Chapter 19 - Confrontation

172 6 0
                                    

Elora POV

Isang buwan na ang lumipas simula ng malaman ni Sebastian ang tungkol sa pagbubuntis ko, at mas naging maingat pa siya sa akin. Minsan nga ay napapagalitan ko na siya kasi kahit sa konting galaw ko lang ay nag aalala na agad siya sa akin. At napagpasyahan niya din na dito na ako manatili sa kanyang bahay para may kasama akong katulong habang ang kapatid ko naman ay naiwan sa condo.

"Baby, I need to go now. Are you sure you'll be okay here?" rinig kung tanong nito sa akin.

"Ano ka ba naman Seb, ginagawa mo naman akong bata eh. Okay lang naman ako kaya wala kang dapat ipag alala, dugo pa lang naman si baby," paalala ko sa kanya.

"I know, hindi ko lang maiwasan ang hindi mag alala sa inyong dalawa,"

Napangiti naman ako sa kanya, no doubt, Sebastian will be a good father.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay naisipan kung maupo na lang muna sa veranda, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mamangha sa bahay ni Seb, sobrang laki at ganda kasi nito. Hanggang sa maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko, buong akala ko ay si Seb na naman pero nagtaka ako dahil unregistered name 'to.

"Hello, Elora."

"Who's this?" tanong ko.

"This is Scarlet,"

"Oh I see, bakit napatawag ka?" saad ko, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko.

"Busy ka ba? Pwede ba tayong magkita? May kailangan lang kasi akong sabihin sayo," 

"Hmm, wala naman akong ginagawa so pwede. Saan?" sagot ko sa kanya.

Matapos naming mag usap ay nagbihis na ako para umalis. Hindi naman siguro magtatagal ang pag uusap naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ng babaeng 'yon at nakipagkita sa akin. Pero ayos lang naman dahil sinabi ni Seb na okay na sila.

Nang makarating ako sa restaurant kung saan ang napag usapan namin ay agad ko naman nakita si Scarlet, hindi ko alam kung ano ang pakay niya at gusto niya akong makausap, pero wala naman siguro masama kung haharapin ko siya.

"Hi, Elora, mabuti naman at nakarating ka," bati nito sa akin ng malapit na ako sa kanyang pwesto

"Anong kailangan mo at naisipan mong makipagkita sa akin?" diretsang tanong ko sa kanya ng makaupo na ako.

"It's about Sebastian," panimula niya.

Napataas naman ang kilay ko. "Anong meron sa boyfriend ko?" tanong ko.

"Iwan mo na siya, he deserve someone better than you." 

Natawa naman ako habang umiiling iling, hindi ko alam na ganito pala ang babaeng 'to  "Bakit ko naman gagawin ang bagay na 'yon? At sino ba dapat ang deserve niya, ikaw?"

"Hindi ka niya mahal, Elora. Ako ang totoong mahal niya, kaya kung ako sayo ay iwan mo na lang siya." anas ko.

"Are you crazy?  Hindi ko alam na ganito ka pala kadespera, sabagay sino ba naman kasi ang hindi maghahabol sa lalaking 'yon eh halos na sa kanya na ang lahat. Hindi ba uso sayo ang salitang move-on? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo ng salitang respeto lalo na sa relasyon ng iba? Wala ka na bang natitirang dignidad sa sarili mo? Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Ikaw ang mahal niya? Bakit ako ang kasama? Ang pagkakaalam ko ay wala naman kayo naging relasyon dahil isa ka lang sa mga naging babae niya,"

Nakita ko naman ang inis at galit sa kanyang mukha. Akala niya naman masisindak niya ako "How dare you say that thing to me? Hindi ko alam na ganyan ka pala katabil ang dila mo, hindi ko nga alam kung ano ang nakita sayo ni Seb eh. Ginagamit ka lang niya! Matagal ang pinagsamahan naming dalawa kaya mas deserve namin ang isa't isa."

Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now