Chapter 18: Never Break Your Heart

2.2K 103 7
                                    

December


Dropping out isn't as easy as I imagine it would be. Maraming papers na ginagawa, maraming kinausap na mga school staff, nakakapagod. But, is it bad that it feels freeing thinking that I won't be attending classes even for a short time?


Tapos ko ng makuha ang mga papers na kailangan ko, at waiting na lang ako sa result ng scholarship. Pauwi na sana ako pero napakalakas ng ulan, wala pa naman din akong dalang payong. Hinintay ko na lang na tumila ang ulan, pero dahil sa sobrang pagkainip ko ay nilusong ko na ito kahit may kalakasan ang pag-ambon.


Pagdating ko sa subway ay basang-basa na ang buhok ko. Hindi ko na nilakad ang papunta ng apartment kahit malapit lang dito at nagtricycle na lang ako. Pagbaba ko sa mismong building, nakita ko kaagad si Cael na nasa loob ng convenience store. Pumasok na lang muna ako dito.


"Basang-basa ka na," pagbungad niya, "Magbihis ka muna baka magkasakit ka niyan," agad siyang lumapit at iniabot sa akin ang payong.


"Officially dropped na ako," hindi ko alam kung tama bang nakangiti ako nang sabihin ito, pero ganoon nga ang nangyari. Inilabas ko ang plastic envelope mula sa basa kong bag at ipinagmalaki sa kaniya ito. Napatango naman si Cael.


"Kung ganoon, 'e okay," maikling niyang sinagot kasabay ang kapansin-pansing pilit na pagngiti. Hinawi niya ang buhok ko ay pinunasan ang aking mukha gamit ang panyo na galing sa kaniyang bulsa.


Gaya ng sinabi niya ay bumalik naman ako sa aking apartment, nagshower, at pagkatapos ay nagbihis. Napa-isip ako tungkol dito habang naglilinis ng aking kuwarto. May problema ba si Cael? Or he just feels bad about me dropping out?


Sumilip ako sa aking bintana at tanaw ko dito ang ibaba kung saan kaharap ang convenience store. Nakatingin lang si Cael sa kaniyang phone habang nakaupo sa counter. May nangyari ba na ayaw niyang sabihin?


Kinalumutan ko muna ito pansamantala. Nagulat naman ako sa biglaang pagkatok sa aking pintuan. Hindi ko inaasahan na dadalaw ngayon si Timothy kahit ang lakas ng ulan. "Pwede ba akong mag-stay ngayong gabi?" bungad niya na akin siyang pagbuksan ng pinto.


Wala siyang masabi nang magsimula akong magtanong kung bakit nandito siya. Nakaplano din kami bukas na lumabas ng squad, pero hindi niya masabi kung bakit dito siya matutulog.


"Ako na sa foods," pagbibilin niya sa akin at kasabay nito ay ang pag-oorder niya. Wala naman akong ibang ginawa kung 'di ang linisin ang aking kuwarto. Matagal na rin kasi nang maglinis ako ng maigi dito. Balak ko pa sanang maglipat ng mga gamit sa iba't ibang posisyon sa kuwarto kung hindi lang dumating 'tong si Tim.


Abala naman siya sa paggagantsilyo. Napatingin ako sa kaniya habang ginagawa niya ito. Sa pagkakaalam ko, marami na siyang nagawang mga sweater. Madalas nga na suot na ni Eli at Sol ang mga ito, dahil ganitong mga style ang gustong gusto nilang dalawa. "Pwede mo ba akong turuan nito?" panggagambala ko sa kaniya.


Napatingin siya sa akin, hinihintay siguro kung seryoso ako, at oo, seryoso nga akong matutuo. Wala naman akong balak na gawin buong buwan kung 'di ang maghintay ng application form, magsulat ng nobelang kay tagal ko nang hindi natatapos, makasama buong araw si Cael. Why not try something new.

Every Autumn Fall (Youthful Series 1)Where stories live. Discover now