8

16.4K 378 47
                                    


"AMORE," bulong ni Bernard. His thumb finger caressing her kissed-swollen lips.

"That is not Spanish, that's italian."


"I know. Pero gusto kitang tawagin ng ganyan. You reminded me of one beautiful painting na nakita ko sa Rome when I was there. Pinangalanan ng painter ng Amore. It means love, beloved or something. I wanted to buy it then." napapikit ang binata sa bahaging iyon. Sa nakalipas na mga sandali sa piling ni Diana ay muling nawala sa isip niya ang kasintahan. At kinakain siya ng guilt.


He wanted to buy the painting as a gift to Jewel pagkabalik sa Pilipinas. Bagaman it was a contrast to her exotic beauty. Jewel was dark with dark hair while the woman in the painting was fair at may buhok na tulad ng kay Diana ngayon, soft brown in riot curls.


"Pero ang sabi ng may-ari ng gallery ay naka-reserve na," patuloy ni Bernard na tinititigan ang babaeng nasa tabi. "I am a very possessive person, Diana. At sa akin ka." he had never been this possessive with Jewel. Dahil siguro mahal nila ang isa't isa at matagal na silang magkasintahan at walang dahilan para maging possessive. Pagkatapos ng unos sa buhay nila ng kasintahan ay wala itong nalamang maaaring kumuha kay Jewel sa kanya.


He never counted on her untimely death.


"That is tyranny, Bernard," natatawa niyang sagot sa pag-aakalang nagbibiro ang binata. Bumalik ang pansin ni Bernard sa kagandahang nasa tabi. He smiled. "I can be a tyrant."

"You can't own a person."


"Pero pag-aari na kita." nanunuot ang mga mata nito sa kanya. "At gusto kong maging legal ang pagmamay-ari ko sa iyo."


Mula sa pagkakasiksik sa dibdib ni Bernard ay napatingala ang dalaga. "Ano ang ibig mong sabihin?"


"I'll marry you."


"A-ano'ng sinabi mo?"


"Pakakasalan kita."


"N-nagbibiro ka..."


"Hindi ginagawang biro ang sinasabi ko sa iyo. Besides, I always mean what I say. I am marrying you, Diana Montero."


Shock is an understatement sa nararamdaman ni Diana sa mga sandaling iyon. Pormal at seryoso at mariin ang pagkakasabi ng binata.


"B-bakit mo ako pakakasalan?"


"Because I need a wife," kaswal nitong sagot.


"H-hindi nag—nagpapakasal ang isang tao sa kung kanino na lang dahil kailangan niya ng asawa," nalilitong sagot ni Diana.


"Hindi ka kung sino na lang, Diana."


"Oh, please, Bernard, you don't really mean that."


"Pakakasalan kita, Diana, because I was attracted to you the first time I saw you walked into that restaurant. Because you are exquisitely beautiful..."

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Where stories live. Discover now