Chapter 1: Beginning of a Season

14.1K 346 79
                                    

August

Five years ago.


I have a crush on Cael ever since we met that first summer.


Abala ako sa pag-aayos ng mga bagong dating na mga libro na inilagay sa inventory room. Kasalukuyan akong part-time worker sa isang bookstore– Hiraya Librarya, kung saan karaniwang pinupuntahan ng mga tao. Katabi nito ay ang Cassa Café, kung saan namasukan din na student-barista si Eli. Mag-asawa ang may-ari ng dalawang building na ito, kung kaya ay sabay kaming sumubok ni Eli para magpart time job habang wala pa naman kaming pinagkakaabalahan dahil sa mahabang bakasyon bago ang aming last year in senior high.


Mahal ko ang mga libro, pero ngayon ay halos magkandahilo-hilo na ako dahil sa dami nang mga natambak na kailangan ko ng maayos. Sci-fi genre doon, young adult romance dito, tapos mystery-thriller naman dito. Wala naman akong choice para hindi ko gawin ito. Gusto ko na lamang magbantay sa counter para maituloy ko ang binabasa kong libro ni John Green.


"Mauv, arrange mo na lang doon sa second floor, BS-8," kumatok si Shan sa pintong nakabukas. Kasama ko rin si Shan dito sa store. Sophomore college na siya this upcoming year at matagal na rin simula ng maging part-timer siya dito kaya mas sanay na siya kung paano ito pamahalaan.


I released a deep sigh after his forthcoming. "Life-saver!" itinaas ko ang tab na aking hawak kung saan ko isinusulat ang mga inventories. Napangisi na lang ako sa kaniyang pagdating dahil alam niyang hindi ko nakakayanan ang trabaho lalo na sa inventory. Mas gugustuhin ko na lang na mag-arrange ng mga libro at mag-assist ng mga customer kaysa sa hintayin pang dumugo ang ilong ko dahil sa sakit nang ulo na idinutulot nito.


Umakyat na ako sa pangawalang palapag at nagtungo sa bookshelf number eight. Halo-halo na ang mga libro at kung saan-saan na napadpad ang mga ito. Kumuha ako ng malaking basket para ihiwalay ang mga genres na meron ang bookshelf na ito. Papunta na sana ako mula sa non-fiction shelf nang aking marinig ang tunog ng bell mula sa ibaba. Iniwan ko muna ang basket at bumalik na sa first floor papunta ng counter.


"Miss,"


Sinalubong ako ng isang lalaki mula sa hagdaan. My heart skipped a beat when I began to realize who it was. He is taller than me and I might only be in his nose-level-tall. He's wearing a white shirt paired with his reddish brown shorts and black crocs. His hair is pushed back while some strands of it fall through his face.


"Oh, sorry-" it took him a moment to pause when he realized that I am no miss, "Ah, miss," but he continues it anyway.


I honestly don't get that a lot. My hair is long enough to touch my shoulders, and my manly features like my defined masculine facial structure, flat chest, and clearly visible Adam's apple are hints to them that I am not a woman. A part of me isn't offended though because I know enough that not everyone is highly educated about gender norms and orientation even in the basic way of understanding the queer community.


"Yes po?" I walked pass through him making me slightly smell his fresh scent. Nagpunta ako papunta ng counter at sinundan niya rin ako. Iniabot niya sa akin ang isang papel na mukhang pinunit pa mula sa notebook. Jane Austen, Emma and Persuasion; Fredrik Backman, The Deal of a Lifetime. "For borrow po ba ito?" paglilinaw ko.


May mga libro rin kasing nahihiram mula sa store na ito, dahil ito rin ay isang librarya. Mas nakakamura kapag manghihiram na lang dahil mas maliit ang fee. Pero kung nais ng mga customer na mapasakanila ang libro, binibili na nila. Ganito kakaiba ang bookstore na ito.


Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now