1

36.8K 540 18
                                    


DAPITHAPON at nasa dagat si Diana. Nakahiga sa lounging chair na laan ng resort. Inilabas siya ng hospital kaninang umaga pero hindi si Bernard ang kasama niya kundi ang mag-asawang Nathaniel at Jasmin. May importanteng tawag mula sa Kristine Cement si Bernard kahapon ng tanghali.


She was very disappointed subalit hindi siya nagpahalata sa mag-asawa. Wala siyang karapatan sa panahon ni Bernard. Wala itong ipinangakong anuman sa kanya. Ang tanging sinabi ni Bernard sa kanya ay ang huwag umalis ng Paso de Blas, ng Kristine Hotel.

...don't leave me, Diana. Please bear with me...


...huwag mong iwan ang anak ng lawin, Diana, anuman ang mangyari...


Ipinikit ng dalaga ang mga mata at marahang nagpakawala ng paghinga. Ang mga alaalang iyon ang pinakagabay niya sa susunod na mga araw. Mga walang-katiyakang pampalakas-loob.Ang sinabi ng matandang nagdala sa kanya sa basement ay nakagulo sa isip niya nang husto. Bakit siya pinagbilinan ng matandang iyon nang ganoon? Nangako si Bernard na ipakikilala siya sa matanda. At talagang nakatanaw siya sa sandaling makatagpo niya ito.


Kaninang paglabas ng ospital ay tinanong niya kina Nathaniel at Jasmin kung maaari niyang makita ang matandang iyon.


"Gusto ko sana, Nat, Jas, na makilala ang matandang tumulong sa akin sa villa..." aniya habang nasa pickup sila pabalik sa Kristine Hotel.


Nagkatinginan ang mag-asawang nasa unahan ng Pajero. Both with worried eyes.


"T-talaga bang nakausap mo ang... matanda, Diana?" alanganing tanong ni Jasmin. Sinulyapan ang asawang nagda-drive na bagaman nakatingin sa unahan ng daan ay alam niyang nag-iisip.


"Tiniyak ko sa inyo kahapon, 'di ba? Isa pa, kilala ninyo ang matandang iyon. How would I know about this figurative name na lawin kung hindi ko siya talaga nakausap?" Nang hindi sumagot ang alinman sa mag-asawa ay kunot-noo siyang nagpatuloy kasabay ng pagbangon ng bahagyang iritasyon sa dibdib dahil hindi na naman gustong maniwala ng mga ito. "What is so strange about this old man at kahapon pa hindi ko kayo maintindihang tatlo ni Bernard?"Nag-alis ng bara ng lalamunan si Nathaniel. "Sana ay masabi at maipaliwanag namin sa iyo, Diana. Pero karapatan ni Bernard iyon. Hayaan mong siya ang magpakilala sa iyo."


"Anyway, how about accepting our invitations na sa bahay na tumuloy sa halip na sa hotel?" Iniba ni Jasmin ang usapan.


Umiling siya at ngumiti. "Thank you, guys. Pero hayaan n'yo na munang sa hotel na lang ako manuluyan. I promised Bernard to stay there. He demanded obedience, you know." may bahid ng sarcasm ang tinig niya sa huling sinabi.Nagtawanan ang mag-asawa.


"Oh, don't laugh." bahagya siyang nainis. "Natitiyak kong I will suffer from his hands kung hindi ako susunod."


"I'd rather call it sweet persecution, darling," panunukso ni Jasmin. Binalingan ito ni Nathaniel at binigyan ng warning look.


"It's alright, Nathaniel," ani Diana nang makita ang ginawa ni Nathaniel sa asawa. "Friends do tease each other, don't they? And you are my friends, really." Totoo sa loob ni Diana ang sinabi. Sa loob ng maraming panahon, sa piling ng mga estrangherong ito ay nakadarama siya ng kapanatagan... and safety.


"Salamat, Diana, iyan ang gusto naming iparating sa iyo. Mga kaibigan mo kami," sagot ni Nathaniel na bahagya siyang nilingon. May dobleng kahulugan ang sinabi dahil sinabi na ni Bernard na wala itong alam tungkol sa buong pagkatao ni Diana. At na hindi gustong magsalita ng dalaga.


Tumingin sa labas ng sasakyan ang dalaga. Nakadama ng kaunting guilt pero hindi niya gustong magsalita. Not yet. Hindi pa niya alam kung paano. At natitiyak niyang nagiging inconsistent siya. Nakadarama siya ng safety sa mga ito, sa katauhan ni Bernard, pero hindi siya makapagtiwalang magsabi ng totoo.

In her own good times perhaps.

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Where stories live. Discover now