12

15.2K 357 9
                                    


klNABUKASAN ay ipinasyal siya ni Bernard sa buong hacienda. Una muna'y ipinakita sa kanya ang meat farm. Ang bakahan at ang horses' stable.


"Ito ang boundary ng pag-aari ni Nathaniel, Diana. Mula rito at hanggang sa kaya mong tanawin ay pag-aari ko." itinuro ng binata ang isang di-maliparang uwak na kaparangan. Pagkatapos ay pinausad na nito si Firewind at dinala ang dalaga sa limestone site.


"Ngayon lang ako nakakita ng ganito, Bernard," manghang wika ni Diana habang pinanonood ang mga taong gumagawa sa ibaba ng burol na kinaroroonan nila. "Hindi ko alam kung paano ginagawa ang semiento..."


"That and some more chemicals make a bag of cement." At ikinuwento sa dalaga kung paano hindi sinasadyang natagpuan ang limestone site many years ago at kung paano nagsimulang itatag ang Kristine Cement.


Sakay silang pareho ni Firewind nang dalhin ni Bernard si Diana sa de Silva Farm at ipakilala kay Julia.


"And I thought you'll never bring her here, Bernard," ani Julia na tiningnan nang masama ang apo. "Mabilis ang balita dito sa Paso de Blas. In fact, Marco and Emerald were curious about her. Muntik na siyang mapahamak dito sa atin pero ngayon mo lang naisipang ipakilala siya sa akin."Natawa si Bernard. "Walang panahon, Tiya Julia. Naging napakaabala ko nitong huling mga araw. May problema sa Kristine Steel kung nasabi na sa inyo ni Marco. Nagkaroon ng delay sa delivery para sa isang malaking project ng isang kompanya at sa kompanya sinisingil ang gastos sa delay."


Nagkunwang umismid si Julia. "Anyway, welcome to De Silva Farm, hija. My grandson is too remiss," nakangiti nitong sinabi kay Diana.


"Hindi naman po ako gaanong natatagalan pa sa Paso de Blas. Isang linggo pa lang mahigit," wika ng dalaga matapos halikan sa pisngi ang matandang babae."Galing na ba kayo sa villa?"


Tumingala si Diana kay Bernard at hinihintay itong sumagot. Umiwas ng tingin ang binata at lumakad patungo sa lagayan ng alak at nagsalin.


"On our way back to the hotel, tiya," sagot nitong hindi lumilingon. Hanggang maaari ay hindi nito gustong dalhin si Diana roon. Maraming mga alaala ni Jewel ang tinataglay ng villa.Anyway, kahit papaano ay nakita na ng dalaga ang villa. Isang trahedya na ang nangyari doon, taking the life of the woman he loved.


Muntik nang maulit ang pangyayari.


"Make yourself comfortable, Diana, at titingnan ko lang sa kusina ang tanghalian natin.""Oh, don't you worry. I'll be fine." humakbang ang dalaga patungo sa music corner kung saan naroon ang piano at iba pang instrumentong pangmusika. Napagtuunan niya ng pansin ang gitarang nakasabit. Inabot iyon.


"Don't!" si Bernard bago pa mapigil ang sarili.


Kung hindi naagapan ni Diana ang gitara ay maibabagsak niya sa pagkagulat. Si Julia man ay nabigla rin at napalingon sa kanila.


Gumuhit ang hapdi sa mukha ni Diana at nakita iyon ni Bernard. Gusto nitong sipain ang sarili.


"I—I mean..." Dio, kailan pa ito nag-stammer sa buong buhay nito? "Wala... sa tono iyan...""I don't know how to play this thing," she said softly, bitterly. Muling ibinalik sa dingding ang gitara. "Na-curious lang ako, I'm so sorry." Swallowed painfully and choked back her tears.

"Dammit, Diana. Don't make me feel guilty by saying you're sorry. Ako ang dapat magsabi niyon." Pagtaas ng tinig ang alam na gamitin ni Bernard to appease himself.

"Nariyan sa drawers ang mga family album, hija," namagitan si Julia. Hindi nito kayang tingnan ang pagdaramdam sa mukha ni Diana. Binalingan ang apo. "Bernard, tulungan mo akong ayusin ang mesa." Nag-iwan ng buntong-hininga ang binata at sumunod sa matandang babae palabas ng dining room.


"Am I allowed to see it, Bernard?" pahabol ni Diana bago tuluyang nakalabas ang binata. Kung nanunuya siya ay hindi rin niya alam. Huminto sa paghakbang si Bernard at lumingon.

"Hell, yes! You don't have to ask my permission. Nabigla lang ako kanina and I'm sorry...!" bulyaw nito at sumunod sa tiyahin.

"I have never known you for being so rude, Bernard." si Julia nang nasa dining room na sila. 


"And watch your language. Okay lang sa isang ranchero pero hindi sa isang executive."

Sa kabila ng lahat ay nakadama ng amusement ang binata sa double-standard ng matandang babae sa pagmumura.


"Sinaktan mo ang damdamin ni Diana. Nakita ko iyon sa mukha niya. Gitara lang iyon, hijo. Kahit pa nga ba nagtataglay iyon ng maraming alaala. But surely, hindi alam ni Diana iyon." nag-aakusa ang tinig ni Julia.


"Hindi ko siya dapat dinala dito. Hindi ko dapat ipinakilala sa iyo. Hindi ko siya gustong dalhin sa villa bagaman nakarating na siya roon." Inihilamos ng binata ang palad sa mukha. His face in agony.


"Ano ang dahilan at dinala mo siya rito? In the first place, bakit mo siya dinala rito sa Paso de Blas?" banayad na tanong ng matandang babae.


"Damn if I know. I was just attracted to her hair when I first saw her..."


Napadilat ang matandang babae. "Her hair! Nagiging loko ka, hijo...!" May amusement sa tinig ng matandang babae. "Bagaman inaamin kong maganda ang buhok ni Diana. Pero hindi rason iyon sa pagiging involved mo sa kanya."


"At paano mong nalamang involved ako sa kanya?" naiiritang tanong ng binata.


"Really, Bernard? Didn't I raise you?" Tumaas ang kilay ng matandang babae. "Now, bakit mo siya dinala dito sa Paso de Blas?"


"Huwag ninyo akong tanungin. Hindi ko alam sagutin. I'm getting dumb perhaps. Noong dalhin ko siya rito sa Paso de Blas ay iyon din ang unang araw na nakita ko siya sa buong buhay ko..."Lalo nang nandilat si Julia. "Tama ba ang naririnig ko sa iyo? Sino ang babaeng iyan? Ano ang uri ng pagkatao niyan?" naiiskandalong tanong ng matandang babae. "I do not want you to get involve with some..."


"Calm down," agap ng binata. "Tinitiyak ko sa iyong matinong babae si Diana. At galing sa mabuting pamilya."


"Paano mong nalaman?" Naroon ang pagdududa sa tinig nito. Tumaas ang mga guhitang kilay. Hindi nito gustong kung sino-sinong hindi nararapat na babae ang pinagkakaabalahan ng apo."And I thought you raised me?" matabang na ganti ng binata.


Nagpakawala ng mahabang paghinga ang matanda. 


"We were all devastated when Jewel died, Bernard. Lalo ka na. Hindi ko tinututulan ang pakikipagrelasyon mong muli sa ibang babae. Lamang ay tiyakin mong mabuting babae. At ikagagalak kong ibalik mo ang sarili mo sa dati. Pero sana'y wala kang sinasaktang damdamin. Kung ang kailangan mo kay Diana ay dahil lang sa basic needs, then don't let her come close. And correct me if I'm wrong, hijo. Nararamdaman ko, kung hindi ko man nakikita, close is an understatement kung ang pagbabasehan ko ay ang mga mata ng dalaga sa pagsulyap sa iyo. And Diana is very young, hijo, para sa sakit ng damdaming maaari mong idulot. I bet na wala pang twenty-one ang babaeng iyan."

Hindi sumagot si Bernard. Wala itong maapuhap na ikatwiran doon.

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Where stories live. Discover now