Chapter 16.5: CLARK POV

232 2 0
                                    

"Lo, kausapin niyo naman po ako o."

Pagmamakaawa ko dito. Pang sampung beses ko na ata tong sinabi sakanya. Kulang na nga lang lumuhod ako sa harap niya e, na never ko namang gagawin, asa siya, wala ata yun sa bokabyularyo ng isang Clark Benjamin Seaborgium. In his death este in his dreams siguro!

"Kahit hindi niyo na po ako bigyan ng allowance, o kaya kahit hindi niyo na po ako pamanahan kapag nadeads kayo basta kausapin niyo lang ho ako. Please Lo. Sorry na."

Feeling chicks naman kasi tong si Tanda e.

"Itama mo muna ang maling ginawa mo bago kita patawarin, Clark."

Sabay tayo nito at winalkoutan nanaman ang gwapo niyang apo. Drama lang e!

"Saan ba ko magsisimula?"

Napasabunot nalang ako sa inis sa kalokohang ginawa ko. Tunay ngang napaka-tanga ko pagdating sa lintik na pag-ibig na to.

Mas maganda sigurong magsimula ako kay Lyssa. Tama lang naman na humingi ako ng sorry sakanya lalo na sa inasal ko nung huling magkausap kami. Atsaka totoo naman talaga yung sinabi niya na isa akong dakilang player.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area----.

Nakailang tawag na ko pero hindi parin niya to sinasagot. Puntahan ko nalang kaya?

Yass calling...

"Yo Yass! Napatawag ka?"

"KYAAAAAAAA CLARKKKKKK!!!!!"

Mabilis ko ngang inilayo ang phone sa tenga ko. Si Yass ba talaga tong tumatawag?

"Hello? Sino to?"

"Ay ang mean. Si Yassie to! Haha. May great news ako sayo!"

"Great? Baka good news?"

Imbento din ng isang to e.

"Hindi no! Great kasi hindi lang siya basta good news."

"Spill it."

"I think Kacee have fallen in love with you."

Ha?

"Uhm Yass, alam kong magaling kang gumawa ng kwento pero---"

"Totoo nga. Kakaalis niya lang dito. Kung ako sayo yayain mo siyang magdinner date mamaya."

"Agad agad? Yass may probl---"

"Ah basta ipapaarrange ko na kayo ng dinner dito sa Restaurant namin. I just send you the address and you ask her out, okay? Sige na babye!"

Hindi na ko nakasagot ng ibaba na nga niya ang tawag. Sigurado ba siya sa sinasabi niya?
Mabilis ko ngang tinawagan si Captain.

"O Mr. Seaborgium? Napatawag ka?"

"Uhm.. Pwede ka bang yayain kumain mamaya?"

"Ha? Teka, dinner date ba yan?"

Natatawang sabi nito.

"Uhm. Oo siguro. Ano pwede ka ba?"

Ilang segundo din ang katahimikan.

"Hmm, sige na nga. Para libre dinner na."

"Sige, susunduin--"

"Wag na. I text mo nalang ang address sa akin tapos ako na lang ang pupunta. Sayang sa gas e."

"Ah sige see you later."

*end of call*

Patay ka ngayon Clark. Mukhang tama nga ata yung sinabi ni Yassie na nahulog na si Captain sa akin. At tama naman sigurong sabihin ko na din mamaya sakanya ang totoo. Sisingsisi na rin ako at kailangan niya na rin yun malaman...na kinausap ko si Lyssa para tulungan akong paghiwalayin sila ni Bill at papanggapin na buntis ito at kailangan itong panagutan. Nang sa ganoon, wala ng pag-asa na magkabalikan pa silang dalawa ni Captain.

Oo, yun nga ang plano ko para maging kami at akin siya. Napakaselfish ko diba?

Ganito naman siguro pagdating sa pag-ibig, gagawin mo ang lahat para lang makuha ang bagay na gusto at pinapangarap mo kahit pa hindi mo iconsider ang feelings ng iba.

CAPTAIN!Where stories live. Discover now