Chapter 3.5: Kacee POV

680 14 0
                                    

First time kong mapatawag ng Dean dahil lang sa isang walang kwentang immature na katabi ko! Kahit kailan talaga, ang sarap i-Gomburza nito!

"Sino sanyo ang nagumpisa ng gulo?

Nagturuan kami ni Clark. Patigasan kami ngayon!

"Ah ganun. Walang aamin? Madali naman akong kausap. Dahil mukhang pareho kayong dalawa ang may kasalanan. May punishment ako sanyo. Buong week kayong maglilinis ng Campus!''

Poker face parin tong katabi ko. Seryoso? Wala ba siyang pakialam sa nangyari?!

"Ahm Dean, teka naman po ang lawak naman po ng Campus. Pwede po bang Basketball court nalang?''

"Hmm. Dahil mabait ako at maganda, pumapayag akong basketball court lang. Siguraduhin niyo lang na hindi na ito mauulit. Kundi detention room ang diretso niyo. Maliwanag? Osya. Makakaalis na kayo.''

Tumayo na ako at tumakbo palabas. Sana Sana Sana Nasa Parking Lot pa siya. Pagdating ko dun ay wala na ang kotse niya. Hayst.

Nagulat nalang ako ng may biglang bumusina sa likuran ko. Bumaba nga ang lalaking sakay nito at pinagbuksan ako ng pinto.

"You win Kacee Sulfur. So, hop in.''

At dahil no choice ako. Pumasok na lang ako sa kotse niya. Teka, pangalawang beses ko na to ha? Pabayaan na nga, sayang ang free ride at free fare.

"I'm quite impressed a while ago Ms. Sulfur."

Dapat lang! Mali ata ang kinabangga niya! Tsk! After 15 minutes ay nakarating na rin ako samin. Hindi ko na hinintay na maging 'gentleman' pa siya, kung kaya't agad kong binuksan ang pinto ng kotse at lumabas na.

"Wala man lang bang thank you?''

"Ikaw naman ang nagkusang ihatid ako diba?''

"Okay, goobye kiss nalang?"

"Sinong nagsabing pwede ka ng umalis? Pumasok ka sa loob. May paguusapan pa tayo Mr. Seaborgium."

Akala niya siguro makakawala siya sa panghahamon niya sakin kanina. Aba hindi!

"Ooh. I'm scared!''

Nagsukatan kami ngayon ng tingin.

"Oy, wag mo nga ako titigan ng ganyan! Nakakapressure ang kagwapuhan ko. Ano bang paguusapan natin sa loob? Kung pwede naman dito sa labas? Or sa loob ng kotse ko? Mas private yun."

Kahit kailan talaga bastos! Kinuha ko ang maliit na baril sa loob ng bag ko at itinutok ito sa pinagmamayabang niyang mukha.

"Teka teka. Bakit meron ka niyan?''

Taranta nitong tanong.

"Papasok ka o papasabugin ko yang bungo mo?"

Takot nga itong naglakad papasok sa loob.

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Hindi rin ako hospitable, kung kaya't huwag kang umasang aalukin kita ng kahit ano mang pagkain o maski inumin. Maliwanag pa sa bulag na ako ang panalo kanina. At ang ibig sabihin lang nun ikaw Clark Benjamin Seaborgium ay magiging 'PERSONAL SLAVE' ko for 3 months!''

"May dalawa akong kahilingan na dapat mong sundin. Una, tigilan muna ang pagiging chickboy at playboy mo----.''

"Excuse me?!''

Di ko nalang ito pinansin at itinuloy ang naudlot kong sasabihin.

"Pangalawa, matuto kang rumespeto ng tao. Mapafeelings man o kahit ano.''

"Respectful naman po ako ha? Nag popo at opo pa nga ako sa nakakatanda sakin eh!''

"That's not what I meant Mr. Dream Boy'. Hindi mo namamalayan na sa mga kinikilos mong yan ay nakakasakit ka na ng damdamin ng iba. Ang dami kong kilalang babaeng nasaktan at pinaiyak mo."

Sa totoo lang wala naman akong kilalang babae dahil hindi naman ako ganoon kafriendly, sadyang may mga naririnig lang akong chismis na siya lagi ang bida at pabida.

"Okay. Fine! Fine! I get you!''

Buti naman at nagkakalinawan kami.

"Unm. Pwede ba kong magtanong? Sundalo ba ang parents mo?''

Napansin kong nakatingin ito sa picture na nasa tabi ng flowervase.

"Obvious naman diba?"

"Masyado ka talagang Hard!''

Sabay pitik niya ng noo ko.

"Aray! Sapak gusto mo?''

"Asan na sila? Asan na ang mga magulang mo?''

Seryoso niyang tanong.

"Nasa kabilang buhay. Gusto mong sumunod?''

Nakatingin lang ito sakin na para bang sinusukat at inaalisa ang buong pagkatao ko.

"So, Ikaw lang magisa dito?

At dahil may mood ako para sagutin ang tanong niya.

"Correction dalawa tayong nasa loob ngayon.''

"Tss! You know what, hindi ka naman talaga matapang. You're just good in hiding your feelings and fooling yourself! Yun lang naman yun e."

Aba't! Ano bang alam niya?

"Aalis ka o itutuloy ko yung naudlot mong kamatayan?''

Tuluyan na nga itong lumabas ng bahay. Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago magpasyahang puntahan si Bill. Pangalawang doorbell ko na, ngunit hindi parin niya binubuksan ang pinto.

"Kacee?''

Awtomatiko naman akong napalingon sa pamilyar na boses na nasa likod ko. Napayakap nalang ako ng mahigpit sakanya. Oh. I miss this man.

"Late na ng gabi Kacee, bakit andito ka pa?''

Binuksan na nga nito ang pinto. Naupo lang ako sa sofa at umaktong linalaro ang mga daliri ko.

"Nabalitaan ko yung nangyari kanina. Anong pumasok sa kukute mo para makipagtalo sa Seaborgium na yun?!''

Pataas ng pataas ang tono ng pananalita niya. Hindi ko na rin naintindihan ang mga sumunod na sinabi nito. Naikwento na rin kasi niya na ayaw niya sa lalaking yun, masyado daw kasing maangas.

"Tatahimik ka nalang diyan ganun?!"

Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi.

"Iiyak ka nanaman? Hindi ka na bata Kacee! Umayos ka nga. Ayoko ng immature na girlfriend, alam mo yan!''

"Sorry Bill......Sorrry.''

Yun nalang ang nasabi ko.

"Punasan mo na yang luha mo.''

Nagtungo na nga ito sa dining table at inayos ang dala niyang pagkain. Tahimik lang akong sumunod. Alam niya sigurong dararating ako kung kaya't pangdalawang taong pagkain ang binili niya.

CAPTAIN!Where stories live. Discover now