Chapter 20.5:Kacee POV

376 4 0
                                    

"Ganda, buti naman at nakapunta ka."

"Malamang, matitiis ko bang hindi ka siputin."

Atsaka deep inside my tummy ay nagugutom na ako.

"Talaga? O baka kasi hindi mo maayawan ang libre?"

Tatawang sabi nito. TSS!

"Sira! E nasan na ba yung sinasabi mong bago niyong specialty?"

"Sandali nalang yun. Bakit nagugutom kana?"

"Hindi ba obvious Topher? Ikaw kaya ang maghanap maghapon ng trabaho."

"Init ng ulo ah. Sandali nga at kukunin ko na yung pagkain sa kitchen."

Tumayo na nga ito at dumiretso sa kitchen area nila. Inilabas ko nga ang maliit kong notebook at kinompute ang nagastos ko ngayong araw.

"Yan na ba ang pinagmamalaki---"

Naputol nga ang sasabihin ko ng lingunin ko kung sino ang naglapag ng pagkain na akala ko'y si Topher and nagdala.

Mabilis nga akong umiwas ng tingin kay Clark nang tumalikod na para umalis at magserve ng iba pang customers.

"Kain na tayo."

Isusubo na sana ni Topher ang pagkain niya, ng pinigilan ko ang kamay nito.

"Anong ginagawa ni Clark dito?!"

Ibinaba nga nito ang hawak niyang kutsara at tinidor.

"Nagtatrabaho?"

"Nagtatrabaho? Sinong naghire sakanya dito?!"

"Si Nang."

"Bakit pumayag si Nang na patrabahuin siya?"

"O ano naman? Baka ngangailangan din yung tao. Wala na sigurong makain. Alam mo na, poor."

Kung alam lang sana nila na yang pinapagtrabaho nilang waiter ay isa sa pinakamayaman sa mundo ay ewan ko lang kung mahihiya pa sila sa pinagagawa nila kay Clark.

"Affected much?"

Sa halip na kausapin ko ito ay tumayo nga ako para sundan si Clark na kakapasok lang ng kitchen area.

"Ganda, bawal ka diyan."

Pagpipigil sakin ni Topher na inirapan ko lang.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Ayaw mo ba talagang tumigil ha?"

Nahinto nga ito sa paghuhugas niya ng kaldero.

"O Captain, bat nandito ka? Bawal kang pumasok dito. Marumihan ka pa."

Sabay punas ng kamay nito sa suot niyang apron.

"Hindi ka ba naawa sa sarili mo!"

Tiningnan naman ako nito ng pagtataka.

"Tingnan mo nga yang sarili mo, tinalo mo pa ang taong grasa sa dumi ng suot mo. Halos pwede ng ihambing sa basahan yang suot mong damit at yang mukha mo sa mga pulubi sa kalsada!"

Napapikit nalang ako sa dahilan na hindi ko makayanan na makitang ganyan ang itsura ni Clark. Napakalayo sa isang napakayamang, malinis at presentableng Clark Benjamin Seaborgium.

"Atleast gwapo pa din."

"Kung ang pagtatrabaho ay biro lang sayo pwede tumigil kana. Bumalik kana dun sa mansyon niyo."

Hindi talaga ako makakapayag na ganito ang mangyari sa buhay niya. Kung nakikita lang siya ng Lolo niya, malamang inatake na sa puso yung matanda.

"Sinong nagsabing biro lang sakin ang pagtatrabaho? Seryoso kaya ako. Hindi ba halata?"

CAPTAIN!Where stories live. Discover now