2

25.1K 449 16
                                    


ISANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana at muling ibinaling ang paningin sa karagatan. Silver ang kulay ng tubig sa dagat. Glowing softly dahil sa haplos ng malamlam na sinag ng papalubog na araw.


Slowly, she inhaled the soft breeze. The whole place is paradise. Ang puting buhangin, ang asul na dagat. Ang nagtatayugang mga puno ng niyog. Ang wilderness ng Paso de Blas na natatanaw lang niya mula sa bintana ng hotel. Ayon sa pagkakakuwento ni Jasmin ay hindi 

pinahihintulutan ng mga Fortalejo na galawin ang gubat. Kasama ito sa attraction ng Paso de Blas bagaman walang maaaring magtungo roon nang walang mga mahuhusay na giya. Tahimik pero nagbabadya ng panganib dahil sa mga naglipanang hayop.


Tulad din ni Bernard ang gubat. He is as wild and natural as the forest he owned.Nagulat pa si Diana sa magaspang na pagdantay sa mga balikat niya ng mga kamay. Mabilis siyang lumingon dahil bumabaon halos sa mga balikat niya ang mga kamay na iyon."Clarita!"


Nanlilisik ang mga mata ng babaeng nakatunghay sa kanya. "Ikaw ang dahilan ng kamatayan ng anak ko, babae! Dinala mo siya roon... inakit... pero pinatay ninyo siya! Kayo ng mga Fortalejo ang sanhi ng kamatayan ng anak ko!"


Walang tinig na lumabas sa bibig ni Diana sa pagkabigla. Nanlilisik ang mga mata ng babae at bahagya siyang nakadama ng takot. Nilinga ang paligid. Malayo siya sa karamihan ng mga naglalangoy bukod pa sa ang mga iyon ay nasa tubig at iilan lang ang nasa baybayin.


"Hindi siya nahulog sa balon! Sadya ninyong itinulak si King! Kayong lahat!" At sinugod siya nito at ipinagsalikop sa leeg niya ang mga kamay. "Papatayin din kita!"


"C-Clar... Clarita, huwag...!" Humihigpit ang mga kamay nito sa leeg niya. Tuluyan siyang nasindak. Nanlaban at malakas na balya ang ibinigay sa babae. Subalit malakas ito at tila wala na sa katinuan ng isip. Halos hindi indahin ang balya niya. Patuloy ito sa pagsakal na hindi niya matinag ang mga kamay. Hanggang sa matumba sila sa buhangin pero hindi bumibitaw ang babae.


Nasasakal na siya at hindi na halos makahinga. Ginamit niya ang mga binti at tinuhod ang sikmura ng babae. Nahulog sa tagiliran niya si Clarita at bahagya siyang nakawala rito. Paatras siyang lumayo rito pero bago pa siya makatayo ay naroon na uli ito at nahawakan siya sa binti. Pasigaw na muling bumagsak sa buhangin si Diana."Mamamatay ka din, babae! Pagkatapos ay isusunod ko ang dalawang Fortalejo na iyon!"Mula sa likod ni Clarita ay dalawang mga bisig ang mahigpit na yumapos dito."Mama, tumigil kayo!" si Zandro na mahigpit na ikinulong sa mga bisig ang ina."Bitiwan mo ako! Isa ka pa! Sadya mong ipinain ang anak ko sa mga mamamatay-tao dito sa Paso de Blas upang ikaw lang ang makinabang sa mamanahin mo! Hayup ka! Walang utang-na-loob! Tulad ka rin ng ama mo!" Nagpumiglas nang husto ang babae subalit hindi ito makakawala sa mga brasong pumipigil.


Isang nagpapaunawa at pagpapaumanhin ang tinging ibinigay ni Zandro kay Diana na nakaupo pa rin sa buhangin at hindi pa nakakabawi sa sindak.

Nakita ni Diana ang parating na si Nathaniel kasama si Rolly.

"Diana, are you alright?" nag-aalalang hiyaw ni Nathaniel ilang dipa mula sa kanya.Isang alanganing tango ang ibinigay ni Diana. Hawak ng isang kamay ang leeg. Nadarama pa niya mula roon ang puwersa ng babae.


Itinayo siya ni Nathaniel mula sa buhangin.

"Hindi ka ba niya nasaktan?" tanong nito.

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon