13

15.3K 384 18
                                    


SI Diana ay tahimik na sinusuyod isa-isa ang laman ng album. At kahit hindi sabihin ay natukoy niya si Jewel.


"You're dark but very pretty," marahang wika niya habang sinusuyod ng tingin ang mga larawan ni Jewel na lahat ay kasama si Bernard. Mula pa noong ito'y nineteen years old. May larawan si Jewel strumming the guitar and probably singing dahil hawak ni Bernard ang mikropono malapit dito. Ngayon niya nauunawaan kung bakit biglang sumigaw si Bernard ng pagtutol nang abutin niya ang gitara.


Some photographs were even romantic. Candid shots man o hindi. It was obvious how these two people loved each other so much. Nauunawaan niya ang pait na idinulot kay Bernard ng pagkamatay ng kasintahan.


May hapding gumuhit sa dibdib niya na halos magpapugto sa paghinga ni Diana. She swallowed hard dahil sa paninikip ng dibdib sa pagpipigil na huwag mapaiyak. She's really falling for this man.


"Mahusay ka sigurong kumanta," patuloy niya sa pagsasalitang mag-isa habang nakikipag-usap sa larawan ni Jewel sa album. "Mahusay ka rin sigurong maggitara. Pero ako ay hindi. Kahit nga isampal sa akin ang simpleng keynote na do ay hindi ko makikilala. But I can dance," patuloy niya. Ni hindi niya namalayang nakatayo sa may pinto si Bernard na nahinto sa pagpasok at pinakikinggan siya.


"I can dance very well. Sabi nga sa akin sa school noong maliit pa ako ay para daw akong swan. Maaari daw akong maging prima ballerina. Pero hindi ko pinansin iyon. We were poor. Well, not until my grandfather took me with him to..." nabasag ang tinig niya pagkabanggit sa pangalan ng lolo. Pagkatapos ay muling tinitigan ang larawan ni Jewel. "But I bet you danced well also. At hindi ko maipagmamalaki sa iyong maganda ako dahil maganda ka rin. Wala siguro ako kahit isang katangiang maaaring ihambing sa iyo sa paningin ni Bernard..." may bahid ng matinding lungkot ang tinig niya sa bahaging iyon.


Pinigil ni Bernard ang mapatikhim sa bahaging iyon. Muling humakbang paatras pabalik sa dining room. Muntik na nitong mabangga si Julia. May akusasyon sa mga mata ng matandang babae na narinig din ang pagsasalitang mag-isa ni Diana. Umiwas ang mga mata ng binata at sadyang nilakasan ang tikhim upang marinig ni Diana na palabas ito.


Sa harap ng pagkain at sa pananatili ni Diana nang isang oras mahigit sa tahanan ng mga de Silva ay wala siyang maipipintas kay Julia. Very polite and a charming host. Not distant, not close.


"Alam mo bang ngayon lang ako nakasakay ng kabayo sa buong buhay ko?" Binasag niya ang katahimikan.


"I could guess."


"Saan ba dito nakatira ang matandang lawin?" Sinisikap niyang patuloy silang mag-usap dahil halos hindi gustong magsalita ni Bernard kahit kanina pa sa farm.


"Sa villa."


"Sa villa?" bulalas niya pero hindi na sumagot si Bernard at patuloy na pinatatakbo nang marahan si Firewind.


Nagsimula nang bumangon ang galit sa dibdib ni Diana sa matabang na sagot ni Bernard sa mga tanong niya.


"Hindi ko hiniling na ipasyal at dalhin mo ako sa farm. Hindi ko rin hiniling na ipakita mo sa akin ang buong hacienda. Kusa kang nangako. Hindi ba angkop lang na hindi mo ako bigyan ng cold treatment?"

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon