Chapter 9: I Love Loving

4K 164 6
                                    

January


I am currently writing my novel and I am on the half of revising the few chapters I made.


Nakausot ako ng P.E. uniform, nakaupo sa isang bench hawak ang aking laptop, at naghihintay na dumating ang aming teacher.


I am thinking ways on how I will add more substance to the story of my character. I want to build up the story of Miles by having certain traumas from his past, mainly a generational trauma that he had experienced before the present happened.


After drafting that thought, I move on to the other character, Lewis, who I am having trouble with on how I will make his character more complex.


One thing that I don't like right now is how bland his character is. I don't want to write a leading man that is boring. I don't want him to be the hot looking guy that everyone craves for.


Like my main character, I wanted him to normal like any other people but make him special because of his past stories and his current actions.


Bago ko pa man maisip ang mga ito ay dumating na ang teacher namin. Kasabay namin ang kabilang section ngayon sa court at ang mga STEM students.


"Uminom ka muna," iniabot sa akin ni Cael ang water tumbler niya. Nandito kami ngayon sa field para tumakbo at gawin ang task namin sa physical education. Hinahabol ko ang aking paghinga habang nakaupo sa bleachers katabi si Eli. Sa kabilang row naman ay iba ring strand na kakatapos lang magpahinga sa kanilang pagsunod namin.


Hinding-hindi ko talaga magugustuhan itong subject na ito. I hate P.E. ang I will always hate it. It's no because I hated the overall existence of this curriculum, but I mainly hate it because it is physical. I hate physical works. I hate running, I hate exercise, I hate lifting and I hate everything that has something to do with my body being physically exhausted. Well, maybe biking is an exemption, I do love biking the most.


Ininom ko hanggang sa makalahati ko ang laman ng tumbler niya. Bihira lang kami magdikit ng ganito ni Cael. Bukod sa itinatago pa namin sa mga nakakakita sa school, ayaw ko lang talagang masyado kaming clingy sa public. Hindi ako sanay at ayokong pinagtitinginan ng mga tao na para bang may mali sa aming dalawa.


Dinig ko ang pagtawag sa pangalan ni Cael mula sa kabilang dulo ng bleachers. Napalingon naman kaming dalawa nang makita namin si Vin at Adi. Agad kong iniabot ang tumbler sa kaniya at marahang siyang itinulak papalapit sa kaniya, sapat na aksiyon para sabihing umalis na siya. Napasulyap muna siya sa akin bago tumingin sa mga kaibigan niya.


"Uyy, sama ka ba mamaya?" ilang hakbang lang ang layo nila sa akin kaya naririnig ko rin ang kanilang pinag-uusapan. Napatingin sa aking direksyon si Vin at para bang may ibigsabihin ang kaniyang tingin. Lumingon ako sa kaniya at bahagya siyang ngumit ng kaunti. Is it a good kind of smile? Or are they annoyed seeing me with Cael? I don't know either.


Pagkatapos ng subject na ito, bumalik na kami ni Eli sa classroom. Basa pa rin kami sa pawis kaya nagbihis muna kami ng baon namin na shirt. Wala naman na kaming ginawa dahil iyon na ang last subject namin sa hapon. Nauna ng umuwi si Eli sa akin, samantalang ako ay nagpunta muna sa library para makipagkita kay Cael bago siya magtraining.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon