6

16.2K 366 1
                                    


NANG pasukin niya si Don Luis sa study nito ay may dinatnan siyang bisita. Isang lalaking sa tantiya niya'y nasa singkuwenta mahigit ang edad. Pamilyar ang mukha, hindi lang niya matukoy.


"Halika, Diana, at ipakikilala kita kay Ramon. Siya ang doktor ko, hija. Si Doktor dela Paz. Ramon, ang apo ko, si Diana," pakilala ni Don Luis.


Tumayo ang matandang doktor at kinamayan ang dalagita. "Para kong nakita si Leonora noong kabataan, Luis. Lamang ang buhok nitong apo mo ay kinuha mula sa iyong esposa."


"Iyan din ang malimit kong sabihin sa apo kong iyan, Ramon," sang-ayon ng matandang don."Kumusta po kayo, Doktor dela Paz," ani Diana.


"Nagagalak ako at nagkatagpo tayo sa wakas, hija. Nito kasing nakaraang mga buwan ay lumabas kaming mag-asawa ng bansa. Sa Canada, dahil naroon ang kaisa-isa naming anak at ang pamilya nito," paliwanag ng matandang doktor.


Nakadama ng galak si Diana para sa bagong kakilala. Natitiyak niyang makakasundo niya si Dr. dela Paz.


"And I'd rather you call me, Lolo Ramon, Diana," dagdag nito. Pagkatapos ay nilingon si Don Luis. "O paano, Ramon, tutuloy na ako dahil may pasyente pa ako sa St. Luke's. Inaasahan kong dadalhin mo si Diana bukas ng tanghali sa bahay nang makilala ni Conchita.""Naroon kami, Ramon."


"Sige na, hija..." Sinundan ng tanaw ng dalagita ang matandang doktor palabas ng silid."Isara mong muli at i-lock ang pinto, Diana," utos ng matandang sinunod naman ng dalagita.Tumayo ang matanda at lumakad patungo sa isang bahagi ng silid. Itinaas nito ang isang bilog na center table. Hinawi ang rug doon. Nagsalubong ang mga kilay na pinanonood ni Diana ang ginawa ng matanda. Wala siyang nakikita kundi ang kuwa-kuwadradong marmol. Isang steel nail file ang inilabas ni Don Luis mula sa bulsa ng polo shirt nito. Isiniksik sa pagitan ng marble squares.


Napasinghap si Diana nang umangat ang isang marmol mula sa sahig. Napayuko siya at tiningnan kung ano ang naroon. Isang maliit na steel box ang nakapaloob sa secret vault. Kinuha ito ng matanda at inilapag nang maingat sa mesa.Isang susi ang inilabas na muli sa bulsa at sinusian ang steel box. Nang mabuksan ay may isang dokumentong kinuha at iniabot kay Diana.


"Basahin mo, Diana," utos nito.


Alanganing tinanggap ng dalagita iyon. At sa nanginginig na mga kamay ay pahapyaw munang dinaanan ng mga mata bago tuluyang binasa."Oh!"


Muling kinuha mula sa mga kamay niya ang dokumento bago pa siya nakabawi sa pagkabigla. Nasilip niya na hindi lang dokumento ang laman ng steel box. Mayroon pang mahahalagang naroon. Kung paano kinuha ito ng matanda ay sa ganoon ding paraan ibinalik sa panggigilalas ni Diana.


Tinitigan niya ang marmol na ibinalik ng Don na kung tutuusin ay hindi naman mapapansin ang kaibahan kung hindi talaga kabisado. At kahit siya, sa susunod na pagkakataon ay hindi agad matutuhan kung aalisin ang mesang bilog sa tapat at ilipat ng lugar.


Tumayo ang matandang lalaki at bumalik sa upuan nito. "Anuman ang mangyari, Diana, kalasag mo ang dokumentong iyon. At sana'y hindi magkatotoo ang kutob ko. At sana'y hindi mo na kakailanganin ang dokumentong iyan. Hindi ko maaaring ipagkatiwala sa ibang tao, Diana. Hindi na ngayon sa mga panahong ito. Ang kopya ng isang dokumento ay nasa isang safe deposit sa bangko. Malalaman mo iyon. Matanda na ako, hija. Ikaw ang inaalala ko. Magtiwala ka kay Ramon. Hindi niya alam ang tungkol sa marmol pero alam niya ang tungkol sa mga dokumento. Isa siya sa mga witnesses."

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt