TAV 09: Which Side?

2.8K 161 2
                                    

CHAPTER NINE : Which Side?

Clarinette | Lianna

THAT was the first and last call I did. Hindi na ako nag-abala na alamin kung ano na ang nangyari sa Duke pagkatapos no'n. Napagtanto ko lang na dapat wala dapat sumira sa plano ko.

I intended to not let the Duke be in the portrait for he will never have the time to save his own wife. Wala din akong balak aminin sa kanya ang sitwasyon para maiwasan magkaroon ng responsibilidad sa aming dalawa.

It is enough that I was concerned for a while. Hindi naman siguro siya mamamatay— wait lang. In the past life of Clarinette, she never talked to the Duke all throughout those years.

Wala din siyang ginawa kundi magkulong sa sariling kwarto at iwasan halos lahat ng tao. I was going the exact opposite of what she did, and it never occurred to me the consequences of those actions.

I was wasting these nine months planning my business, hone my culinary skills, attend Sofia's needs and eventually plot my escape.

Will this affect the original timeflow? Ibig ba sabihin nito, dahil iba ang daloy na tinatahak ko, umiiba din ang daloy ng mundo nila? Is there a possibility that the war will end prior to the last timeline or I am giving myself another what ifs?

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. I've been altering the old version of this life the moment I realized what I should do. So, there is a chance that everything I know about the past might not come true.

Hindi ko dapat pangunahan ang hinaharap, kailangan kong umayon sa daloy para mabalanse ang sitwasyon. Bakit ko ba hindi naisip 'yon no'ng una!?

"Your grace—"

"Litseng kalabaw, ano ba Teirro!"

"Paumanhin, madame. Masyadong malalim ang iyong iniisip at kanina pa kita tinatawag."

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para napalunok siya ng dalawang beses. "I already have the new documents for the month that are needed for your signature and opinion, your grace."

"Ilagay mo nalang sa opisina, titingnan ko 'yan mamaya. And while you are at it, tell everyone to not disturb me when I am in the pavilion, and that includes you, Butler."

Hindi siya nagsalita at agad lamang yumuko para gumalang bago umalis. Mainit talaga ang ulo ko ngayon dahil sa mga iniisip ko. Isali pa ang bagong problema na kinakaharap ko, hindi ko na alam ang gagawin.

Binaba ko ang hawak kong paintbrush saka naglabas ng isang malalim na buntong hininga. Hanggang ngayon hindi pa nawawala sa sistema ko ang boses ng lalaking 'yon kahit dalawang linggo na din ang lumipas.

The Duke has an ice-cold voice but when he is talking to me, it is calming in some way. Ayaw ko naman mag-assume dahil masakit 'yon pero binabagyo ng boses niya ang utak ko. It felt like I've known him for longer than I can remember, but at the same time, my memories don't have much of an encounter with him.

I'm being torn. Parte ng utak ko na alisin ang kung ano mang lason na binigay niya sa akin dahil ito ang dahilan kung bakit halos wala na din akong tulog. He freely occupied my mind and I don't know why.

Few days ago, inutusan ko si Mitch na dalhin sa akin ang mga larawan ng Duke, pero wala siyang nahagip ni isa man lang. Sinabihan ako ni Consuelo na hindi raw mahilig sa litrato ang Duke at lahat ng nga photo frame ay pinatago niya. Hindi din alam ng mga maids o kahit itanong ko pa kay Tierro ay wala din siyang alam kung saan iyon nakatago.

Gusto kong malaman kung ano ang itsura nito, dahil ilang beses na akong nanaginip ng lalaking may parehong boses niya pero wala naman itong mukha. I addressed it as a nightmare because of the faceless man. Mamatay ata ako tuwing nanaginip ako ng ganoon.

✓ | The Altered Version (Fate's Transgression Series, #2) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now