Chapter 16.5: Kacee POV

239 5 0
                                    

"Ayos ka lang?"

Tanong ko dito sa katabi ko. Kanina pa kasi siya tahimik. Kagagaling lang namin sa jogging at dito namin naisipan sa park magpahinga.

Pero kelan pa ba ko naging concern sakanya? Hayst

"Oo napagod lang. Ang layo ng tinakbo natin e."

"Clark, kung may problema ka ayos lang naman na---"

"Grabe na talaga yang impluwensya sayo ni Yassie no?"

Ngiti nito ng nakakaloko. Dapat pala hindi nalang ako nagtanong.

"Uy ang layo naman ng level ko sa kabaitan ng babaeng yun."

"Ayos lang. Mataas naman ang level mo sa puso ko."

Siniko niya lang ako na tinawanan ko lang.

"Kumusta pala kayo ng Lolo mo?"

Naikwento niya kasi sakin na hindi siya pinapansin at kinakausap ng Lolo niya.

"Ayun, dinadaanan lang ako na parang hangin."

"Ano ba kasing kasalanan mo? Gusto mo ako nalang kumausap sakanya. Pwede---"

"Hindi! Wag mo siyang kausapin. I mean ako ng bahala, ako ng kakausap sakanya. Salamat nalang concern. Uhm, balik na tayo sa bahay niyo?"

Tumango nalang ako bilang tugon sakanya. Sana naman maayos na nila yang tampuhan nila ng Lolo niya.

Hay Kacee, nagiiba ka na talaga. Ano bang ginawa ng Yassie na yun sayo. Mabisita nga mamaya.

*****

"Kacee! Napadalaw ka? Miss mo na ko agad?"

Pumasok nga ako sa bahay nila.

"Oo e sa sobrang pagkamiss ko sayo, ayaw ko ng umuwi at dito nalang sainyo tumira."

"Tse! Palibhasa close kayo ni Lola at mas ikaw pa yung nagmumukhang apo sa grabeng pag-aasikaso niya sayo dito."

Oo tama nga yung narinig niyo. Nung first time kong bumisita sakanila na nandito yung Lola niya ay pinaghanda ako ng pagkaing halos pang fiesta. Kamukha daw kasi ako nung bunso niyang anak na namatay noong kabataan nito dahil sa tindi ng bullying sa ibang bansa.

"Pakiramdam ko nga malapit ka ng ampunin nun haha."

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Tara doon tayo sa pool."

Sumunod nga ako sakanya.

"Ito na po ang mango shake niyo, senyora."

Inabot nga ni Yassie sakin yung mango shake na pinagawa niya sa katulong.

"So, anong atin?"

Nabulunan naman ako sa sinabi niya.

"Parang seryosong usapan to ha. Okay game."

Umayos nga siya ng upo at parang batang naghihintay ng kwento.

"E kasi Yassie---"

"Kayo na?"

"Uy hala hindi. Nacoconfused kasi ako sa nararamdaman ko para sakanya. Na pag lalo kong tinatago, kinikimkim mas lalong lumala---"

"Oh my G! Inlove ka Kacee!"

Nahulog ko naman yung shake na iniinom ko.

"Para kang shake, nafall ka na nga sakanya."

Nafall? Tuluyan na kayang nahulog ang loob ko sa nakakairitang Seaborgium na yun?

Oh Lord! Help me please.

CAPTAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon