Chapter 24 - Epilogue

383 10 0
                                    

Elora POV

Dalawang taon na ang lumipas simula ng mangyari ang lahat at isa na do'n ang pagkawala ng anak namin ni Sebastian, pero kahit gano'n pa man ay pinili naming mamuhay ng masaya at kontento sa isa't isa. Matagal na din kaming kasal.

Ngayon naman ay nandito kami sa puntod ng anak namin dahil death anniversary niya, pinagawan kasi 'to ng asawa ko para naman may mapuntahan kami at mabisita kapag namimiss namin ang munting anghel namin.

"Hello baby Miracle, how are you? I miss you so much," saad ko habang inaayos ang bulaklak na dala namin. Napagdesisyunan naming mag asawa na 'yon ang ipapangalan sa kanya dahil kahit na hindi man namin siya nasilayan ay isa pa rin siyang blessing at regalo ng Panginoon.

"It's been how many years pero sariwa pa din ang alaala mo sa amin ng mommy mo. Mahal na mahal ka namin anak," segunda naman ni Seb.

Mayamaya pa ay humangin at naramdaman namin ang lamig na parang yumayakap sa amin. "I know that you're here beside us, our angel. Be happy up there. Always guide us." sambit ko.

Napasandal ako sa balikat ng aking asawa, hindi ko inaasahan na bibigyan ako ng isang maalaga at mapagmahal na asawa. Ang laki din ng pinagbago ni Seb, hindi na siya katulad ng dati na suplado at mainitin ang ulo.

Parang ang bilis lang ng mga araw, parang kailan lang ng malaman ko na niloko ako ng boyfriend ko at napadpad sa Isla Haraya, ni hindi ko nga inaasahan na do'n ko pala makikilala ang magiging asawa ko. Iba talaga gumawa ng paraan ang Diyos, nagiging posible ang tingin mong imposible. Sa mga nakaraang taon ay masasabi kung puno ng kasiyahan ang puso at buhay ko, nakapagtapos ng pag aaral ang kapatid kung si Kier at may maayos ng trabaho samantalang ang kapatid ko naman na si Stella ay nag aaral na ulit. At tungkol naman sa kaibigan kung si Charline, nalaman kung si Skyler pala ang tunay na ama ng kanyang anak, tadhana nga naman oh, hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari. Si Scarlet naman ay tuluyan ng gumaling at nakalabas ng rehab, inurong ng asawa ko ang kaso laban sa kanya, ngayon ay nasa ibang bansa siya para tuparin ang kanyang pangarap.

"What are you thinking?" napatingin ako sa asawa ko ng tumabi 'to sa akin.

"Iniisip ko lang na ang mga nangyari sa atin pati sa mga taong malalapit sa buhay natin. Sobrang saya ko, hindi ko alam na magiging matatag tayo pagkatapos ng lahat ng pagsubok na dumating sa buhay natin," sagot ko sa kanya.

"At dahil alam natin na kaya natin ang mga hamon sa buhay at syempre dahil nandyan ang anghel natin na gumagabay. Look at you now, you build your own name. You have restaurant and botiques already. At higit sa lahat ay may publishing na kumuha sa isang storya na ginawa mo. Who would have thought that you will be successful like this. I'm so proud of you baby,"

"Syempre dahil 'yon sayo, tinulungan mo akong maabot lang ng 'to. Ikaw ang unang naniwala sa kakayahan ko. Ikaw ang nagpapalakas ng loob ko lagi lalo na kapag kinakabahan ako. Hindi mo ako iniwan simula noon hanggang ngayon. At higit sa lahat sobrang pagmamahal ang binigay mo sa akin ng higit pa sa inaakala ko. Sinuportahan mo ako sa lahat ng bagay." sagot ko naman sa kanya.

"You've become my strength and peace, Elora. Ikaw ang bumuo sa akin, pinunan mo ang kung anong kulang sa buhay ko. At higit sa lahat ikaw ang nagbukas sa aking isipan para makipag ayos sa mga magulang ko."

"Dahil 'yon ang dapat, kasi kahit naman pagbaliktarin natin ang mundo ay magulang mo pa rin sila. Ayaw kung magtanim ka ng galit o sama ng loob sa kanila dahil hindi 'yon ikakapanatag ng loob mo, swerte ka pa rin sa mga magulang mo dahil alam kung mahal na mahal ka nila. Tanggap nila ang pagkakamaling nagawa nila sayo ay humingi sila ng tawad, 'yon naman kasi ang mahalaga. Matutuo tayong magpatawad sa mga taong nanakit sa atin lalo na kung pinagsisihan naman na nila ang bagay na 'yon, katulad natin ay tao lang din sila, may nagagawang kasalanan pero ang importante ay nagbago sila." paliwanag ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pag ngiti niya. "That's why I'm so lucky to have you in my life, you're the best gift that happened to my life that I would cherish forever,"

"Ang sweet naman ng asawa ko, ang totoo anong kailangan mo?" natatawang tanong ko sa kanya.

"What? Lagi ko naman sinasabi sayo 'yan ah," reklamo niya naman na mas lalong nagpatawa sa akin.

Napangiti naman ako sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman na may sorpresa akong hinanda para sa kanya.

"Why are you staring like that?" napakurap naman ako ng sabihin niya 'yon. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to ang epal.

"Ang panget mo kasi, kaya iniisip ko kung talaga bang ikaw ang naging asawa ko," pagbibiro ko sa kanya.

"Really? Hindi ba dapat ako ang mag isip ng ganyan, ang raming babae ang umaaligid sa akin eh. Siguro ginayuma mo talaga ako," balik turan nito.

Agad naman na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis ko siyang hinampas. "Ang kapal naman talaga ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan eh ikaw nga 'tong patay na patay sa akin." bulalas ko.

"You said? Well, totoo naman." walang prenong saad nito dahilan para mapatigil ako sa paghampas sa kanya at umiwas ng tingin. Bwisit na lalaki!

"Kita mo kinikilig ka na naman. Ako lang 'to ha," dagdag pa nito.

"Hambog!" singhal ko sa kanya."I have something to tell you," pinaseryoso ko ang mukha ko.

Umayos naman siya ng upo at tumingin sa akin. "What is it? Is there any problem?"

"Promise me first, that you won't get mad," wika ko.

"I can't say that thing, unless kung hindi bad news 'yang sasabihin mo,"

"Close your eyes baby," nakangiting turan ko.

"Stop playing games, baby." bakas sa boses nito ang inis kaya natawa ako, minsan talaga mabilis maubos ang pasensya na.

"Paano ko ibibigay ang regalo ko sayo kung hindi mo ipipikit ang mga mata mo? Edi hindi na surprise 'yon?" saad ko.

"Fine, but be sure na matutuwa ako diyan or else I'll punish you when we get home."

Nang maipikit niya ang kanyang mga mata ay kinuha ko ang tatlong pregnancy kit sa aking bag at inilagay 'to sa kanyang kamay. "Now, open your eyes baby," bulong ko sa kanya na agad niya naman sinunod.

Nakita kung titig na titig siya sa bagay na nasa kanyang kamay, nakaawang pa ang kanyang labi na parang hindi makapaniwala sa kung ano man ang nakikita niya ngayon. "Is. . . is this for real? Am I not dreaming?" mahinang bulalas nito.

Tumango naman ako. "Gising na gising ka baby, at hindi ka nanaginip sa nakikita mo. You're going to be a father again," sagot ko sa kanya.

"Yes! Tangina! Magiging tatay na ulit ako! Oh God!" napatayo pa 'to at sumuntok sa hangin. Hindi ko mapigilan ang hindi maluha dahil sa nakikita kung saya sa mukha ng asawa ko. "Did you hear that baby? Magkakaroon ka na ng baby brother," dagdag pa nito pagatapos ay bumaling siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you so much, Elora." bulong nito sa akin at saka hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"I love you so much baby,"

"Mahal na mahal din kita, Seb," sagot ko naman sa kanya.

Wala na akong mahihiling pa sa aking buhay dahil binigay na sa akin ang kailangan ko, hindi man ako naging mabuting tao at may mga pagkakamali man ako sa buhay ko ay alam kung may magandang planong naisulat para sa akin. Hindi man naging perpekto ang buhay ko ay meron naman akong Diyos na kasama ko sa araw araw.

Marami akong natutunan sa naging buhay ko, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo ng mabilisan, minsan kailangan mong matutong maghintay ng tamang panahon. Dahil kung para sayo 'yon ay ibibigay sayo kahit hindi mo man hilingin. Huwag pairalin ang galit sa puso dahil wala 'tong magandang maidudulot sa atin. Walang masama ang magmahal pero masama ang ipilit mo ang hindi para sayo, minsan kasi diyan nagsisimula na nakakagawa tayo ng hindi maganda dahil nabubulag tayo sa katotohanan. We need to learn how to accept and when to raise our flags.

Life is like a game, we need to be strong and survive to live.

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now