18

17.5K 404 24
                                    


ARAW ng kasal ng batang lawin. At puno ng mga tao sa paligid ng Villa Kristine. Mga tauhan sa buong hacienda. Mga tauhan sa de Silva farm. Mga kaibigan, kamag-anak at mga kakilala.Naroon din ang buong angkan ni Don Rafael Fortalejo. Sharing for the first time the grandest affair na ginanap sa buong Paso de Blas. Sa pagdalo ng mag-anak ni Don Rafael sa okasyong iyon ay nagpapatunay ng pagpapatawad ni Donya Aurora kay Don Leon Fortalejo.Bernard and Diana defied tradition na mga dalaga lamang ang magiging mga abay.Emerald is the matron of honor, with Zandro na kinuhang lahat ang atensiyon ng mga naroroong kadalagahan. Galing man sa kilalang pamilya o hindi.


Jasmin bilang bridesmaid, with Mitchell.


Isabella also as bridesmaid, with Ismael, of course. Naunahan ang mga ito sa pagpapakasal.Si Don Rafael Fortalejo at si Julia de Silva ang mga sponsors.


And Iris as the flower girl.


Marco and Nathaniel is watching by. Ang amusement at katuwaan ay nasa mga labi.Sa kabila ng lahat ay umuwi si Anna mula sa Amerika upang daluhan ang kasal ng sana ay mamanugangin. Sa kabila ng pagsisikip ng dibdib ay hindi rin nito maitatangging hinahangad nito ang kaligayahan ni Bernard at ni Diana.


Katulong si Margarita at Julia sa pag-aayos kay Diana kasama ang isang tagaayos mula pa sa Maynila. Isang Spanish wedding gown ang suot ni Diana na ipina-rush ni Bernard sa loob ng sampung araw mula sa isang sikat na couturier.


Pababa na sa hagdan ang bride na tumingkad ang ganda sa kaligayahang nadarama nang mapuna ang katabing larawan ni Donya Kristine Esmeralda na nakasabit sa may ibaba ng grand staircase.


"Oh!"


"Do you like it?" ani Bernard na inabot ang kamay ng dalaga.


"Oh, Bernard!" Namumuo ang luha sa mga mata niya habang hinagod ng tingin ang sariling life-size portrait na katabi ng oil-painting ni Donya Esmeralda.


"Hindi ko maihahabol sa kasal natin ang larawan mo kung pinapinta ko iyan. My gift of love."Puno ng pagmamahal na tinitigan ng bride ang groom niya. She smiled thru misty eyes. "Thank you, my darling..."


"Te quierro, Diana..." bulong ni Bernard sa bride nito.


"And I love you..." ngumiti si Diana sa kabila ng pagtutubig ng mga mata.


Mahal siya ni Bernard, nararamdaman niya iyon at ipinararamdam nito sa kanya iyon. Pero alam niyang sa kaibuturan ng puso nito ay naroon pa rin ang alaala ni Jewel. At ang tangkaing pilitin si Bernard na kalimutan ang dating kasintanan ay hindi niya gagawin.


She couldn't allow the memories of that wonderful woman to be forgotten so easily. And in so many ways, she has Jewel to thank for sa kaligayahang nasa kanya ngayon.


Inakay na siya ng binata palabas ng villa sa pagkakatuwaan ng lahat ng mga naroroon.


Bagaman may hatid na bahagyang lungkot sa puso ng mga taong nagmamahal kay Jewel ang okasyong iyon ay natatabunan ng pagiging adorable ng bride sa lahat. Bukod pa roon, walang hindi naghangad na sana'y maging maligaya si Bernard pagkatapos ng trahedya.


Ang tanging hindi mahinto sa pagluha ay si Julia. Subalit alam ng lahat na luha iyon ng kaligayahan para sa apo.


"Mama, nakakahiya naman sa mga tao. Baka ang akala ay hindi ninyo ikinagagalak ang kasal ng apo n'yo," banayad na saway ni Marco sa ina bagaman may ngiti sa mga labi.


"He!" angil ni Julia sa anak. "Ganito rin ako noong ikasal kayong dalawa ni Emerald."


"Huwag ninyong intindihin itong asawa ko, Mama," natatawang sabi ni Emerald. "Kanina pa nito tinutukso si Bernard at si Diana." nakita nitong pumuwesto sa grand piano si Margarita. "Magsisimula na ang kasal, darling..."


Walang isa man sa ikinasal sa mga lalaking Fortalejo at de Silva ang nagsuot ng Spanish wedding gown maliban kay Diana. May Spanish tiarra ito sa ibabaw ng veil na iniregalo ni Julia.


Si Margarita na tumutugtog sa piano ay hindi mapigil ang mapaluha. Kahit si Bernard ay hindi aware na ang Spanish wedding gown na ipinayari nito sa Maynila ay replica ng wedding gown na isinuot ni Donya Kristine Esmeralda noong kasal nito kay Don Leon may apatnapu at siyam na taon na ang nakararaan. Isa sa mga araw na ito ay ipakikita nito ang lumang album sa mag-asawa.


Makalipas ang ilang sandaling palitan ng ritual vows ay natapos ang kasal ng dalawa. Hinagkan ni Bernard ang bride sa pagkakatuwaan ng lahat. Nasalo ni Isabella ang bouquet na inihagis ni Diana. Isang makahulugan at nagmamahal na titig ang ibinigay rito ni Ismael.


Hindi na malaman ni Diana kung ano ang sumunod na pangyayari. Para siyang dahon na inaanod ng hangin sa dami ng taong nakikipagkamay at bumati. Sa tabi niya ay naroon parati si Bernard at nakahawak sa siko niya.


Congratulations, Diana!


Sa gitna ng ingay at pagkakagulo ng mga bisita ay narinig ni Diana iyon. Napahugot siya ng paghinga. Napatingin siya sa may dulong bahagi ng villa na walang tao at tila may napuna siyang nakatayo roon. Isang pamilyar na mukha. Nang sumunod niyang ibaling ang tingin ay wala na.


"Senior..." bulong niya. Nilingon si Bernard na kausap si Don Rafael, si Donya Aurora, at si Anna. Marahan siyang lumakad sa bahaging iyon ng villa.


Sinundan ng tingin ni Nathaniel si Diana na siyang tanging nakapuna sa pag-alis niya. Tumayo ito upang sana'y bulungan si Bernard subalit pinigil siya ni Jasmin.


"I feel nostalgic, sweetheart." malambing na ikinawit ni Jasmin ang braso sa kanya.


"Of course, love. Habang pinapanood kitang nagmamartsa katabi ni Mitchell ay naalala ko noong araw ng kasal natin," nakangiting sang-ayon nito sa asawa. Pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin sa tinutungo ni Diana subalit wala na ang bride.


"Love, wait here. May sasabihin lang ako kay Bernard. I'll be damned, but I could feel his presence in this wedding," napapailing nitong sinabi. Si Jasmin ay napahugot ang paghinga. 


Nilinga ang bakanteng upuan ni Diana.

Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon