7

16.6K 388 16
                                    


"ANO ANG ginawa mo sa mga pinamili ko, Diana?" bungad ng binata na ang isang kamay ay nakahawak pa sa doorknob.


Hindi malaman ni Diana ang sasabihin. Napatingala sa binatang naniningkit ang mga mata. Inokupa halos ng katawan nito ang pinto.


"I... I..." nagkakandautal siya sa kabiglaanan. Tila higante ang binatang nakatayo sa may pinto. Humakbang ito papalapit sa kanya.


"Namumula ang mga mata mo." Marahas siyang hinawakan sa baba at itinaas. "Umiyak ka ba?""Of course not!" Binawi niya ang mukha at mabilis na tumayo ng kama. Dinampot ang suklay sa dresser at pilit na inaayos ang nagra-riot na kulot na buhok.


"Por dios, Diana, ano ang nangyayari sa iyo at pinaghahagis mo nang ganoon ang mga iyon?"Itinaas niya ang mukha. "Nothing's wrong with me, hintayin mo ako sa ibaba uli and I'll be down in a minute..."


Tinitigan siya ng binata nang may kung ilang sandali. Kitang-kita nito ang rebelyon sa mukha niya. Pagkatapos ay inilahad ang mga kamay.


"Alright, kung hindi mo gustong ibigay ko sa iyo ang mga gamit na iyon ay bayaran mo," anito na ang iritasyon ay sinisikap na kontrolin.


"Bakit, sa palagay mo ba'y hindi ko alam kung magkano ang halaga ng mga iyon? Saan ako kukuha ng ibabayad sa iyo? And don't tell me how you want me to pay those damned things!"


"Hindi iyon ang ipinahihiwatig ko! Magtrabaho ka. Dito sa hotel. Kahit na ano. Natitiyak kong mahahanapan ka ni Nathaniel ng trabaho," nagagalit nitong suhestiyon.


Pabagsak niyang binitiwan ang suklay sa dresser at hinarap ang binata. "And dislocate other employees, ganoon ba? I have nothing against working, Bernard. Kaya kong magtrabaho magaan man o mabigat pero hindi dahil idinikta mo."


"You're impossible!"


"Dahil imposible ka rin. Gusto mong manipulahin ang buhay ko. Gayong ang sabi ko sa iyo ay ilabas mo lang ako ng Maynila. Hindi ko ipinaangkin sa iyo ang buong pagkatao ko."


"Dios mio, dahil lang diyan sa mga pinamili ko ay kung ano-ano na ang sinasabi mo. Instead of being grateful dahil nagawa ko pang dumaan sa department store sa kabila ng gusto kong liparin ang Paso de Blas sa pag-aalala sa iyo dahil sa pagtawag ni Nathaniel tungkol sa pagsugod sa iyo ni Clarita."

"Well, thank you very much!" nagpupuyos niyang sabi.


Tumingala sa kisame si Bernard. Inihaplos ang palad sa mukha. "Great..." usal nito.Napapikit ang dalaga. Naupo siya sa gilid ng kama. Wearily ay tumingala kay Bernard.


"Bernard, I cannot afford this luxury. Hindi mo kailangang tratuhin ako nang ganito. Tama nang tinulungan mo akong makarating dito. Siguro ay makakakita rin ako ng trabaho... sa mainland.""You promised not to leave here, Diana," paalala nito. "You promised not to leave..." me! Alam ni Diana na iyon ang gustong sabihin ni Bernard na hindi nito itinuloy. Sa halip ay pagalit siyang tinitigan. "You have made a bargain with me. Do not turn your back on that. Sa paglalabas ko sa iyo ng Maynila, Diana, all I required is obedience! And so far, kahit kaunti ay wala kang ipinakikitang ganyan nitong huling mga araw."

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon