~♥~Chapter Twelve~♥~

5.9K 177 4
                                    

♥XII♥

Unang araw na ng Uniting event ng aming skwelahan. Lahat ay excited sa magaganap ngayong araw, dahil maliban sa pagliliwaliw sa ibat'ibang booth ay mag-uumpisa narin ang event competitions, at dahil ang school ang host sa event nato ay ang staffs ang bahala sa lahat. The two days of the events is our preparation for the pageant but it is already settled since we have magics. Papahirapan paba namin sarili namin?

"Lovely, dito ka nalang muna sa messenger booth kasama ni Xyra" sabi samin ni president kaya um-oo nalang ako. Pumwesto kami ni Xyrin sa isang side ng tent na ginawa namin kung saan sula pwedeng magpadala ng message at magpalista ng gusto nilang pakasalan. Nakakangawit kaya maupo. Ang tatlong bahagi ng square na tent ay nakataas na dahil open na kami, may mga nakasabut pang paper hearts, pinag-isipan nila ng maayos ito, mabuti nalabg maaga silang nag submit, may kagaya sana ito kapag nagkataon.

"Hi, umhh pwede pabigay ito kay Marvin Samaniego ng 12-class A?"

Binalingan ko ng tingin ang unang dumating na babae sa booth namin. She has a short brown hair. She's simpke yet pretty.

"Okay, but there will be a charge of 50 peso for every messages that we will deliver." sabi ko, she immediately pay then left. Hindi namin agad-agad na i d-deliver ang mga envelopes, we will hate hanggang mapuno ang pinaglalagyan nito na messenger box pero first come first serve kaya nakaayos ng pagkakasunod-sunod ito. 
Ilang saglut ay dumami na ang nagpapabigay ng letters. Wala pa man ang taga ibang school ay nakalahati na ang box.

"All the students please proceed to the gymnasium now. The other students of the other school will arrive any minute from now."

Ilang ulit na sinabi iyon kaya inayos na muna namin ang booth. Nilagyan ko narin bg barrier na hindi makikita ng iba, mas maganda ng sigurado.

Nag assemble kami sa gymn ng by section. We are wearing civilian today at ang nag d-determine ng school namin ay ang school badge namin. Ganun din daw ang sa ibang school. Ang pangit naman daw kasi kung naka school uniform parin kami.

Ilang sandali nga ay dumating na ang iba. Magulo sila sa isang pila pero may sinusundan naman na line. Kami ang nasa gitna kaya pumwesto sila sa magkabilaang gilid namin, ang iba ay sa likod na. Hawak ang kanya-kanyang banner.

"Goodmorning to all the students of the 10 different schools that were going to participate in our dearest event. For this years event, our school is the one who will accommodate you all. We prepared everythibg that is needed in every event categories. May mga booth rin na itinayo ang mga estudyante namin sa field upang maaliw kayo habang nandirito kayo sa aming skwelahan. Again, ang event na ito ay para sa pagbubuklod ng mga magkakaibang skwelahan, sana'y maging bukas ang inyong isipan sa resulta ng bawat laban, sana'y walang galit ang mamuo dahil rito. Minsan matuto tayong tumanggap ng pagkatalo dahil sa bawat pagkatao ay may pursigidong taong makakaangat at malalagpasan ang kanyang kahinaan. Ngayon, we are officially declaring the start of our Uniting event. Lahat kayo ay nabigyan na ng kopya ng oras at venue ng laban, ang schedule na yan ay masusunod at hindi maaaring mabalewala. Ayun lamang mga estudyante, maaari na kayong magsipunta sa event na sasalihan niyo kung kayo na ang maglalaro sa unang schedule, ang hindi naman ay i enjoy ang mga iba't ibang booth sa field. May Godbless us everyone!!"

Pagkatapos ng speech na iyon ng secretary ni Miss Deria ay nagsilabasan na rin ang lahat ng estudyante. Napakaraming mga taga ibang school, mabuti nalang, hindi kami yung nagluluto o nagseserve na booth. Okay narin ang taga abot ng sulat at taga kasal.

Nakapwesto na kami sa booth at tinanggal ko na ang barrier, mabuti at ako ang nauna dito. Nakapwesto narin ang iba at dagsa na ang mga nagpapa lista kay Xyrin sa gusto nilang ikasal, 150 ang bayad nun kaya malamang na malaki ang kikitain namin, hindi man kasinlaki ng sa iba, pero atleast may maiipon ang section namin. Maging saakin ay marami na angg nagpapabigay ng envelope, sila nag p-provide ng letter and envelope atctaga bigay lang kami.

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now