Chapter 6: Warmer Night

4.7K 222 15
                                    

Read at your own risk.


October


Sometimes, I do wish that I was born in a woman's body. Or sometimes I wish that I am a girl, or that I should've had those feminine features. I just wish that one day I could wake up living inside of the body of a rich, pretty, sexy woman whose life is like a princess. Maybe my life would be a way lot easier.


But I don't think that what I wish for will truly give me that genuine satisfaction.


I never truly came out to someone. Bakla ako or I'm gay, isn't the things that I said when I slowly bloomed in being gay. Nagising na lang ako isang araw nang marealized ko na oo nga, bakla nga pala ako. I see it as perks but also my downside.


Wala namang sinabi dito tungkol sila Mama at Papa, alam nila pero hindi ito big deal sa kanila. As long as I am doing good in my class and I am not meddling in their own family affairs, they won't care less or more about me.


Only my best friends care. Una kong nakilala si Eli noong junior high school, at naging close pa kami lalo throughout the years. Eli is also close to Sol and Zee, kaya naging kaibigan ko na rin sila. Even Lara is the supportive one. When Lexi came out as trans and embraced her femininity, she became a core inspiration to our group. Zee is like our older brother who takes care of us. With them, I feel the comfort that I couldn't find with anyone else.


"Here's your order," Eli places the tray containing my iced coffee latte.


Nagsimula na pala kaming bumalik ulit para magpart-time sa Hiraya Librarya at siya naman sa Cassa Café. Mayroon kasi kaming sem-break na halos two-weeks din, kaya naglibang na lang kami dito para rin at the same time hindi kami mabored tapos kikita pa kami. Umupo sa aking tabi si Eli dahil wala pa namang customer. Nakatulala ako sa glass wall kung saan kitang-kita ang mga kakaunting dumadaang sasakyan dito.


"Ano na namang iniisip mo?" napatingin siya sa kung saan din ako nakatulala. Hindi ko sinabi sa kanila kung ano ba talagang nangyari noon sa beach. Isang linggo na rin simula noong huli pang nangyari iyon.


Sa buong isang linggo bago magsem-break, abala ako sa pagtapos ng mga agenda ko para sa mga pasahan ng projects at deadlines. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko sa kung anong nangyari sa amin ni Cael– or sa kung anong ginawa ko sa kaniya. Kahit pa pilitin kong burahin ito sa isip ko, hindi ko mapigilang mapaisip sa pagkakamaling ginawa ko. Mapaglaro pa ang tadhana dahil kung kailan iwas na iwas ako sa kaniya sa campus, lagi ko pa siyang nakakasalubong.


Kapag nagkikita kami sa hallway, pilit kong iniiwasan ang biglaang pagsasalubong ng aming mga mata. Wala rin akong planong makausap siya dahil ramdam ko rin na ganoon din siya. Sa tuwing papasok naman ng school, inaagahan ko na lang na gumising at nagmamadali akong pumasok para lang hindi kami magkasabay.


My anxiety and overthinking crisis became even more worse. Not just for Cael or for my studies, but also how I pressure myself to be better at writing "Pagod lang ako kakasulat, burnout at writer's block." Pagsagot ko kay Eli. Gusto ko 'mang sabihin sa kanila, pero ayokong dumagdag pa sa iniisip nila.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now