Chapter 17.5: Clark POV

233 6 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas at malapit na pala ang Christmas break. San kaya maganda magbakasyon? Pero siguro wag ko na muna yan isipin, ilang araw na rin simula ng hindi ko nakikita si Captain. Pinagtataguan kaya niya ako? Sigurado din ako na nagpalit na siya ng number. Unattended na kasi sa tuwing tinatawagan ko siya.

Deserved ko rin naman ang nangyayari sa amin ngayon. Yung tipong wala ng komunikasyon, at wala ng Kacee sa buhay ko.

Ang tanga tanga ko naman kasi! Asan ba ang talino ko pagdating sa pag-ibig?

Nakausap ko na rin si Lyssa at humingi na rin ako ng tawad sakanya. Sinabi niya din na inamin niya ang lahat kay Kacee.

"Kailangan mo ba ng payo sa pag-ibig? Tara't kausapin natin si Mdm. Bertud."

Binatukan ko nga si Paul na nagsisimula nanamang mang-asar.

"Paul, pakiramdam ko ang sama sama kong tao. Hindi na nga ako pinapansin ni Lolo, nawala pa sa buhay ko si Captain."

"Isa lang ibig sabihin niyan Tol, magpari ka nalang."

"Mauna ka."

"Ayaw tol, sayang ang genes ko."

Ang feelingero talaga ng isang to. Sarap buhusan ng kumukulong tubig para magising.

"Alam mo tol, sa halip na isipin mo yang si Sulfur aba'y gamitin mo nalang yang oras mo sa pag-aaral. Baka nakakalimutan mo may long quiz tayo mamaya. Kaya aral muna bago landi."

"Nagsalita ang nagbabasa ng FHM ngayon."

Turo ko sa hawak nitong magazine.

"Kumukuha lang ng inspirasyon tol. Hehe."

"Tss."

Binuksan ko nga ang libro ko at dun nalang itinutok ang aking atensyon.

*****

"Yassie!!!"

Habol ko dito. Pagkatapos nga ng exam namin ay nakita ko siyang naglalakad papuntang parking lot.

"Sandali lang! Yassie!!!"

Bat ba hindi niya ko naririnig?

"Yassie sandali!"

Naabutan ko nga siya at mabilis na humarang sa harap ng kotse nito. Nakailang busina na rin to bago siya bumaba.

"Hindi ka ba aalis diyan?"

"Pati ba naman ikaw?"

"Malamang diba?"

"Ano bang kasalanan ko sayo?"

Bat ba ang init ng ulo ng babaeng to?

"Nasaktan mo ang bestfriend ko Clark. Hindi pa ba sapat yun para maging kasalanan mo?"

"Okay fine I'm really really sorry! Pero yass, mahal ko si Kacee. Mahal na mahal kaya please sabihin mo naman sakin kung nasan siya. Please Yass."

"Para san pa? Tapos na rin naman ang lahat sainyo diba? And please Clark maghanap ka nalang ng ibang babaeng kayang sakyan ang mga kalokohan mo, wag na si Kacee. Sobra na siyang nasaktan. So tama na."

Tinalikuran na ng ako nito at pinaandar na paalis ang kotse niya.

"Fvck. Ang gago mo talaga Clark."

"Tol, okay ka lang? Sinong kausap mo?"

Isa pa to.

Makauwi na nga lang samin.

"Tol sandali!!!!! May nagtext!"

"Pwede ba Paul wala akong oras sa---"

"Alam ko na kung naaan si Kacee!"

Sabay taas nito ng phone niya.

"Tenext ako nung isa nating barkada. Nakita daw niya si Captain."

Inagaw ko nga ang phone na hawak nito at tiningnan maigi ang address na pinaroroonan ni Captain.

Mabilis nga akong sumakay sa kotse ko at tinungo ang sinasabing lugar.

I'm coming for you, Kacee Sulfur.

CAPTAIN!Where stories live. Discover now