~♥~Chapter Thirty-Two~♥~

4.7K 171 8
                                    

♥XXXII♥

After spending 2 nights sa paglalakbay namin, we are finally here sa Aernation. Masaya naman kaming tinanggap ng kanilang pinuno. He's ruling this place for almost a decade now, yan ang kwento sakin ni Ina, hindi man daw maganda ang umpisa ng pagkakatuklas niya sa lugar na ito, naging maayos naman daw ang kanilang pag-alis.

By now, maybe Natnat is now talking to their leader. Habang ako at si Nilo ay nakahiga sa damuhan. Nakatingin sa mga ulap na malapit na naming maabot.

Nang magising si Nilo sa pagkakatulog ay inaya niya akong maglibot sa paligid. Masaya ko naman itong sinamahan. This day, hindi ko alam pero parang napaka bigat ng pakiramdam ko, yung parang may masamang nangyayari sa isa sa mga malalapit sakin. I hope na pagod lang ako.

"Ate Light, gusto ko po kumain" napatingin ako sa kasama kong bata na nakakapit ngayon sa aking kamay.

Yumuko ako para makapantay ko siya."Saan mo gustong kumain baby?"

Itinuro niya ang isang kainan na medyo marami ring kumakain. Lumapit kami sa stall na yun, napatigil ako ng makitang nababalutan ng itim na mga usok ang paligid nito. At ang mga nakahandang pagkain ay may kakaibang usok rin na taglay at nag-uumapaw dito ang simbolo ng kamatayan.

"Miss, ano pong sa inyo."

Naitago ko si Nilo sa likuran ko ng may lumitaw na isang witch sa harapan namin. Bakit may black witch dito da Aernation? Napatingin ako sa loob at ang mga puting kulay na nasa tuktok ng mga mamamayan na kumakain dito ay unti-unting nagiging itim.

"Miss? Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita e." sabing muli nung black witch pero ngayon ay nakikita ko na siya bilang kung paano siya makita ng iba.

"Ah oo, galing kami sa Magicus Academy." sabi ko at hindi nakatakas sakin ang pagkabigla niya ngunit saglit lang ito.

"Ahh, anong ginagawa niyo rito? Tsaka pasok kayo."

Pumasok kami ni Nilo sa loob pero pasimple kong binalutan ng harang si Nilo para hindi siya madamay sa ano mang mangyayari. Lahat ng nasa loob nito ay parang mga pinapasunod ng kung sino. Hindi lang ang babarng nasa tabi ko ngayon ang black witch na nandito. Tatlo sila.

"Light!! Grabe di ka manlang magyaya na kumain."

Napapikit ako dahil sa inis ng dumating ang mga kasamahan ko. Ang ingay mo Qen!!

"Keep quiet, they are witches!! Don't eat any food they serve. Mga kalaban sila" i said between our minds kaya nag-iba ang itsura nila.

"Baby Nilo, come here." pagtawag ni Kire kay Nilo kaya lumapit naman ito sa kanya.  "Sama ka muna kay pinuno ha." pero ayaw talaga ni Nilo na sumama sa iba. So no choice kundi ang buhatin niya si Nilo habang inaayos namin ang isang ito.

"Pinuno, nandito pala kayo. Maupo po kayo." masayang bati ng isang wish. Ngumiti naman ang pinuno upang hindi makahalata ang mga ito na alam namin kung sino sila.

I lift my hands up tsaka gumawa ng barrier sa labas nitong kainan. I burnt the tent kaya naalarma silang lahat.

"Anong nangyayari?" tanong nung isang eitch at halata sa mata niya ang pagkakaba.

"I know your secrets kaya pwede niyo ng itigil ang pagpapanggap." sabi ko at naglabas ng apoy sa aking kamay. Naghanda narin ang iba ko pang mga kasama.

Ngumisi naman sila at pinakita ang totoo nilang anyo. Mga anyo ng mga mangkukulam na itim. Sila ang kalimitang gumagamit ng mga itim na mahika.

"Hindi ko akalain na malalaman ko kaagad ang aming lihim kahit na ngayon mo palang kami nakikita."

Nagsitinginan samin ang mga kumakain rito ngunit may kakaiba sa mga mata nila. Wala na itong buhay.

"Kayo pala ang may kagagawan ng krimen sa aking nasasakupan. Ang nararapat sa inyo ay kamatayan!!" Sabi ni pinuno at sinakal ang nasa gitang mangkukulam.

Sumugod naman ang mga wala ng buhay na napasunod nila saamin. Hindi na namin maibabalik ang kanilang buhay kaya wala na kaming magagawa pa.

"Do whatever it takes para matalo sila. They already died at hindi na natin maibabalik ang buhay nila." sabi ko kasabay ng pagteleport ko sa likod ng isa sa mga witch at tinalian ito ng Flame rope. The others did the same thing. We captured them at ikinulong in an Earth cage.

"Anong kailangan niyo dito at nagawa niyo ang ganitong bagay?" tanong ni Sir Nathan. He's talking with the three witches.

"Wala kayong mapapala samin!!Hahahaha"

At the looks of it, wala nga talaga kaming mapapala sa kanila. Inilabas ko ang gintong punyal na ginamit ni Miss Deria sa pagpatay sa lumusob na witch sa Academy.

"You—"

Hindi ko na sila pinatapos pa ng bawian ko sila ng buhay. We have to be ruthless sometimes para protektahan ang iba.

"Oww~ so ruthless" reaction ng tatlong bampira.

"So kayo, matuto kayong manahimik."-Xyrin

"Light. Let's talk"

Sumunod ako kay Vron at lumayo ng kaunti sa kanila. Naupo kami sa isang swing na malapit sa isang lake.

"Is there something bothering you? You're not in your usual self." he started the conversation.

"I'm okay V, I'm just tired." or not?

"I know when you're tired, I know when you are sick, when you are having a big time problem. That's how much i know you Light, so please. Tell me."

"I-I don't know V. I have a bad feeling about something that I can't understand. My heart is in a numb pain. I don't know, parang wala akong nararamdaman but i know that I'm in pain." my tears started flowing. Vron stood up at nagpunta sa harap ko. I immediately hugged him and buried my face on his chest. Mataas kasi ang swing so i can easily hug him.

Hinaplos niya ang buhok ko habang ako naman ay umiiyak parin sa kanya.

"Shhh, i don't know what to do but everything is going to be okay. I'm here for you, we're here for you." he kissed my head habang patuloy paring hinahaplos ang buhok ko.

"Sana nga V, sana maging okay lang ang lahat. Kung ano man itong nararamdaman ko, sana mawala na, i can't bear this kind of pain. It is slowly killing me V."

Iba ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa sakit na naramdaman ko noong nagkukumawala ang kapangyarihan ko. That pain is better than this pain.

"Shhh, nandito lang ako Light. I love you~" again, he kissed my forehead at hinayaan akong umiyak hanggang sa napagod ako at nakatulog.

"Light~ h-help m-me. H-help m-me m-my P-prin....cess"

♥♥♥♥♥


[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon