Chapter 12.5: Paul POV

270 5 0
                                    

Ano naman kayang trip ng Clark Seaborgium na to? Pa- no one no one can ever replace my Captain pa siya, pero kung makapagpacute kay Yassie parang wala ng bukas. Kala mo kung sinong gwapo! Kung sabagay gwapo naman talaga siya.

Bakit ba ganito ako magreact? Feeling bida lang e. Sa totoo kasi guys, type ko yang si Yassie simula palang ng pagkikita namin, Maria Clara lang ang dating e. Panigurado magugustuhan din yan ni Clark, ang kaso paano na si Captain? Ay may Bill na pala yun! Pero bakit di ko ata silang nakikitang magkasama?

Teka nga, bakit ba affected ako masyado sa lovelife nila? E may lovelifesss din naman ako. Tatlong chicks pa nga e. Palibhasa pinanganak at lumaking gwa---

"Aray naman Tol!"

Kamot ko sa binatukan ng loko.

"Ang sabi ko kako, samahan mo muna dito si Yassie, magpapalit lang ako ng damit para makauwi na tayo."

"Ah yun lang naman pala e. Walang problema!"

Sabay akbay ko kay Yassie. Tiningnan naman ako ng masama ni Clark kaya tinanggal ko lang rin naman agad. Damot!

Umalis na nga yung epal ng lovestory namin ni Yassie. Sa wakas, masosolo ko na rin siya. Pagkakataon ko na to.

"Yassie, asthma ka ba? Cause you take my breathe away! Boom panes!"

Panigurado kinikilig na yan. Liningon ko nga siya sa likod.

"Yass? Yassie? Asan na yun?"

Nag-ayos lang ako ng buhok pagkatapos wala na sa tabi ko. Hinanap ko nga kung san siya nagpunta.

"Paul, meet Kacee, Kacee si Paul."

Muntikan naman akong atakehin sa puso sa pabigla bihgang pagsulpot nitong dalawa.

"Magkakilala na kami Yassie."

Tipid na wika ni Kacee. Oo nga pala magkakilala na pala ang dalawang magkaribal.

"Ah ganun ba? Edi maganda! Nga pala, Paul sasabay satin si Kacee."

Napanganga naman ako sa sinabi nito.

"Nako yassie, hindi na. Malapit lang naman ang bahay ko dito. Lalakarin ko nalang."

Halatang pinilit lang ni Yassie tong si Captain ha. Teka nga lang, wala naman siguro siyang alam sa past nilang dalawa ni Clark?

"Mapapagod ka lang, kaya sumabay---"

"Yassie, wag mong pilitin ang ayaw."

Napapout naman si Yassie. Hindi naman ako masamang tao dito diba? I'm just helping to lessen the tension kung sakaling sasabay sa amin si Kacee sa kotse.

"Uhm, kasabay mo naman sigurong umuwi ang boyfriend mo, diba?"

Oo nga naman.

"Ah, wala akong boyfriend."

Ano daw? Wala siyang boyfriend? Ano nalang pala si Bill?

"Sa ganda mong yan, wala kang boyfriend?"

Masyado atang chismosa tong Binibining Yassie natin.

"Kakabreak lang namin. Sige, una na ko ha. Sige Paul."

Tumalikod na nga ito sabay lakad paalis.

"Ibig sabihin broken hearted siya? Edi mas kailangan niya ng kaibigan ngayon! Ahm, paul pakisabi kay Clark nauna na ko ha. Itetext ko nalang kamo siya."

CAPTAIN!Where stories live. Discover now