15

16.1K 409 7
                                    


NAISAKAY at nailabas ng pabrika si Diana nang wala kahit na sinong nakakita maliban sa dalawang security guard sa gate na pawang mga kasabwat din ni Charlie.


Gusto niyang maiyak. Ang kompanya ay napapaligiran ng mga ganid at mamamatay-tao. Ang kompanyang minana pa ng lolo niya sa ama nito ay mapapasakamay ng taong siya mismong pumatay sa lolo niya.


Mali bang nagtungo siyang mag-isa rito? Hindi ba dapat ay ipinaalam niya kay Bernard ang totoong pangyayari sa buhay niya? Dapat ba ay humingi siya ng tulong kay Bernard?Huminga siya nang malalim. Maliban sa nagpadalos-dalos siya'y hindi rin niya gustong madamay si Bernard. Kung sinamahan siya nito sa pagpunta rito sa pabrika ay walang mababago. Dalawa pa silang manganganib. Bukod doon ay hindi kikilos si Bernard nang hindi niya ipinaaalam ang buong pangyayari. At paano niya biglang ipaliliwanag iyon pagkatapos ng ilang linggong pag-iwas niya sa mga tanong nito tungkol sa pagkatao niya?


Tama ang ginawa niya. Bigla siyang dumating sa buhay nito at bigla rin siyang mawawala. And Bernard would not even mourn for her death. Shock perhaps. Pero lumilipas ang shock. Punong-puno ang dibdib nito sa mga alaala ni Jewel na hindi siya magkakapuwang kahit kaunti.

Maraming babaeng papalit sa buhay niya rito. Beautiful women to fill his bed. She won't be missed.


At higit na masakit ang mga alalahaning iyon kaysa kapahamakang naghihintay sa kanya.Makalipas ang mahabang sandali ay bumusina ang kotse sa tapat ng gate ng mansiyon at bumukas iyon. Nanlumo si Diana. Kahit dito siya unang nagpunta ay hindi rin siya makaliligtas. Dalawang tauhan ni Charlie ang nakita niyang nagbukas ng gate.


Isang ngisi ang ibinigay ni Charlie sa kanya na tila nahuhulaan ang iniisip niya."Sadya kitang inaabangan, Diana. Alam kong uuwi ka. Iniisip kong sa private plane ng milyonaryong Fortalejo ikaw sasakay." nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Sadya silang inaabangan ni Charlie. At kung sakali ngang kasama man niya si Bernard ay natitiyak niyang pati ang binata ay manganganib.


"Yes, my dear. Hindi ako mangingiming patayin ang lalaking iyon," wika nito na nahulaan ang ibinabadya ng mukha niya. "Hindi lang pera ang nakataya sa akin, Diana. Buhay ko! Papatayin ko muna kayo bago ako mapatay!" Ang tinutukoy nito'y ang pinuno ng drug syndicate na ilang araw na lang ang natitira sa palugit dito.


"Pero tama ang hinala ko. Hindi ka pagkakaabalahan ng lalaking iyon. Isa ka lang sa mga babaeng naging dekorasyon sa kama nito," patuloy ni Charlie na hinihila siya papasok sa loob. Kasunod si Kenneth.


"Kumilos ka nang normal, Diana," utos nito nang nasa loob na sila ng kabahayan. "Naghihintay sa atin sa study ng Papa ang abogado nitong si Attorney Gascon. One false move, Diana, at papatayin ko ang matandang abogado sa harap mo."


Pinanginigan ng laman ang dalaga sa banta ni Charlie. Hindi ito mangingiming pumatay ng tao nang dahil lang sa pera. At hindi niya magawang maging dahilan na naman ng panibagong pagpaslang. Dahil sa kanya kaya pinatay ng mga ito ang Lolo Ramon niya.


Binuksan nito ang pinto ng study. Naghihintay roon ang matandang abogado ng lolo niya."Diana, hija!" Patayong sumalubong si Attorney Gascon. Inilahad ang kamay sa dalaga na atubiling tinanggap niya. "Nang sabihin ni Charlie na nasa pabrika ka ay hindi ako makapaniwala. Ano ang nangyari sa iyo at bigla kang nawala, Diana?"

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Where stories live. Discover now