TAV 27: Time Skipped

2.1K 128 6
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN: Time Skipped

Clarinette | Liana

"Help..."

"Run Clarinette!"

"Her Majesty! Tell them to stop!"

"Your Highness, what have you done?!"

"Seize her! Kill that fucking traitor!"

"Don't kill me, please..."

"It has to be, Liana."

"Don't...don't...stop! Stop—"

"Stop!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. I felt my sweat dripping all over my body and the gasping of air seemed too exaggerated but I was having a nightmare.

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at ilang beses na napabuntong hininga para kumalma ang aking sistema.

Dumungaw ako sa nakabukas na bintana ng kubo at napansin ang buwan na siyang nagbibigay ilaw sa gabi.

Pagkaraan ng ilang minuto ay inaayos ko na lamang ang aking sarili dahil hindi naman din ako makakabalik sa pagkakatulog.

It was always like this. After having such a sinister nightmare, my whole system became wide awake and insomnia kicked in. Hindi na maayos ang tulog ko nitong mga nakaraan.

"Ling-ling...?"

Napalingon ako sa nagsalita. Mukhang naalimpungatan ata si Nanay Bebe sa pag-alis ko sa kama. I slowly walked towards her and tapped her hands.

"Tulog na po kayo ulit, Nay."

"Nanaginip ka na naman ba?"

Tumango na lamang ako bilang tugon.

"Huwag kang lumabas ng kubo dahil madilim pa sa labas," anito.

"Magpapahangin lamang po ako," sagot ko.

I tapped her until she returned to sleep.

Lumabas ako ng kubo at mahigpit na niyakap ang sarili ng biglaang dumaan ang malamig na hangin. Pinagbawalan ako ni Nanay Bebe na lumabas dahil malalim pa ang gabi subalit makitid ang utak ko.

I sat on a wooden chair and gazed towards the beautiful moon. While looking towards the sky, I inhaled and exhaled repeatedly until I finally felt at ease.

"One year..."

I felt my throat start to hurt when I tried to swallow my sobs. Malalaman ni Nanay Bebe na umiyak na naman ako dahil sa kaputian kong taglay.

"It has been a year since then, Clarinette."

Isang taon na simula ng mawala ako. Isang buong taon na akong nangungulila sa dati kong buhay. Bawat araw na nagdaan, sumasakit ang puso ko kakaisip kung ano na ang nangyayari.

All throughout the whole year, I long for the touch and voice of my beloved daughter. The annoying face of Teirro, and Joella's high pitched voice and Regine's smile.

I missed the Duchy. I missed them all.

Isang taon na ang lumipas.

"Happy death anniversary, Clarinette."

Napatawa ako ng mapakla.

I just found out recently that I was dead. Sumama kasi ako kay Nanay Bebe papuntang bayan dahil marami-rami ang naani niyang gulay at prutas. Dahil sa katandaan, hindi niya matatantya ang ibebenta niya sa merkado kaya nag-presenta ako na sumama.

✓ | The Altered Version (Fate's Transgression Series, #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now