3

17.9K 391 6
                                    


GALIT na ibinuhaghag ni Diana ang laman ng mga plastic bag. Denim pants all in in designers' label at lahat ay sizes niya. Hindi kataka-taka iyon dahil tiyak na nakita ni Bernard ang size ng suot niyang pants. Pagkatapos ay mga signature shirt and blouses. Casual and semi-formal dresses. Tatlong pirasong one-piece swimsuit, again in designers' labels. Kung wariin pa nga niya'y baka one of a kind ang mga swimsuit.


Paismid niyang inihagis ang mga iyon. Conservative beast! Hindi two-piece ang pinili. Ang isa pang plastic bag ay naglalaman ng mga underwear. Dozens of them. In fragile laces at iisang kulay lahat, puti. And nightwears, all in soft colors.


Pinamulahan siya ng mukha roon na lalo pang nagpatindi ng galit niya. Kahit ang mga intimate garment niya ay binili ng lalaking iyon.


Galit niyang inihagis ang mga pinamili ni Bernard. Damn, damn, damn! Ano ba siya, sinusustentuhang babae? Bayarang babae? Kept woman?


Nagpupuyos ang dibdib na lumipat siya sa main suite at dumapa sa kama at umiyak nang umiyak sa matinding galit at sama ng loob. Hindi niya matiyak kung saan niya dapat isisi ang mga nangyayari sa buhay niya. Kung kay Charlie o sa sarili na rin.


She should have not bargained with Bernard. Dapat ay pinagsikapan niyang takasan ito. O di kaya ay binayaran na lang niya ang perang inihagis nito sa mga holdaper. Mahigit pa roon ang halaga ng pearl earrings niya. Bukod pa sa may kaunti pa siyang natitirang pera.


Sa pagitan ng mga luha ay siya na rin ang kumontra sa iniisip. Naalala ang sinabi ni Bernard."Hindi ako interesado sa pera mo, o sa mga jewelry mo. I am not even sure if I give a damn if you come naked..."


Ang sabi ng matanda sa kanya sa basement ay matapang siya. No. He was wrong. Takot siya kay Charlie. Takot siya para sa buhay niya kaya siya tumakas mula rito.


At kay Bernard siya bumagsak. And her precious self, her virginity ay ibinigay niya rito. And worst na gusto niyang sipain ang sarili, she enjoyed the sensual violations of her body. Tiniyak ni Bernard na hindi niya malilimutan ang unang gabing iyon sa buhay niya. He was gentle and loving, made her feel precious and loved.


Oh, she could see the hunger in those damned raven-black eyes!Lust! Pure lust.


And why not? Lahat naman ay nagnanasa sa katawan niya. Unang-una na si Charlie. Hindi nga ba kung hindi siya naging maingat ay matagal na nitong napagtagumpayan ang masamang hangarin sa kanya dalagita pa lamang siya. And there was also Kenneth na mula nang makilala niya at maging boyfriend ay wala nang hinangad kundi ang maangkin siya. Huwag nang ibilang pa ang ilang mga manliligaw na kung hindi siya ang hinahangad ay ang kayamanang mamanahin niya kay Don Luis dela Cuesta.


Sa pagitan ng paghikbi ay binalikan sa isip ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Lahat, mula pa noong araw na hinangad niyang sana'y kasama siya ng mga magulang na namatay...

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon