16

14.4K 327 6
                                    


NGUMISI ang binata sa nakikitang pagsasalubong ng mga kilay niya.


"You and your dirty mind. I'll give you a nice hot bath and tuck you to bed. You've had a hell of a day."


Ipinanhik siya nito at itinuro niya ang sariling silid. Nakadama siya ng kakaibang damdamin nang masilayan ang silid niya sa loob ng limang taon. Sa loob ng kulang pitong buwan ay iba't ibang silid ang tinuluyan niya. At naninibago siya.


Inilapag siya ng binata sa paanan ng kama at pumasok sa banyo. Narinig niya ang lagaslas ng tubig. Pagkatapos ay muling lumabas. Walang imik siya nitong hinubaran. Ipinasok sa banyo at inilubog sa bath tub.


"liwan muna kita." biglang lumatay ang pag-aalala sa mukha niya sa narinig. Nagpatuloy si Bernard. "May dalawang tauhang iniwan si Jackson sa labas. Hangga't hindi maayos ang lahat ay mananatili ang mga iyon dito. Trust them, Diana. Sanay sa giyera ang mga lalaki sa ibaba. Isa pa, natitiyak kong hindi na makagagawa pa ng gulo si Charlie at Kenneth."


"Thank you, Bernard."


Hinagod ng binata ang buhok niya patalikod. "Next time you should know where to put your trust," matabang nitong sagot.


"W-will I—see you again?" Punong-puno ng insekyuridad ang tinig niya."Anong klaseng tanong iyan, Diana?" anito na nagsalubong ang mga kilay. Humakbang palabas ng banyo. "Huwag kang matulog sa bathtub," patuloy nito bago siya tuluyang iniwan.

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon