Chapter 12.5: Kacee POV

253 7 0
                                    

Huling dalawang araw nalang ang natitira bago magsimula ang second semester ng pasukan. At heto ako ngayon nasa condo ni Bill, upang mag general cleaning. Masyado kasi kaming nagenjoy magkulitan kagabi, kaya ganito nalang kakalat at kadumi ang condo niya.

"Mine, anong gusto mong pagkain? Magtetake-out ako."

"Kahit ano nalang, Mine."

Hinalikan nga ako nito sa noo at nagpaalam ng umalis. Masasabi ko rin na sa relasyong mayroon kami ngayon ay mas naging maalaga at sweet siyang boyfriend.

"Kumusta na kaya siya?"

Nakakalungkot din na nawala si Clark sa buhay ko. Ilang linggo din siyang hindi nagparamdam at nagpakita. Siguro nga'y nasaktan ko siya ng sobra. Gayunpaman, umaasa ako na magkakaayos rin kami at mapatawad niya ako sa desisyon na siyang pinili ko.

Patapos ko ng linisin tong kwarto ni Bill pero wala parin siya. Natraffic siguro.

Habang busy ako sa pag-aayos ng gamit sa cabinet ni Bill ay aksidenteng may nakita akong brown envelope. Nasa pinakailalim ito at napapatungan ng mga libro. At dahil nacucurious ako ay kinuha ko nga ito at binuklat.

Halos nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Para bang bigla nalang tumigil ang tibok ng puso ko, at gusto kong pumatay ng tao.

H*yop ka Bill! Bakit ba ang tanga ko para maniwala pa sayo?! Bakit ba tinanggap pa kita sa buhay ko kung unti-unti mo naman akong sinisira?!

"Mine, andito na ko. I bough---"

Tinapon ko nga sa pagmumukha nito ang hawak kong brown envelope at ang mga nilalaman nito.

"Anong ibig sabihin niyan?!"

Huwag kang iiyak sa harapan niya Kacee. Hindi mo deserved ang manlolokong lalaking yan.

"Mine, please let me explain---"

Namumutla nitong sabi.

"Explain? F*ck you! Huwag mong sabihin na hindi sayo yan!"

"Mine, sasabihin ko naman sayo, sadyang naunahan mo lang---"

Mabilis ko nga itong pinagsasapak.

"Mine, please calm down."

Pagpipigil nito sa akin. Napaupo nalang ako sa sahig at doon na napaiyak. Ang hirap pigilan. Lalo na kung ganito kasakit.

"Mine."

Nakaupo na rin ito sa tabi ko

"Congrat's Bill, magiging ama kana..."

At doon na nga ako napahagulgol ng iyak.

"Mine, I'm sorry. Nung isang araw ko lang naman to nalaman. I'm sorry."

Sorry? Maiaalis ba niyan ang sakit? Maibubura ba niyan ang sugat? Hindi naman diba?

"Mine, pananagutan ko naman yung bata e. Sayo parin naman---"

"Gago!"

Tumayo nga ako at tinulak ito. Ang kapal niyang sabihin na sa akin parin siya, gayung magkakapamilya na siya.

"Sa tingin mo ba papayag akong makipagrelasyon sayo na may anak ka kay Lyssa? Gago ka pala e. Makakayanan ba yan ng konsensya ko Bill ha? malamang hindi diba?! Kasi naranasan ko ng mawalan ng magulang Bill, alam mo yun, at ayokong ng dahil lang sa akin ay ganun din ang mangyayari sa inosenteng sanggol na yun. May puso parin ako Bill, may dignidad ako bilang tao."

CAPTAIN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon