Chapter 11.5: Kacee POV

293 10 2
                                    

"Bakit ba ang kulit mo? Ayoko nga sabing kumain! Hindi ako sasabay sayo."

Kalalabas ko lang kasi ng classroom ay mukha nanaman niya ang nakita ko. Hindi ba niya alam na nakakasawa na rin ang pagmumukha niya? Halos magtatatlong buwan na siyang nakabuntot sa akin.

"Ayokong magutom ka Captain, kaya sasabay ka sakin."

Muntikan naman akong maout of balance ng kaladkarin ako nito papuntang cafeteria. Bwisit talaga! Ugh!

"Alam mo nagiging bosy ka na!"

Singhal ko dito ng makahanap kami ng mauupuan.

"Nahawa na ata ako sayo e."

Tatawang sabi nito habang linalapag niya sa mesa ang mga pinamili niyang pagkain.

"Ahm, Captain may itatanong sana ako sayo?"

Pagbabasag nito sa katahimikan habang kumakain kami.

"Hindi pa ba pagtatanong yang ginagawa mo?"

Taas kilay kong sabi na ikinangiwi naman niya. Ngayon ko lang ata siyang nakitang ganyan, yung tipong namumula yung tenga sa hindi malaman na dahilan. Ano kayang meron?

"Oo nga pala no? Hehehe. Next time nalang siguro! Nakalimutan ko na yung itatanong ko sayo e. Heheheh."

Kahit na naweiweirduhan ako sakanya ay hindi ko nalang siya pinansin at itinuloy nalang ang naudlot kong pagkain. Pagkatapos kong maubos yung libre niyang pagkain ay nagpaalam na rin akong umalis. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin sa kaso nung animal na Llyod Tungsten na yun. Atsaka naalibadbaran na talaga ako sa pagmumukha niya.

*****

"Ate Cyril, may naghahanap po sayo sa labas at pinabibigay rin pala niya to sayo."

Abot sakin ng bouquet ng rosas nung kateam mate ko habang nagliligpit ako ng gamit dito sa locker.

"Kung si Clark Seaborgium yan pakisabi na umuwi na ko, at pakibalik na rin yan sakanya. Allergic kamo ako sa bulaklak."

"Sorry po sa pagiging assuming mo Ate Cy ha, pero hindi si Papa Clark ang nagpapabigay nito e. At kung ayaw mo nitong rose at allergic ka nga, pwedeng bang akin nalang?"

Nakangiting sabi nito.

"K."

Tinalikuran ko na nga ito at kunot noong naglakad palabas. Kung hindi si Clark ang naghahanap sa akin edi sino? At bakit naman niya ko bibigyan ng bulaklak?

"Mine!"

Nakakagago din to e, nung kami ni hindi niya ako magawang tawaging Mine sa harap ng madaming tao. Ngayon tuloy na nasa harap kami ng madaming tao, ang lakas at ang kapal ng loob na tawagin akong Mine.
"Mine, will you please come back to me?"

Come back to Lyssa! Magsama kayo! Pareho naman kayong manloloko! Bwisit!

"Let's fix this, Mine. Please."

Tuloy lang ako sa paglalakad habang siya naman ay panay sunod lang. Napahinto naman ako ng hawakan niya ang balikat ko.

"I love you, Mine. Don't ever question that."

Para itong magic word na isang lingon ko lang sakanya ay maaring makalimutan ko na ang lahat ng nangyari. Pero hindi yun ganun kadali...

Hinarap ko nga ito at matalim na tiningnan.

"Sa lahat ng player na nakilala ko, ikaw na ata ang pinakamagaling, Bill. Napakaprofessional mo sa paglalaro ng damdamin ng tao. Nakakabilib. Keep it up ha!"

CAPTAIN!Where stories live. Discover now