Chapter 7.5: Clark POV

402 6 0
                                    

Ako na nga tong nagmamahal, nag-aalala, ako pa tong nasasaktan. Asan ang Human Rights diyan? Bakit ba kasi may mga isinilang pang tao na okay lang makapanakit ng damdamin ng iba? Sarap ibalik sa matres ng Nanay nila eh!

"Tol, Okay kalang? Baka gusto mong gayahin tong sagot ko?"

Napatingin naman ako sa papel ko. Wow. Ang talino mo Clark, Bravo! BLANKO!

"Huwag ka ng choosy. Ten minutes nalang oh. Dali."

Mas mabilis pa sa alas tres ng kinopya ko ang sagot niya. Wala akong kasalanan. Siya ang naginitiate! Remember, I'm the good guy here.

"Mukhang nagreview tayo kagabi ha. Haba nung solution mo eh."

Ilang sandali lang ay ipinasa na nga namin ang aming mga papel.

"Stock knowledge lang yan Tol!"

After checking and seeing the results.

"Asan ang Stock knowlege dito? 0/50 items?"

Magpapagaya na nga lang yung mali pa! Akala kung sinong Mathematician kanina! Tsk. Edi sana pinagtiyagaan ko nalang sanang sagutin kesa kumopya pa sakanya. Wala e, nagmigrate yung talino ko sa Planetang Mars.

"Atleast may score ka, Zero. diba?"

Sino bang may kilalang Assasin at may ipapatay ako.

***********

"CAPTAAAAAAAAAIIIINNNNN, MY LOVE, MY LIFE, MY WORLD, MY HERO!!!!!"

Yakap ko dito pagkakita ko sakanya sa Canteen. Teka, parang ang OA naman nung panghuli? Hero? Sino siya si wonderwoman?

"Lumayo ka nga sakin. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Mahiya ka naman."

Sabay tulak nito palayo sa akin.

"Wow. Sayo ko pa talaga narinig yan? Alam mo nga dapat, maging proud ka. Dahil ang Mr. Dreamboy ng Campus ay Fiancee mo na. Daig mo pa ang nanalo sa Lotto niyan hindi ba?"

Saad ko with Matching Duo Wink and Flying kiss!

"You know what Clark, you really effortlessly annoy me."

Padabog itong naglakad sa bakanteng mesa. Parang Magnet naman ang Paa kong sumunod sakanya. Hindi naman ito nagreklamo ng pinagbuhat ko siya ng silya at tinabihan.

"Kumusta kana? Magaling ka na ba? Ininom mo ba yung mga iniwan kong gamot sa lamesa? Eh yung mga pagkain na pinadeliver ko nakuha mo ba? Yung inutusan kong Private Nurse nakarating ba?"

Tuloy tuloy kong sabi habang pinagmamasdan itong kumain ng pananghalian.

"Bakit mo ba to ginagawa?"

Napa-Lean On naman ako sakanya.

"Hindi pa ba obvious, liniligawan kita."

CAPTAIN!Where stories live. Discover now