Chapter 5.5: Kacee POV

422 8 2
                                    

After 999.99 decades ay binasag na nga niya ang katahimikan.

"Mine, I'm sorry. I'm very very sorry. Hayaan mo babawi ako sayo. Pangako yan. Happy 3rd anniversary mine."

Bakit ba hindi ko magawang magalit sa lalaking to?

"Ano ka ba Mine, nakabawi ka narin naman eh! Pinagbake mo pa din naman ako nitong paborito kong chocolate cake. Ang sarap nga eh!"

Hinawakan naman niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Naguguilty ako sayo mine. Hindi ko na alam kung ako pa ba yung boyfriend mo dati."

Kung sabagay, nung 1st Anniversary namin ay sinorpresa niya ko sa bahay. May mga naka float na ballons, isang malaking Bear na may nakasulat na 'I LOVE YOU' at boquet ng ng tulips. Yung 2nd Anniversary naman namin ay linibre niya ako ng trip to Macau. Kung babalikan ay masasabing punong puno kami ng memories sa lugar na yun. Nakakamiss lang.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na rin niya ko pauwi. Pagkadating ko sa bahay ay nagpalit na ko ng damit at natulog. Pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko buong araw. Hayst. Makatulog na nga lang baka mawala.

Kinaumagahan.

Isang masamang espirito nanaman ang sumalubong sakin.

"Well.Well. Ms.Sulfur. It's good to see you! Yun ba yung emergency na sinasabi mo?"

Napakunot naman ako ng noo.

"Hindi ko alam na may pag ka-sweet ka pala."

Sabay ngiti nitong nakakaloko.

"Pwede ba diretsuhin mo nalang. Nakakaabala ka eh."

Dahan dahan itong humakbang palapit sa akin.

"Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mong maging girlfriend kita, Captain? Siya ba ha?"

Sino bang tinutukoy ng lalaking to?

"Lumingon ka at ng makita mo ang tinutukoy ko."

Sinunod ko nga ang sinabi niya.

Si Bill? Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba nasa meeting siya? At bakit ganyan siya kung makatingin? Napansin ko naman ang paghawak ni Clark sa aking pisngi kung kaya't naitulak ko ito palayo.

"Huli ka ngayon,Captain!"

Sabay kindat nito.

"Kung lalandi kasi, huwag sa Parking lot. May condo naman siya diba?"

Paanong nangyaring nalaman niya?

"Please mind your own business Mr. Seaborgium! This is my life not yours. At ipapaalala ko lang sayo, hindi pa tapos ang deal natin kaya huwag ka diyang magpakasaya. You're my personal slave and you have to follow my orders. So, stay away from Bill. Hindi siya kasama sa larong ito. Tayong dalawa lang. Maliwanag?"

Maawtoridad kong sabi.

"Haha. Ang cute mo!"

Sabay gulo nito sa buhok ko at naglakad na paalis. Nagkataon namang nagring na ang bell kung kaya't dali dali kong kinuha ang gamit ko sa locker. Naramdaman ko nalang na may kung anong humila sa akin at kinaladkad ako pataas ng roof top.

"The worst feeling is when something is killing you inside and you have to act nothing! Sh*t Kacee ba't kausap mo ang Clark na yun? Bakit ang lapit niyo kanina sa isa't-isa? At wow lang sa harap-harapan ko pa talaga?!"

Sabunot nito sa buhok niya.

"Sagutin mo nga ako, Isa ka ba sa babae ni Seaborgium?!"

Sabay hawak nito sa balikat ko.

"Ano ba Bill! Stop making a big deal out of the little things!"

Sabay tanggal ko sa kamay niya.

"Little things? For pete's sake Kacee, linalandi ka ng lalaking yun! Can't you see that? Ipapaalala ko lang sayo, yung kausap mo kanina ay si Clark Benjamin Seaborgium! Ang pinakadelikadong lalaki sa Nobelium University. Isang kilos at galaw lang niya, mapapaibig niya ang lahat ng babae dito. At posibleng isa ka dun. Mine, kaya ng lalaking yun sumira ng relasyon!"

Napabuntong hininga naman ako.

"At tingin mo ba hahayaan ko yun? Bill, I trust you and you trust me right? So, why bothered?"

May pagkapossessive din pala tong si Mine!

Maya maya'y bumaba na rin kami dun. Kaninang pagbaba namin ay magkaholding hands pa kami. Pero nung malapit na kami sa koridor ay binitawan na rin niya ang kamay ko. Naglakad ito palayo sa akin na para bang strangers na lang ang turing namin sa isa't-isa.

Pagkatapos nga ng klase ay dumiretso na ako ng Canteen.

"Hi Gorgeous Beautiful Pretty Captain!"

Inirapan ko lang siya. Naguumpisa nanaman kasi.

"Anyways siya ba ang dahilan ng pagiyak mo nung naglilinis tayo sa court?"

Seryosong tanong nito. Sinasabi ko na nga ba. Nakita niya yung pagtulo nung luha ko! Bwisit na mata to eh! Nagpahuli pa!

"You know what Captain, that scum doesn't deserved your tears."

Ano bang alam niya?

"Be with someone who is proud to have you, Captain."

Sabay hawak nito sa kamay ko na nakapatong sa mesa. Napatitig naman ako sa ginawa nito. Babawiin ko na sana ang kamay ko ng higpitan nya lalo ang pagkakahawak nito.

"Bitawan mo nga ang kamay ko! Pasimple kang chansing dyan eh."

Napachuckle naman ang mokong. Ewan ko ba pero parang ang sarap pakinggan sa tenga nung sinabi niya. Aba syempre dapat lang maging proud sakin si Bill. Ibang iba ako noon kumpara ngayon. Lumevelup at nagiimprove ang takbo ng utak ko. Boyfriend mo ba naman palaging kasama sa mga contest lalo na sa quiz bee.

"Si Bill ba yun?"

Sabay nguso nito sa kabilang table. Lumingon naman ako dito. And guess what kung anong nakita ko?

"Hindi ka ba nagseselos?"

Napataas naman ako ng kilay sakanya.

"Bill Xenon is with her ex-girlfriend. Public ex girlfriend for 2 years."

Sarap buhusan ng kumukulong sabaw ang lalaking to. Daming alam. Di hamak na mas matagal naman ang relasyon namin ni Bill.

"Bagay sila no? Parehong kilala sa campus. Kilala bilang maglovers."

Patience Kacee. Patience.

"Eh kayo anong tawag sa relasyon niyo? Secret affair?"

THAT'S IT! Binuhos ko nga sa mukha nito ang iniinom kong Orange juice. Napatayo ito sabay mura. Napansin kong agaw pansin na rin pala kami.

"Babe naman. Uhm, sorry guys! Itong girlfriend ko kasi pakipot! Kiss lang pinagdadamot pa!"

Bwisit! Nagtawanan naman ang mga estudayante dito. Nahagip naman ng mata ko ang pagtayo at paglabas ni Bill sa cafeteria.

"Inuutusan kita. Bawiin mo yung sinabi mo!"

Napakamot naman ito sa batok.

"Alin ba dun?"

Napupuno na talaga ako!

"Ahh, I mean guys, fiancee ko pala."

He winked at me and ran away like a cheetah! Ugh! Ano nalang iisipin ng mga tao dito? At ni Bill? Nakakahiya ka talaga Seaborgium!

CAPTAIN!Where stories live. Discover now