10

15.2K 337 7
                                    

SA ibang panig ng Maynila.


"Ano ang balita?" si Charlie sa private detective na binayaran. Sinulyapan si Kenneth na nakaupo sa may sofa at naghihintay rin sa sasabihin ng detective.


"Na-trace ko na ang may-ari ng plate number ng Mercedes Benz na sinakyan ni Diana, Mr. dela Cuesta."


Bahagyang napahugot ng paghinga si Charlie. "Kanino? Sabihin mo kaagad," apura nito. Wala sa loob na nakuyumos ang mga papel sa harap.


"Big time, Mr. dela Cuesta. Hindi basta-basta. One of the richest... and powerful bagaman tahimik lang. Anak ni Don Leon Fortalejo. Maraming connections during his lifetime. 


Nagmamay-ari ng isang entire town, almost an island. Ang meat farm ng pamilya ay isa sa mga major supplier ng bansa. Ang anak ang nagmamay-ari ngayon ng malalaking kompanya. Isa na rito ang Kristine Cement. Huwag nang isali pa ang Kristine Steel na pinamamahalaan ng isang tiyuhin at ang asawa nito, si Marco de Silva, also rich and powerful. Untouchable at isang shrewd and topnotch lawyer." Halos hindi huminga ang detective sa pagre-report.

"Sonofabitch!" Nagtalbugan ang mga papeles sa mesa sa lakas ng pagkakasuntok ni Charlie. Si Kenneth man ay nagtagis ang mga bagang. Tumayo at nagpaikot-ikot sa buong study. Napatutok ang pansin sa rug sa ibaba ng maliit na mesa. Lumapit at inayos ng paa ang natuping rug. Pagkatapos ay binalingan ang detective.


"And she must have sold herself to that devil!" patuloy nito na ang mga ugat sa leeg ay halos maglabasan. But I'll get you, Diana, kahit nasa pangangalaga ka pa ng kahit na sinong demonyo. Akin ang mga ari-arian ng mga dela Cuesta. At ikaw ang passes ko roon.At habang nagtatagal na makita nito si Diana ay lalo lang kinakain ng galit ang dibdib nito. Lalo na at wala na itong pera. And damned those wretched employees na hindi gustong i-honor ang signature at utos niya.


Patay na ang matanda at bilang nag-iisang anak ay dapat na manahin niya ang kompanya at ang mga ari-arian nito. Pero wala ang testamento ng matandang Luis dela Cuesta. Ang abogado nito'y may hawak na dokumentong nagpapatunay na tangi lamang sa harap ni Diana Montero babasahin ang testamento. At kung wala si Diana sa loob ng isang taon matapos itong mamatay, ang lahat ng ari-arian ng matanda ay mauuwi sa kawanggawa.


At pitong buwan na halos na hina-hunting nito ang dalaga. Nauubos na ang panahon nito. At wala na siyang pera para ibayad sa mga tauhan niya.


"What now?" si Kenneth makaalis ang private detective.


Bago pa makasagot si Charlie ay nag-ring ang telepono sa tagiliran. "Hello," mainit pa rin ang ulong padabog na sumagot.


"Easy, Charlie boy..."


"B-boss..."


"You're running out of time, my boy..."


"S-sandaling panahon na lang, boss. Nakita ko na si Diana."


"Really? That's good news. Nasaan siya?"


"Nasa pag-aaruga ng isang..." sandaling inisip ang pangalan. "...ng isang Fortalejo, boss."Sandaling natahimik ang kabilang linya. Nakarinig si Charlie ng banayad na pag-ubo. "Fortalejo as in Kristine Cement, Kristine Steel, Kristine Hotel-Resort at kung ano-ano pang Kristine, Charlie?" mapanganib ang tono nitong tanong.


Napalunok si Charlie. Nagpahid ng pawis sa noo. "I-iyon nga, boss."


"Then you're dead, Charlie." tiniyak ng nasa kabilang linya sa galit na tinig. "Mataas pa sa Empire State Building ang connections ng mga iyon. Tahimik at simple ang pamilya but they're respected by the law. Huwag nang idagdag pa kung gusto nilang kumilos pailalim. They could pay the devil himself. At wala akong balak madamay..."


"H-hindi, boss. Bigyan mo ako ng kaunti pang panahon at tinitiyak ko sa iyong mapababalik ko si Diana at hindi kailangang makialam ang mga Fortalejo. Mababayaran ko ang utang ko sa iyo..."


"Tsk... tsk... ikaw ang anak ni Luis dela Cuesta, Charlie, bakit kailangan mo ang pamangkin mo?"Hindi agad nakasagot ang lalaki. "Personal, boss. Pero babayaran kita anuman ang mangyari."


"Tiyakin mo, Charlie," anang kabilang linya sa banayad subalit mapanganib na tinig. "Dalawang linggo ang panahong ibibigay ko sa iyo. Walang labis walang kulang."


Nawala na ito sa linya. Nagpahid ng pawis si Charlie. Isinandal ang sarili. Kailangang makagawa siya ng paraan upang bumalik nang kusa si Diana bago matapos ang taning nitong araw at bago tuluyan na mawalan siya ng perang ipambayad sa mga tao

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Where stories live. Discover now