Chapter 4: Some Fears That Never Go

5.7K 244 22
                                    

TW: Eating disorder.


September


"Sabay na tayo," bumungad sa akin si Cael mula sa tabi ng aking bike. Umarte naman ako na parang hindi ako nagulat sa kaniyang hindi inaasahang paglitaw. Tinanggal ko ang lock ng aking bike at sinakyan ito.


Matapos ang araw na nagkasabay kami sa pagpasok, palagi na kaming nagsasabay ni Cael papunta ng campus. Kung minsan na wala siyang training, sabay na rin kaming umuuwi kung nadadatnan niya pa ako guard house. Madalas niya akong kuwentuhan tungkol sa mga nakikita niyang mga bagay sa social media, habang ako ay walang kainte-interest sa mga social media na 'yan.


Bihira lang ako mag-open ng aking mga social media accounts, at tanging mga group chats lang ang active ako dahil sa kailangan ito sa school. Madalas din na magsend ng kung ano-anong post ito sa Cael. Naiiwan na lang akong tumatawa sa mga kung ano-anong memes na sinesend niya.


"Magla-law school ka?" napapreno siya sa kaniyang bike dahilan para biglaan din akong huminto. Pauwi kami galing sa campus. Kakagaling lang niya sa training kaya suot niya ang kaniyang shorts at pinagpalitan na T-shirt habang ang buhok niya ay basa pa rin ng pawis.


Ipinaliwanag ko sa kaniya habang patuloy kaming nagbibike sa kung anong plano sa college. "Gusto kong maging lawyer," dagdag ko, kahit wala naman talaga akong tiyak na kagustuhan sa buhay. Hindi ko talaga alam kung anong gusto ko. Pero simula pagkabata, na imprinta na sa aking isipan ang mga sinasabi nila Mama at Papa na bagay ko raw maging lawyer. Oo naman ako ng oo noon kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga lawyer. Kaya kukuha ako ng course na maari kong makonsidera bilang pre-law course ko.


Unti-unting nalalagas ang mga dahon sa mga puno na aming dinadaanan. May kalamigan na rin ng hangin kahit hapon pa lamang, dahil na rin siguro ber-months na. Kung aalis ako ng probinsiya, ito ang pinaka mamimiss ko sa lahat. I always love the autumn air and how the leaves are just falling. It seems poetic for me to know that trees are changing every fall as they rest in winter and regain beauty in spring and glow healthy again in summer. That I think is one of magical things that still and will forever amaze me in the nature of this planet.


Nag-aya naman si Cael na kumain sa apartment ko para sa dinner, pero tinanggi ko ito dahil ngayong gabi ay wala akong appetite para kumain ng kahit ano. Uminom na lang ako ng fresh milk bago natulog. Madalas akong nakakaranas ng pagkawala ng gana sa pagkain lalo na sa tuwing stressed ako. Ayoko namang sabihin na baka mayroon nga akong eating disorder. Ayoko ng dagdagan pa ang iniisip ng aking sarili. Kaya hindi ako nagpapacheck-up or kahit therapy.


Kinabukasan, sabay kaming nagpunta ni Eli sa library dahil sa mas tahimik doon kaysa sa classroom. Nagsimula na akong gumawa ng draft para sa aming research proposal. Sa loob ng halos dalawang oras, abala si Eli sa kaniyang laptop kaya tahimik lang din kaming gumagawa ng school works.


"Hi," I hear a sudden ticklish whisper from my back. When I look back, Cael is standing next to me and he is with his friends as he points them from the other table. He just casually waves at Eli and he also waves back giving him a light smile. Umalis din agad si Cael matapos niya kaming batiin.


"Mau," Eli said with a low tone of voice as he looks at me with a serious expression. "Can you be honest with me? May gusto ka ba talaga kay Cael?" he waits at my answer. I wasn't sure if lying is a great choice right now, so I didn't lie. I nod and looks at his reaction.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now