Chapter 4.5: Kacee POV

528 13 0
                                    

"Tingin ko kailangan mo to."

Napatitig naman ako sa kanina lang na binigay na panyo ni Clark. Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin ni Bill.

**FLASHBACK**

Nasa balcony kami ngayon ng 4th floor. Ito ang meeting place namin ni Bill tuwing vacant o break namin. Pareho kaming nakaupo sa sahig at magka-intertwined ang mga kamay.

"Bill two years na tayong ganito. Two years na tayong dalawa lang ang nakakaalam ng relasyon nato. Two years na tayong patagong nagmamahalan. Sakatunayan ay nagsasawa na ko sa set-up na to. Bill, ikinakahiya mo ba ko?''

Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa aking balikat.

"Mine, hindi ba sinabi ko na sayo na minsan mas okay yung konti lang ang nakakaalam para wala masyadong nakikialam. Hindi ba napagusapan na natin to? Kaya nga tayo tumagal ng two years diba?''

"Pero diba Bill, may kasabihan na kapag nagmahal ka, huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba. I want to know I'm not as worthless as I feel Bill. I just want to feel important to you. Pero bakit hindi ko iyon maramdaman?''

Napansin kong binitawan niya ang aking kamay at bumuntong hininga.

"Kung ganun pala ang gusto mo, mas mabuti sigurong maghiwalay na lang tayo?''

Ano?

"Ano kaba Bill! Haha! Nagbibiro lang ako! Practice lang to sa play namin mamaya. Ang galing kong mang-goodtime noh? Haha! Pang best actress na ba?"

Napa-chuckle naman siya.

"I hope you never get tired of me Mine.''

I hope so.

*end of flashback*

Eksaktong alas otso ng matapos kaming maglinis ng court. Hinintay pa kasi namin matapos sa paglalaro ang ibang varsity. Nag-offer naman si Clark na ihatid ako samin.

"Sige. Pasok na ko sa loob.''

Isasara ko na sana ang pinto ng harangan niya to.

"May nakalimutan ka?''

"Ahm, yung seryoso solo kalang ba talaga dito? Wala ka parin bang kasama?''

Tumango lang ako. Akala niya siguro may kamag-anak pa kong kasama.

"What if may magnanakaw, akyat-bahay, mamatay tao or magtakang mangrape sayo---.''

"Mr. Seaborgium. Limang taon na akong solong naninirahan dito at wala pa namang nangyayaring ganyan kasama sa sinabi mo."

Natawa naman ako sa reaksyon niya kanina. Priceless!

"Pero kahit na, sa ngayon wala pa. Kaya Captain, magdoble ingat ka! Kahit alam kong may pag ka-Amazo----.''

"Osya! Osya! Lumayas kana! Gusto ko ng magpahinga.''

Itinulak ko na nga ito palabas at sinarhan ng pinto. Binagsak ko nalang ang aking katawan sa sofa at muling ipinikit ang aking mata.

Nakakapagod nga lang ang araw na to.

****

"Good morning Captain!"

Ay pusang gala! Gusto ba niya kong patayin sa heart-attack?! Anong maganda sa umaga kung simula palang sinira niya na?

"Nga pala. May dala ako sayo.''

Napansin ko nga ang maliliit na asong hawak nito.

"Di ka naman allergic dito diba? Para naman kahit paano may kasama ka dito at tagabantay na rin sayo siyempre. Itong kulay puti nga pala ay si Alexander the Great. Itong may pagkabrownish naman ay si Cyrus the Great at last but not the least itong itim naman ay si Julius Caesar! Mga palaban diba!''

Masiglang wika nito.

"May balak kabang gawing petshop ang pamamahay ko?"

"Haha, hayaan mo minsan magdadala ako ng elepante dito."

Inumpisahan na nga nitong itali ang dala niyang aso sa gilid ng gate.

"Tara sabay na tayo paschool!''

Sabay hila nito sakin papasok sa kotse.

"Ahm Captain. Nagbreakfast ka na ba? Gusto mo mag drive-thru tayo sa Mcdo? Maaga pa naman, kung okay lang sayo?"

Hindi ko nalang ito pinansin at linagay ang eqarphones sa tenga ko. Nasa kalagitnaan na ko ng kanta ng hinugot ng magaling kong katabi ang nasa tenga ko. Inabot nga niya sa harapan ko ang mainit at kabibili lang nitong pagkain sa Mcdo.

"Eat.''

"Inuutusan mo ba ko?''

He just smirked at me.

"Seriously, I really didn't deserve all the bullsh*t you gave me Clark.''

Halata namang nagulat ito sa sinabi ko. Siguro dahil naiirita na rin ako sa mga kabutihang ipinapakita niya. Wala naman kasi to sa kasunduan namin e!

"Nakalimutan ko nga palang hindi ka marunong mag-thank you. Sorry ha!''

Sarkastiko sabi nito na tinarayan ko nalang.

"You know what Captain, bitter persons are sometimes the ones who are the sweetest. Remember that."

Sabay kindat nito sakin.

"At pano mo naman nasabing bitter ako?!''

"Obvious naman eh! Dahilan siguro yan ng pagiging sawi mo sa pag-ibig noh?"

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Si Bill nga ba ang dahilan ng pagiging bitter ko?

"Masyadong spaced-out? Haha! Don't tell me may boyfriend ka Ms. Sulfur?''

Sabay ngisi nitong nakakaloko.

"At anong paki mo kung meron nga?''

Napapreno naman ito ng wala sa oras.

"At sa tingin mo, maniniwala ako sayo? Ikaw si Kacee Sulfur na ni minsan hindi ko pa nakikitang may ibang kasamang lalaki, may boyfriend? Nagpapatawa kaba?"

Halos mangiyak na to sa kakatawa. Bwisit lang eh!

"Pwede ba ituloy mo nalang ang pagdadrive mo, malelate na tayo oh!''

Tumikhim muna ito bago nagsalita. Sumeryeso narin ang mukha at boses nito.

"Pero kung gusto mo Captain. I can be the man of your dreams! The man that would treat you not just like ordinary and barbie girls but my girl. So, now breathe for yes, or lick your elbow for no."

Game of Old Schools huh?

"Don't play with me Clark, I can play it better.''

CAPTAIN!Where stories live. Discover now