~♥~Chapter Two~♥~

10.1K 275 11
                                    

♥II♥

Unang araw ng klase, marami na ang nagkalat sa Academy na mga estudyante. Katulad parin ng dati ang mga uniporme. May mga bagong guro narin ang itinalaga sa kanya-kanya nilang specialization. Lahat ay tinuturo nila saamin mula basic hanggang sa pinaka mahirap na dapat naming matutunan.

"Oyy Qen, asan na yung libro na kinuha mo sa kwarto ko!!"

"Oyy Xy!! Wala akong kinukuha sayo!!"

"Anong wala!! Ibalik mo na kasi!!"

Nag-aasaran ang dalawa sa harap samantalang si V ay natutulog habang nakaunan sa lap ko. Ang classroom namin ay parang training room. No chairs and tables, may white board sa harap pero walang teachers table. Hindi na ito katulad ng dati na may mga upuan. They decided na ganito ang gawing room para matuto kami ng maayos lalo na sa mga performance activities, hindi na namin kailangang pumunta sa main training room.

"E diba pumasok ka sa kwarto ko kagabi, alam ko yun kasi naiwan ang amoy mo sa kwarto ko!! Ibalik mo na Qen!!" naiinis na sigaw ni Xy kay Qen. Marahil ay napaka importante ng librong iyon sa kanya.

"Ikaw ha, alam na alam mo ang amoy ko. Pinag nanasaan mo ako ano!! Sus, mamayang uwian isosoli ko yung libro. Nahuli tuloy kitang may pagnanasa sakin."

Inirapan ni Xy si Qen at lumayo sa pwesto nito. Samantalang hindi naman mawala ang ngiti sa labi ng lalaki. Ganyan silang dalawa, palaging nag-aaway, sila ngalang nagpapa ingay sa classroom namin e.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang medyo bata pang lalaki na sa tingin ko ay aming guro dahil sa nakalagay sa kanyang Name tag. Lahat kami ay may name tag upang alam namin ang itatawag sa isa't isa. Yan ang isa sa nabago dito sa Academy.

Kaagad kong tinapik ang pisngi ni Vron kaya nagising ito at naupo ng maayos sa tabi ko. Lumapit narin samin ang dalawa na mukang natatakot sa awra na ibinibigay ng lalaking nakatayo sa harap namin ngayon. Puti ang nasa tuktok ng ulo niya. Ang anino niya. Wala akong makita.

"Goodmorning Alpha's. Let me introduce myself. I'm Nathaniel Verisky, 20 years old at ako ang magiging adviser niyo this year. Dahil onti lang naman kayo, introduce yourselves bago tayo magpatuloy sa pag k-klase"

Tumayo si Vron at nagpakilala. " Vron Samuel Lancaster, 17 years old sir."

"Qentaki Hiro Jones, 17 years old sir."

"Ehem.. Xyrin Esmi Doyl, 17 years old sir."

Tumayo ako dahil turn ko na. He looked at me really deep. Parang sinusuri niya ang kaloob-looban ko. Ano kayang ability niya?

"Light Veronica Lancaster-Riley, 17 Sir."

Tumango naman ito kaya naupo na ako. Pagkatapos naming magpakilala ay nagturo na siya about sa basic knowledge tungkol sa paglalakbay.

"Kapag maglalakbay kayo, siguraduhin niyong kumpleto ka. Hindi ang mga gamit niyo kundi ang sarili mo. Dala mo ang kaluluwa, puso at determinasyon na matapos ang misyon na inyong gagawin. Kailangan niyong maging handa para sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang paglalakbay ay hindi basta-bastang lalakad ka lang kasama ng grupo mo. A journey is either you will live or you will die in the end." He said with full of emphasis. Sa sinabi niyang iyon, parang dinefine niya kung ano ang buhay. Isang paglalakbay na maaring maging masaya o malungkot ang katapusan.

Lahat kami ay seryosong nakikinig sa kanya, dahil bilang senior na kami, maaari kaming sumabak sa mga misyon na kalimitan ay isang paglalakbay.

"Yan na muna sa ngayon. Bukas ay pag-aralan natin ang mga lugar kung saan kalimitang madaanan sa paglalakbay. Thank you for listening." hindi na niya hinintay ang sagot namin at kusa ng lumabas.

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon