TAV 07: Sofia's Future

2.9K 200 18
                                    

CHAPTER SEVEN : Sofia's Future

Clarinette | Lianna

Today is just another day for a mother like me. Naglalaan ako ng rest day sa trabaho dahil kung hindi ko gagawin, bibigay ang katawan ko. Hindi ko din naman matatawag na totoong rest day ito dahil kulang na lang dalhin ko si Sofia sa lahat ng sulok ng bahay para lang hindi siya umiyak tuwing wala ako.

Her dependency is halting my culinary moments but I didn't hate the idea, I love her neediness. If only I am not the Duchess and there is no work in front of me, I will gladly entertain her all day.

Pero 'yon nga, double ang maktol ni Sofia simula ng mag 2 years old siya. Sa puntong ito, papunta ng three month old ang bata kung pagbabasehan ang edad sa pinanggalingan ko. Nasanay na din ako na masyadong mabilis ang timeline ng mundong 'to pero mabagal ang daloy ng aging nila.

Sofia's 2nd birthday celebration was a disaster but the pictures went great. I also told Teirro to film the entire process so that Sofia can see it once she grows up. Aaminin ko na masyado na din akong attached sa bata, kaya minsan para akong sinasaksak tuwing dumadaan sa isip ko na darating ang panahon na iiwan ko din siya.

Few weeks had gone by since the opening of the store. Nagpapasalamat ako kay Joella dahil hindi na siya kailangan utusan para pangalagaan ang clothing store. Pinangalan ko na ang lahat kay Sofia para siya na ang mamahala sa brand kung kaya niya. I also admire how Teirro got our manufacturer and the fabric factory to sign a contract with us.

Ngayon, wala na akong problema sa business dahil malakas ang team na nabuo namin. The only problem I have right now is the constant tantrum of the young lady of Silverstein.

"Clary! Bakit hindi tumatahan si Sofia!?"

Napailing na lamang ako sa sigaw ni Joella. Binaba ko ang hawak na sandok at inalis ang apron saka umalis sa kusina. Diretso akong pumunta ng living room kung saan ko narinig ang pagkalakas na boses ng aking business partner. Dumulas sa aking tainga ang iyak ni Sofia at ang natatarantang boses ni Joella na pinapatahan ang anak ko.

"Ano bang ginawa mo?" tanong ko rito. Agad kong binuhat si Sofia at pinatahan. "Nagugulat ang bata sa lakas ng boses mo, babae."

"Inaaliw ko lang naman eh!"

"Lower your voice, Joella. The young lady has sensitivity to noise. Lahat ng bata hindi gusto ang masyadong ingay. Halatang wala kang alam d'yan."

Napalingon naman ako sa nagsalita. "Akala ko ba matatagalan ka?"

"I greet your grace, Duchess Clarinette Hellery Seira Silverstein." Regine bowed in respect. "The fabric factory agreed to the additional clauses in the name of the Duchess. The opening was a success and we have enough materials for each design that would last for about six months. As of now, the course is on track and we are ready for any possible surplus of demands. Pertaining to your question, I let my unit attend the meeting."

"Teirro really has an eye for talented people." Hindi ko mapigilan ngumiti habang nakatingin sa kanya. "Despite being the financial manager, you also handle the manufacturing. I could not thank you enough for the dedication, Regine."

"I am doing my job as your employee, your grace."

"Bakit siya lang pinupuri mo, Clary?" pagmamaktol ni Joella sabay upo sa sopa habang nakakrus naman ang mga braso. "Mahirap kaya ngumiti palagi sa mga masungit na customer. Ang daming tanong tapos hindi naman bibili."

"You're doing well, Joella." Pinagbigyan ko na ang hiling niya kaya sumilay agad ang ngiti nito. "I know this celebration is a bit late, but I'm still hosting it. This is my way of showing gratitude for your participation in my business despite knowing who I am."

✓ | The Altered Version (Fate's Transgression Series, #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now