14

15.8K 382 4
                                    


MULING bumalik sa Maynila si Bernard nang sumunod na araw dahil sa trabaho sa kompanya. Si Diana ay nagkaroon ng pagkakataong magtrabaho sa meat processing sa farm nang mag-maternity leave ang supervisor.


At bagaman tatlong araw na mula noong huli silang magkita ni Bernard ay hindi niya gaanong napag-uukulan ng pansin dahil sa bagong trabaho na totoong nag-e-enjoy siya. Sa gabi ay nag-uusap sila ng binata. Tinatawagan siya nito sa telepono. Kalimitan ay nasa opisina pa ito kung tumatawag kahit gabi na. At kung talagang busy ay sinisiguro ni Bernard na kahit hatinggabi ay matawagan siya.


"I really enjoyed my job, Bernard. Ganoon pala ang paggawa ng mga hot dog at kung ano-ano pang frozen foods..." excited niyang balita rito noong unang araw niya sa trabaho.


"Natutuwa ako at may napagkakaabalahan ka ng oras mo, Diana. I'm sorry kung hindi ako makababalik ng Paso de Blas nang mga ilang araw. Maraming trabaho at problema dito sa opisina." Nararamdaman niya ang tiredness sa tinig nito. At naroon lang siya at nakikinig.


"Well, I only hope na nakukuha mo pang magpahinga, Bernard," aniya nang sabihin nitong hindi lang sa Kristine Cement ang may problema kundi maging sa ibang kompanya at kung wala si Marco ay baka lalo na itong nahirapan.


"And I... missed you, lover boy." idinaan niya sa biro ang pagsasabi ng totoo.


"Me, too, stranger," wala sa loob na pag-amin. At hindi na nakuhang itanggi sa isip na nami-miss nito si Diana sa tunay na kahulugan ng salita. "I missed you like crazy..." he added huskily.Iyon lang at nagtayuan na ang mga mumunting balahibo ni Diana sa batok. How easily this man could arouse her.


"Nagawa mo na bang sanayin ang sarili mo na ilang araw o linggo mula ngayon ay pakakasal ka sa akin?" patuloy ni Bernard matapos ang bahagyang patlang sa pag-uusap nila.


"Huwag nating pag-usapan muna iyon, Bernard," pag-iwas niya.


"Kung binabalak mong umiwas sa nakatakdang mangyayari, then you are very wrong, Diana," sagot nito na ang amusement sa tinig ay hindi maitatago. "Anyway, ano ang gusto mong pag-usapan natin? Do you want me to tell you how I hungered for your touch, for your delectable body and that I want to bury myself deep insi..."


"Uh... uh..." agap niya, natatawa. "That is obscene talk over the phone and it is illegal!"Natawa na rin si Bernard. "Amore, kailan ka pa matututo at maniniwalang sa Paso de Blas ay walang illegal na gagawin ang mga Fortalejo?"


She smiled kahit na alam niyang hindi nakikita ng binata iyon. "Malapit na. Try harder."Banayad na natawa ang binata. "Ibig bang sabihin niyan ay hindi ka pa naniniwala na nasa ilalim ka ng kapangyarihan ng isang Fortalejo?"


"Sino sa mga Fortalejo?" tukso niya.


Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. "May iba bang Fortalejo riyan na gumagamit ng power niya sa iyo? Nariyan ba si Zandro?"


Huminto sa panunukso ang dalaga. Nararamdaman niya ang pag-iba ng tono ng binata. "I only mean na nasa ilalim ako ng mga lalaking arogante, dominante, mayayabang, na ang akala sa sarili ay sila na ang pinakamagandang regalo ng mga pagan gods dito sa lupa..."

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Where stories live. Discover now