Chapter 2.5: Clark POV

867 19 0
                                    

Today is Wednesday. And it only means half day ang klase ko ngayon. Nagkayayaan naman kaming gumala ni Paul. Ikot ikot lang sa Mall. Pacute sa chicks. Kaway sa left. Kaway sa right. Minsan may makakasalubong pa kaming magpapa-Autograph sa ann. Feeling artista naman ang kasama ko. Nakwento ko na rin sakanya yung ginawang pananampal ni Amazona. Tinawanan lang ako ng loko. Tss!

"Tol. Supermarket tayo.''

Naglakad na nga kami papuntang Supermarket. Kumuha lang siya ng cans ng Royal, Coke, Sprite. At kung ano ano pa. Except Beers. Kahit po ganito ako kagwapo, hindi po ako umiinom. Isa lang ho ang bisyo ko sa buhay. Iyon ay ang mahalin ang mga babae.

"Tol, si Kacee ba yun?''

Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo niya.

"Tol. Wait lang.''

Pupuntahan ko na sana si Kacee ng higitin ni Paul ang braso ko.

"Tol, kung ako sayo, ngayon palang tigilan mo na siya.''

Si Paul ba tong kausap ko? Akala ko ba dakilang supporter ko siya? Bumabaliktad ata. Di ko nalang ito pinansin at tumakbo paalis sakanya.

"That's amazing I've never seen a princess out of her castle."

Nagsalubong naman ang mga kilay nito.

"Would you mind if I help you?"

Kukunin ko na sana ang hawak nitong plastic bag ng tabigin niya ang kamay ko.

"Yung kahon nalang ang dalhin mo.''

Sabay turo niya sakin kung saan nakapwesto yung tinutukoy niyang kahon. Seryoso?! Saang evacuation center ba ang pagdadalhan niya nito?

"May sasakyan ka ba? Ihahatid na kita.''

Hindi na siya nakaimik ng dumiretso na ko sa Parking lot at ipinasok sa backseat ang mga dala niya. Tenext ko narin si Paul na magtaxi nalang muna ito papunta sa bahay. Kaya na niya yun.

"Address?''

"*****Street.''

I just nod and silence followed afterwards. Bat parang angh awkward ng ginagawa namin?

"Hey, solo ka palang pumupunta ng Mall?

Basag ko sa katahimikan.

"May nakita kabang kasama ko?''

Pabarang sagot nito.

"Malay ko ba. Sa dirami rami ba naman ng pinamili mo, magisa kalang magbibitbit nito. How come? Pero kung sabagay nga naman, nakalimutan kong may pagka- Amazona ka nga pala. Anyways, pang isang taon na ba ang stock ng groceries na pinamili mo?''

Dineadma lang niya ko.

"Hoy, kinakausap kita. Natural na sumagot ka diba?!

"At sino ka para utusan akong sagutin yang tanong mo? Wala akong sasabihin. At ayokong magsayang ng laway sa pakikipagusap isang Playboy at Chickboy na kagaya mo!''

"May nakalimutan ka...Dreamboy pa kamo!"

"Mandiri ka nga sa sarili mo! Akala mo kung sinong gwapo.''

"Bakit ba ang init ng ulo mo sakin Ms.Sulfur?!''

Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay sakanya.

"Allergic ako sa mga Pangit.''

WTH?

Siya lang talaga ang may lakas ng loob na sabihan ako niyan. Pasalamat siya wala akong mailalait sakanya.

"Anong sabi mo?!!''

"Pangit na nga, bingi pa!''

I show her my death glare, pero dahil mukhang wala naman epekto ki Amazona ay nagfocus nalang ako sa pagdadrive. Ano bang pinaglalaban ng babaeng to? Ilang sandali nga, ay nakarating na kami sakanila. At dahil walang hiya ang Amazona, hindi man lang ako inalok na tumuloy at sinarhan pa ako ng pinto. Kahit kailan talaga!

"Tol, What took you so long? Naka limang barbecue na ko dito! Buti nalang hindi ako PG, kundi wala ng natira sayo! Tsk.Tsk.''

Nahiya naman ako sa limang barbecueng naubos niya.

"Nga pala, tenext ko na yung mga girls. On the way daw sila. And it only means 'Party Party' na! Let's get it on Baby!''

Kung sino ang nagplano, siya rin yung excited.

"Wait a minute kapeng mainit! Mr Seaborgium why do you look so glum?! Are you okay tol? Naisahan ka nanaman ba ni Tibo? Haha!''

Maya maya ay nagsidatingan na rin ang mga inimbitahan niyang babae. At dahil pinalaki ng walang good manners and right conduct si Paul ay ginawang venue ang pamamahay ko. Galing. Pasalamat siya On-Duty si Lolo kundi malamig na siyang bangkay ngayon!

"Alam mo Paul yang kalandian mo parang cancer, mahirap hanapan ng lunas kase palala na ng palala!''

As of now Mr. Paul Oxygen is busy flirting and hitting on girls. Geez, my innocent and charming eyes!

"Hindi lahat ng bagay nakukuha ng madalian Mr. Seaborgium. Pero sadyang may mga bagay na nakukuha ng malandian. Diba yun ang motto natin?"

I just plastered my wicked smile at my face. Yeah Mr. Oxygen. What a total jerk we are! I mean siya lang pala.

CAPTAIN!Where stories live. Discover now