Chapter 19: Underneath Your Sweater

2.6K 95 3
                                    

January


Timothy always told me when he was teaching me about knitting, that it is like a form of dance, or a melody to a piece of music, and even a certain way of writing, which requires both patience, practice, and consistency. I cringed when he first said that, but as I'm about to finish my first sweater, I finally understand what he meant.


Patuloy ko lang naginagawa at nabubuo na ang sweater na balak kong i-regalo kay Cael kapag magkikita na kami pagkatapos ng bagong taon. Si Cael 'yung tipo ng taong hindi mahilig sa mga material na bagay, pero sentimental siya sa kahit anong ibigay mo sa kaniya. Binibigyan niya ng halaga lahat ng ito. Kahit nga bato pa ang ibigay ko sa kaniya tiyak na aalagaan niya ito, depende na lang sa kung gaano kahalaga sa kaniyang 'yung mga taong nagbibigay sa kaniya. Napag-isipan ko na ibigay 'to sa kaniya kapalit ang limang piraso ng kaniyang sweater na ayaw ko ng ibalik.


Nandito ako kanila Mama ngayon dahil pagkatapos ng pasko ay umalis na ako kanila Papa. Hindi kami gaanong nagkausap ni Papa sa kahit anong uri ng pag-uusap. Para lang akong hangin na dumaraan sa kanila, pero hindi ko na lang 'to ginawang big deal. Masama pa rin ang loob niya maging si Mama dahil sa desisyong ginawa ko.


"Nag-hihintay na lang po ako result ng scholarship grant," pagpapaliwanag ko kay Mama habang naghahanda sila ng mga pagkain para sa pagsalubong. Patuloy ko namang ipinaliwanag ang plano ko kapag nasa Manila na ako. Hindi ko sigurado ang lahat, pero gusto kong sumubok. Kaysa naman mapuno ako ng mga tanong at pagsisi dahil sa ako'y naduwag.


"Pagbutihan mo na lang, Mauven." maikli niyang pagsabi.


Nang matapos ko ang knitted sweater, akin itong kinunan ng litrato at sinend kay Tim. Napasalamat ako sa kaniyang pagtuturo at kaniya naman itong pinuri. Hindi ito kasing pulido ng gawa niya, pero maganda pa rin itong tingnan. Tama lang ang color brown at dark red combination na itinuro sa akin ni Tim. Malambot din ito lalo na kapag niyayakap ko. I can't wait to see Cael wearing this.


But the whole isn't just all about my family drama, I was also down from thinking about possibilities of what might happen before I leave, not just my friends, but especially Cael. I don't have plans or ideas about the next step to our relationship.


I know Cael more deeply than anyone could, and so does he. We both know that we are into each other, find our presence all the time, and can't be exactly separated. One of our love languages is physical touch, and by the hope of it all, I doubt that LDR won't work. But we could at least try, right?


Hindi mawala sa isip ko ang mga mangyayari kung maghihiwalay kami. Ayoko itong mangyari. Naiisip din kaya niya ito? Gusto niya pa rin bang ituloy ang mayroon sa amin? O baka gusto niya na ring itigil ito dahil alam niyang susubok na kami sa panibago na namang phase ng buhay? My head just hurts by imagining scenarios about it.


"Happy New Year!" I hear Cael's voice distant from his phone, while fireworks are still popping everywhere. I'm currently in my room right now, while everyone is having fun outside while watching fireworks displays too. It's just three minutes since we enter a new year. "Nasa loob ka ba ng kuwarto mo?" napakunot na pagtatanong ni Cael.


"Kakatapos lang naming lumabas kanina, hinihintay na lang na kumain," I lied. I really don't want to go outside and be with them. I'd rather stay here because they won't probably notice that I'm not there. "Pakibati na lang kay Tila Alicia at Tito Mike, tawag na ako sa baba," I lied again before ending our calls.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now