasama ako sayo, sasamahan kita. "

"Thank you Light, thank you for being my only friend."

"Anong only friend? Sir naman, kaibigan mo din kami!!" sabi ni Qen at inakbayan si Natnat

"Oo nga, since naging teacher ka namin. Ibig sabihin kaibigan kana namin sir!!"-Lance

And that nagsimula nanaman silang mag-ingay. They are happily talking but was interrupted by a loud roar.

"What the!!" sabay-sabay nilang sigaw ng makita namin ang limang black big wolf .

Ang malas naman, kung kailan hindi namin magagamit ang kapangyarihan namin tsaka pa kami makakaharap ng ganitong problema.

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now