Chapter 10.5: Kacee POV

299 6 0
                                    

A/N: Mangieepal lang guys. Alam niyo yung pakiramdam na nawala yung para sanang chapter na ngayon tapos inulit ko pa. Saklap. <\3 Reminder po pala, no proofread pa yung ibang mga works ko. Wala pang time mag-edit. So, please bear with me nalang. Thank you po! :)

~

"Mine. Mag-usap naman tayo o. Hindi ako sanay na hindi mo ako pinapansin."

Daldal ni Bill ng makapasok ako sa loob. Hindi naman talaga siya sanay dahil ako palagi ang gumagawang paraan para lang magka-ayos kami.

"Sorry na Mine. Sana naman intindihin mo ko. Sadyang kailangan lang talaga ni Lyssa ng karamay kaya hindi ako nakaattend sa laban niyo."

Panay din ang sunod niya hanggang makarating ako ng kwarto. So ganun, mas pinili niya ang ex-girlfriend niya kesa sakin. Kakakilig ha.

"Mine sorry na oh. Bati na tayo please?"

Sabay papuppy eyes niya ng mata...

Alam talaga ng lalaking to na hindi ko siya kayang tiisin.

"Oo na. Pero sana huwag mo naman akong gawing option lang Bill. Nakakapagod din kasi yung palagi nalang akong nagiintindi sayo."

Sa halip na sagutin niya ko ay yinakap nalang niya ako ng pagkahigpit-higpit.

"I love you Mine."

Sabay halik nito sa noo ko. Nagpaalam na rin ako sakanya na magpapahinga na ko. Alam naman kasi niyang pagod ako at ayokong magsagutan pa kami.

*****

"Morning Bae!"

Lapag nito ng inorder niyang pagkain sa lamesa. Maaga kasi akong pumasok para dito nalang sa canteen mag-almusal. May konting tampo parin kasi ako kay Bill.

"Bae?"

Takang tanong ko habang sinisimulan kong inumin ang inorder kong kape.

"Yap. Bae stands for Before Anything Else. At napagpasyahan kong yun ang bagong endearnment ko sayo, uso kasi yun ngayon. Sweet di ba?"

Sabay subo nito sa cheesedog na binili niya.

"Korny kamo."

Sabay irap ko dito.

"Bati na kayo nung loko loko mong boyfriend noh? Ang taray mo nanaman kasi sakin e."

"Pakialam mo ba?"

"Easy lang Captain. Masyado pang maaga para sa evolution mo."

Tatawang sabi nito.

"Anyways, pinapapunta ka nga pala ni Lolo sa bahay. May paguusapan daw kayo. Tungkol ata dun sa nagtangka sa buhay mo, or pwede din yung sa pag-iisang dibdib natin. Alam mo na kailangan na nating pagplanuhan ang pinaka-importanteng araw sa buhay nating dalawa, lalo na yung honeymoon part. Kailangang romantic at extravagant---"

Pinasok ko nga sa bibig nito ang natira niyang tinapay.

"Ang dami mong sinasabi."

Tumayo na nga ako at iniwan siya. Nananaginip ba naman ng gising ang loko. Huling subject ko na ngayong hapon ng maabutan kong nasa classroom ko nanaman si Clark.

Si Bill kaya kailan kaya niya ko pupuntahan o bisitahin man lang sa classroom ko? Parang malabo naman atang mangyari yun.

"Anong ginagawa mo dito?"

Upo ko sa silyang katabi nito.

"Um, nakaupo?"

"Pinagloloko mo ba ko?"

CAPTAIN!Where stories live. Discover now