Chapter 20 - Elora and Sebastian Moments

181 5 0
                                    

Sebastian POV

Kaharap ko ngayon si Elora at sinabi niya sa akin ang nangyari sa pagitan nila ni Scarlet.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na 'yan? Basta ka na lang nakipagkita sa kanya, paano kung may masamang ginawa sayo ang babaeng 'yon?" inis na turan ko.

"Hindi ko naman kasi alam, hindi ba at sinabi mo sa akin na nagkausap na kayong dalawa at tinanggap niya na ang lahat. Kaya hindi ko naman alam na gano'n lang pala ang sasabihin niya sa akin,"

"Kahit na, Elora. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kung sa akin ay nagawa niyang humingi ng tawad at magsinungaling how much more pa sayo diba? Alam mo naman na may galit pa rin siya sayo, ilang beses na ba kita pinagsabihan na huwag kang magtitiwala agad at iwasan mo ang pagiging mabait," hindi ko pa rin maiwasan ang hindi magalit. Sobrang pag aalala ko sa kanila ng malaman ko ang ginawa ni Scarlet. Paano na lang kung naniwala si Elora? Paano kung may nangyari sa kanilang dalawa ng anak namin? Hindi ko mapapatawad ang babaeng 'yon. Buong akala ko pa naman ay nagbago na siya.

Ngumuso naman 'to sa akin. "Sorry na, okay naman kami ni baby eh. Alam kung nag aalala ka lang pero nakikita mo naman na nakauwi kami ng buo,"

"Hindi pa rin 'yan rason baby, paano kung hindi? Sana kasi sinabi mo na lang sa akin ang tungkol sa pagtawag niya, pwede naman kitang samahan," anas ko.

"Alam ko naman kasi na busy ka sa trabaho kaya ayaw ko naman na maaabala pa,"

"Kahit kailan hindi kayo abala sa akin ng anak natin, okay? Please be careful next time," paalala ko sa kanya. Ngumiti naman 'to sa akin at tumayo.

"Oo na po, huwag ka ng magalit. Next time sasabihin ko na sayo,"

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sa tingin mo may susunod pa? Hindi ka na makikipagkita sa kanya ng hindi ako kasama." seryosong turan ko at tumawa lang siya.

"Kalma, wala naman na akong balak kausapin ang babaeng 'yon. Mamatay na lang siya sa inggit. Ang rami naman kasi ng nagkakagusto sayo tapos 'yong isa baliw pa,"

Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. "Do want to eat something? Nagpabili ako kay Sky ng sea foods," tanong ko sa kanya.

"Really?" nagningning naman ang kanyang mga mata.

"Yep," sagot ko.

Mayamaya pa ay dumating na si Skyler at inaabot sa akin ang binili niya. Nakita ko naman ang saya sa mukha ni Elora ng ilagay ko 'to sa mesa.

"Bakit sambakol 'yang mukha mo pre?" tanong sa akin ni Sky.

Agad ko naman ikwenento sa kanya ang nangyari, maski siya ay nagulat din at hindi makapaniwala dahil akala niya ay nagbago na talaga si Scarlet

"See? Malakas talaga ang kutob ko eh, sinabi ko na sayo na hindi ako naniniwala na basta na lang magpaparaya si Scarlet, alam natin kung gaano 'yon ka patay na patay sayo," bulalas nito.

"She looks sincere, okay? At saka gusto ko na ng maayos na buhay. Kaya nga pumayag akong makipag usap sa kanya para ipaintindi na hindi niya dapat ipilit pa ang sarili niya sa akin. I didn't know that she will make some stories to ruin me and Elora, she even have some photos," saad ko.

Bumaling naman siya girlfriend ko. "Mabuti na lang at hindi ka agad naniwala sa mga sinabi niya," 

Nilunok muna ni Elora ang pagkain na nasa kanyang bibig bago tumingin kay Sky. "No'ng una nagulat din naman ako lalo na ng ipakita niya sa akin ang mga pictures na magkasama sila ni Seb sa office, sa restaurant at sa isang kwarto," sagot nito

"Ang pagkakatanda ko pumunta siya sa opisina ni Seb at do'n sila nag usap. She even apologize to him,  sa restaurant ay magkasama kaming tatlo no'n dahil nakakahiya naman kung hindi siya namin yayayain sumabay sa amin kumain. At tungkol sa sinasabi mong kwarto? Malabo mangyari ang bagay na 'yon unless kung edited 'yon o kaya baka mga past pictures pa which is hindi mo alam kasi hindi pa kayo magkakilala ni Seb," paliwanag naman ni Sky, alam na naman ni Elora ang tungkol diyan dahil sinabi ko sa kanya.

"I trust Seb, at hindi naman ako agad maniniwala sa hibang niyang ex-girlfriend lalo na't alam ko naman ang lahat," sagot ni Elora.

"She's not my ex!" kontra ko sa kanyang sinabi.

"Edi fuck buddy!" at umirap pa 'to sa akin.

"Elora. . ." seryosong sambit ko sa kanyang pangalan.

"I'm just joking okay?" mabilis niyang bawi.

"Scarlet is so obsess with you Seb, kailangan mag ingat si Elora. Hindi natin alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Alam naman natin na malaki ang inggit no'n sa girlfriend mo, akala niya kasi inagaw sa kanya kahit wala naman kayong naging relasyon," saad ni Sky

"I will not let her hurt my soon to be family, sumukan niya lang at hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya," galit na wika ko at umupo sa tabi ni Elora.

Nanatili pa si Sky ng halos isang oras bago tuluyang nagpaalam na uuwi na, naiwan kaming dalawa ni Elora sa sala.

"Are you full?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin. "Thank you baby," mahinang turan nito.

"For what? Hmmm."

"For everything, sa mga tulong mo sa amin ng kapatid ko simula pa ng una. Sa pag aalaga at pagmamahal mo sa akin at sa magiging anak natin,"

"I should be the one thinking you," saad ko.

"And why?"

"Because you came into my life, you've become my light, strength and most of all you fulfil one of my dreams in life," sagot ko sa kanya.

Sumandal naman siya sa balikat ko. "What dream?"

"To be a father and to buld my own family," maikling saad ko.

"I love you Sebastian. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko. Siguro talagang dinala ako ng Diyos sa Isla Haraya para maging buo ulit,"

"I love you so much baby, you and our soon to be child. Hindi ko pinagsisihan na nakilala kita. You give so much colors in my darkest life," mahinang saad ko bago siya hinalikan sa pisngi. "You need to drink your vitamins na," dagdag ko pa at tumayo na ako para ikuha siya ng tubig





Isla Haraya : Elora (Complete) - Published Under Immac PublishingWhere stories live. Discover now