Chapter 1 - Betrayal

543 17 0
                                    

Elora POV

"Elora! Inutil ka talaga! Sunog na naman ang sinaing mo! Punyeta!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ng aking nanay mula sa unang palapag ng bahay.

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumaba, muntik pa akong madulas dahil nakakalat ang mga damit ng kapatid ko na si Stella, "Nay! Nandyan ka na pala!" Dumako ang tingin ko sa wall clock na nasa taas ng tv at nakita kung alas siyete pa lang ng gabi. "Ang aga mo yata nakauwi?"

"Tigilan mo ako! Nasa labasan pa lang ako, amoy na amoy ko na 'yan!" Gigil na hinampas ako ng hawak nitong timba, "Ang mahal ng gas, punyeta ka talaga! Ano akala mo sa akin, tumatae ng pera, huh?"

Napakamot na lang ako sa aking noo habang hinahaplos ang braso na nabugbog ng ginto niyang timba, mas matanda pa yata kasi sa kanya 'yon. "Sorry na nay, may trabaho kasi ako. Medyo nakalimutan ko na,"

- "Heh! Manahimik ka! Kahit kailan ka talaga, wala ka nang ginawang tama sa bahay na 'to. Puro sa reklamo at rason! Wala kang kwen---"

"Naaaay!" huminto ang ratrat niya nang marinig ang matinis na boses ng paborito niyang anak. "Nay, nabili mo ako?"

"Syempre naman, halika at isukat mo, excited na ako!" Nawala bigla ang inis nya at lumapit sa kapatid o habang ako ay tahimik lang na pinanood sila.

'Ako naman ang nagdadala ng pera dito,' gusto kung sabihin, pero baka magkaroon ng round two ang misa, kaya hinayaan ko na lang at pinuntahan ang sinaing. Napangiwi ako nang makita na sunog 'to kaya kumuha ako ng asin at ibinudbod sa takip ng kaldero, tsaka niya binuksan ang bintana para sumingaw ang amoy.

Pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto at saka umupo ulit sa harap ng laptop, pinilit ko na bumalik sa pag titipa pero agad din naman akong humihinto, paano nakaramdam na naman ako ng lungkot at inggit. Tatlo lang kaming magkakapatid at ako ang panganay, pero para lang akong ampon dito at kuhanan ng pera kung ituring nila, maliban na lang sa tatay kung sobra akong mahal.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang phone kung tumutunog, kinuha ko agad 'yon at napapikit nang mariin ng makita kung sino ang tumatawag sa akin.

Lagot!

Boss calling...

"Miss Ai, hello, " bati ko dito, hindi ko alam kung anong sasabihin, ilang araw na ang nakalilipas ay hindi ko pa rin naipapasa ang report ko.

"Elora! Putangina! Papatayin mo ba ko sa kahihiyan? Sobrang late ka na sa deadline, I've been trying to reach you, pero ngayon ka lang sasagot, ha?"

"Sorry, Ms. Ai, promise, tatapusin ko na! May mga nangyari lang kasi, kaya hindi ko natapos agad," pagdadahilan ko.

"No, enough with that, Elora! May pinagsamahan tayo, kaya hanggang ngayon tinutulungan pa rin kita, pero be professional naman! I want all the reports in my email first thing in the morning! If not, I'm very sorry, Elora. I've given you enough chances,"

Kasunod noon ay namatay na ang tawag. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at tumingin muli sa laptop, ginagawa ko naman ang reports pero hindi ko lang natatapos pa.

Agad din naman nawala ang lungkot at stress na nararamdaman kong makita na tumatawag si Daniel, ang boyfriend ko. "Hon, hello?"

"Hon, tapos ka na sa work? Nasaan ka na ba?" bakas ang pagod sa boses nito, siguro dahil galing siya sa trabaho. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong nito at agad ko naman tinignan ang mini calendar na nasa study table ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang red heart, shit!

"You forgot, right?"

"A-ah, hindi. Ano ka ba naman, Hon! Anniversary natin 'yon, bakit ko makakalimutan? Nasaan ka na ba? Nagbibihis na kasi ako, baka late ka na naman?"

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now