Chapter 15.5: Clark POV

281 6 0
                                    

"Ba't kaba sunod ng sunod? Naiirita na ko sayo ha!"

Nginitian ko lang siya ng pagkatamis tamis.

"Ako na kasi magdadala niyan."

Dala niya kasi yung isang sako ng jersey na ipinagawa ng team nila. Gagamitin kasi ito sa laro nila mamaya.

"Nakikita mo bang nahihirapan ako, hindi naman diba?!"

"Hindi nga pero pinagpapawisan kana. Alam mo bagay pala sayo yang lugay na buhok. Sign ba yan ng pagmomove-on mo?"

Inismiran lang ako nito at naglakad na paalis. Pikon agad?

"Uy, wait lang!"

Habol ko dito saka sinabayan.

"Lunch tayo mamaya ha. Treat ko."

Nakakamiss na din kasing kasabay siyang kumain.

"Nagpack lunch ako."

Tipid na sagot nito.

"Edi maganda share tayo."

Naparoll eyes nalang siya sa inis.

"Clark? Kacee?"

Hindi ko napansin na kasalubong pala namin si Yassie.

"Hi Yass!"

Masiglang bati ko dito.

"Close na kayo kaagad?"

"Hi----"

"Oo Yass. Matagal na kaming close. Hindi lang halata."

Wika ko habang nakaakbay ako kay Captain. Siniko naman ako nito kaya napabitaw ako kaagad.

"Whatever Clark. Osiya, mauna na ko sainyo. Manuod kayo ng game ko mamaya ha. 2 pm sharp sa may volleyball court. Aasahan ko kayo."

"Sige. Bye."

Sabay kaway ko dito paalis.

"Bakit ganun?"

Kunot noong tanong nitong kasama ko.

"Bakit na ano?"

"Hindi man lang siya nagselos?"

Ha?

"Bakit naman siya magseselos?"

"Dahil may something kayo sa isa't isa? Diba--"

"Something? Nagpapatawa kaba? Yassie is such a good friend of mine. Hanggang dun lang yun. Sus baka ikaw lang naman ang nagseselos. Nangtuturo ka pa."

Tukso ko dito na ikinatahimik naman niya.

"Uy first time siyang hindi nagreact. So that means---"

"Oo na. Oo nagseselos na ko."

Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Pwede pakiulit?"

Umiling lang ito at nauna nanamang maglakad. Si Captain ba talaga yung kausap ko? Talaga bang sinabi niya yun?

Ibig bang sabihin, kahit konti nagkakafeelings na din siya sakin? Kasi nga nagseselos siya diba?

Napangiti naman ako ng malapad sa ideya na yun. Finally. Thank you Lord.

*****

"Apo, buti naman at nakauwi kana. Kanina pa may naghihintay sayo dito. Gusto ka daw makausap."

Sino naman kaya?

"Hi Clark."

Nabitawan ko nga ang dala kong bola. Natapos pala ang game na panalo ang team nila Captain. First runner up din sina Yassie sa volleyball.

CAPTAIN!Where stories live. Discover now