Chapter 11.5: Clark POV

257 9 0
                                    

"Benjamin, may naghahanap sayo sa labas."

Tawag sakin ni Tanda ng makapasok siya ng kwarto. Tss, palibhasa may duplicate key kaya nakakapasok lang basta't basta.

Bumangon na nga ako ng kama at bumaba na rin para harapin kung sino mang istorbo.

"Ivan? Naligaw ka ata."

"Buti naman at kilala mo pa ako."

Tumabi nga ako sa inuupuan nito.

"Patapos na ang sembreak tol, nakakulong ka pa rin sa kweba mo? Pft."

Kahapon aakalain mong finals exam palang namin, tapos sa susunod na mga araw ay balik estudyante na naman. Nakakatamad na nga e.

"Anyways, kaya nga pala nandito ang gwapo mong kaibigan ay para ako na mismo ang magyaya sayong lumabas. Pumupunta nga raw kasi lagi dito si Paul sainyo, hindi mo naman daw hinaharap."

"At saan naman tayo pupunta? Nakakatamad Tol. Mas gugustuhin ko pang matulog kesa---"

"Mangchicks?"

Tinaasan ko naman ito ng kilay. Akala ko ba nagbago na tong loko?

"Biro lang. Alam naman nating si Paul lang ang mahilig sa ganun."

"San ba ang lakad?"

"Sa Batangas."

"Nanaman? Kakapunta ko palang dun kasama si Lolo ha?"

Atsaka andun yung babaeng anak nung kaoffice mate ni Lolo.

"Ang tagal na nun Tol! Last September pa yun. October na ngayon!"

"Ba't ba dun niyo pa gustong pumunta?"

Hays inaantok nanaman tuloy ako. Kumusta na kaya ngayon si Captain? Teka! Bakit ko ba yun iniisip?! Erase erase! Malamang masaya yun sa piling ni Bill, yun naman ang gusto niya diba?

"Beach and beautiful girls. Ano let's go?"

Kung eto ang paraan para malibang ako kahit papano at makakapagpadali ng pag-momove-on ko...

"Osige tara."

****

"Ang cool mo talaga Ivan napilit mo tong dream boy natin!"

"Handsome is the perfect term for that Paul."

"Linya ko yun ha. Copydog!"

Napailing nalang ako sa walang kwentang usapan ng dalawang to. Ilang oras din ay nakarating na kami sa Beach House na pagmamay-ari ni Ivan. Rich kid din tong loko e.

"Tol, ba't parang wala namang tao dito?"

Tukoy ni Paul sa beach.

"It's too early for the fun, Paul. Mamayang gabi pa magsisilabasan ang mga diwata."

Nakangiting aso namang napatango tong si Paul. Halatang yun lang ang habol niya dito e.

"Come I'll show your room."

Pumasok na nga kami ng beach house.

"Ivan, tol ayos lang naman na sa iisang kwarto lang tayo."

"Ano ka ba Clark, siyempre kailangan niyo din at ako ng privacy. We never know what will happen tonight right?"

Napasapo nalang ako sa noo. Kahit kailan talaga, and dudumi ng utak ng dalawang to.

Mga alas nuebe na ng gabi ng kami'y nakalabas ng beach house. Nagpahinga pa kasi tapos nagkwentuhan na rin. Medyo nakakamiss din tong so Ivan. Palibhasa busy.

CAPTAIN!Where stories live. Discover now